Seminary
Doctrinal Mastery: Efeso 1:10


Doctrinal Mastery: Efeso 1:10

Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay

Ipinintang larawan ng unang pangitain ni Walter Rane. Ang Ama at ang Anak ay nagpakita kay Joseph Smith sa sagradong kakahuyan.

Sa iyong pag-aaral ng Efeso 1, natutuhan mo ang tungkol sa doktrina ng Pagpapanumbalik. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga turo sa Efeso 1:10 sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Ipaliwanag at isaulo

Ipagpalagay na hindi pumasok ang ilang kaklase mo sa araw na pinag-aralan ng klase ninyo sa seminary ang doktrina ng Pagpapanumbalik sa Efeso 1. Hiniling sa iyo ng inyong seminary teacher na ibuod nang ilang minuto ang pinakamahahalagang turo na sa palagay mo ay kailangang malaman at matandaan ng lahat ng estudyante tungkol sa doktrina ng Pagpapanumbalik at sa mga turo mula sa Efeso 1:10.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Aling mahahalagang katotohanan tungkol sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ang ibabahagi mo? Bakit?

  • Paano mo ipaliliwanag ang mga turo na matatagpuan sa Efeso 1:10 sa sarili mong mga salita?

  • Paano nakakaimpluwensya ang pag-unawa sa Pagpapanumbalik sa nauunawaan at nadarama ng isang tao sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Sa iyong study journal o sa iyong digital device, isulat ang mahalagang parirala at reperensya para sa doctrinal mastery passage na Efeso 1:10 sa pamamagitan ng paghahati nito sa apat na bahagi tulad ng makikita sa ibaba:

  • Sa [dispensasyon] ng kaganapan ng panahon

  • [Maaari Niyang] tipunin

  • Ang lahat ng mga bagay kay Cristo

  • Efeso 1:10

Takpan ang mga linya 2–4, at ulitin ang linya 1 sa iyong isipan hanggang sa maisaulo mo ito. Pumunta sa pangalawang linya, at ulitin ang proseso. Gawin din ito para sa mga linya 3 at 4. Kapag kumpiyansa ka na naisaulo mo na ang lahat ng apat na linya, isulat ang lahat ng ito sa iyong study journal nang hindi tumitingin sa kopya. Ulitin ang proseso kung kinakailangan hanggang sa maisulat mo ang buong mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang reperensya nang walang kopya.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Maaari mong rebyuhin ang talata 5–12 sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at gumawa ng isang icon o simpleng visual representation upang maalala mo ang alituntuning ito at ang konsepto nito. Halimbawa, para sa alituntuning “suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw,” maaari kang gumawa ng visual na tulad ng mga sumusunod:

Salamin na may isang set ng binoculars at isang teleskopyo.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan kang magsanay na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Efeso 1:10 na sa dispensasyon ng kaganapan ng panahon, titipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo. Pagkatapos ay gamitin ang sitwasyong ito, o gumawa ng sarili mong sitwasyon, para masagot ang mga kasunod na tanong.

Isang kaibigan mo kasama ang kanyang pamilya ang nabinyagan at nakatitiyak siya sa oras na iyon na tinutularan niya ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsapi sa Kanyang Simbahan. Ngunit sa nakalipas na taon mula nang mabinyagan siya, madalas siyang udyukan ng iba pang mga kaibigan na labagin ang mga kautusan. Nagsimula na siyang mag-isip kung ito ba talaga ang Simbahan ni Cristo at kung sulit bang manatiling tapat sa ebanghelyo.

Bagama’t may ilang katotohanan na makatutulong sa iyong kaibigan, isipin kung paano siya mapalalakas at mahihikayat ng mga doktrina ng Pagpapanumbalik at ng dispensasyon ng kaganapan ng panahon.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sa iyong study journal, sagutin ang mga tanong sa ilalim ng bawat isa sa sumusunod na tatlong alituntunin:

Kumilos nang may pananampalataya

  • Anong mga hakbang ang hihikayatin mong gawin ng kaibigan mo para kumilos siya nang may pananampalataya?

  • Paano makatutulong ang pagkilos nang may pananampalataya sa mga tanong at alalahanin ng iyong kaibigan?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa Pagpapanumbalik?

  • Paano makatutulong sa iyo at sa iyong kaibigan sa sitwasyong ito ang pagkakaroon palagi ng walang-hanggang pananaw?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano makatutulong ang mga katotohanang matatagpuan sa Efeso 1:10 sa sitwasyong ito?

  • Kung mayroon ka pang oras bago tumugon sa iyong kaibigan, ano ang maaari mong rebyuhin o pag-aralan? Anong sources ang maaari mong sabihin sa iyong kaibigan na pag-aralan niya nang mag-isa? Bakit?