Doctrinal Mastery: Santiago 1:5–6
“Humingi … Diyos”
Sa nakaraang lesson, “Santiago 1,” nalaman mo na bibigyan tayo ng Diyos ng karunungan kung hihingi tayo sa Kanya nang may pananampalataya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Santiago 1:5–6, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Ipagpalagay na nahihirapan ang isang kaibigan na gumawa ng mahalagang desisyon sa kanyang buhay. Alam mo na hindi lumaki ang kaibigang ito sa paniniwala na maaari nating kausapin nang direkta ang Diyos sa panalangin.
Alalahanin na sa nakaraang lesson, napag-aralan mo ang sumusunod na katotohanan mula sa Santiago 1:5–6: Bibigyan tayo ng Diyos ng karunungan kung hihingi tayo sa Kanya nang may pananampalataya.
Ang kakayahang mahanap at maipaliwanag ang doctrinal mastery passage na ito ay maaaring makatulong sa iyo habang ibinabahagi mo ang ebanghelyo sa iba sa buong buhay mo. Upang tulungan kang maisaulo ang scripture passage na ito, tingnan ang larawan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith sa simula ng lesson habang inuulit ang sumusunod na mahalagang parirala at reperensya ng banal na kasulatan nang maraming beses hangga’t kaya mo sa loob ng isang minuto: “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos” (Santiago 1:5–6).
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Si Joseph Smith ay isa sa maraming halimbawa ng mga tao sa banal na kasulatan na napagpala dahil sa pagsunod sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Para sa sumusunod na pagsasanay para sa pagsasabuhay, pag-aaralan mo ang isang halimbawa kung paano niya ipinamuhay ang mga alituntuning ito. Bago ka magsimula, maglaan ng ilang minuto na rebyuhin sandali ang mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).
-
Isipin ang nalalaman mo na tungkol sa karanasan ni Joseph Smith. Ano ang mga tanong ni Joseph? (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:8–10.)
-
Bakit mahalaga para sa atin na humingi ng mga sagot mula sa Diyos para sa ating sariling mga tanong tulad ng ginawa ni Joseph Smith?
Isipin ang anumang tanong mo o karunungan na hinihingi mo. Habang ginagawa mo ang sumusunod na aktibidad, pag-isipan kung paano makatutulong sa iyo ang halimbawa ng pagsasabuhay ni Joseph sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyong nangangailangan ng karunungan mula sa Diyos.
Pag-aralan ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:8, 11–17, at maaari mong markahan ang bawat parirala na nagpapakita kung paano sinunod ni Joseph ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman bilang tinedyer. Bagama’t maaaring pamilyar ka na sa kanyang kuwento, maghanap ng mga detalye sa mga talatang ito na naghahayag ng mga hangarin, mga pag-uugali, at pananampalataya ni Joseph maliban pa sa maaaring napansin mo noon.
-
Anong mga halimbawa ang nakita mo tungkol sa pagkilos ni Joseph nang may pananampalataya, pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw, at paggamit ng sources na itinalaga ng Diyos?