Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14

Unawain at Ipaliwanag

Nakatayo si Jesucristo sa isang burol kung saan tanaw ang isang ilog

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ang matulungan kang maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.  

Pagrerebyu

Sa sumusunod na aktibidad, itugma ang bawat sitwasyon sa doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay pinakamahusay na makapagtuturo sa tao o mga tao sa sitwasyong iyon.

Makikita ang mga sagot sa katapusan ng lesson.

  1. 1 Corinto 6:19–20

  2. 1 Corinto 11:11

  3. 1 Corinto 15:20–22

  4. 1 Corinto 15:40–42

  1. Ang ilan sa mga miyembro ng iyong pamilya ay labis na nalulungkot dahil pumanaw ang isang mahal sa buhay kamakailan at nadarama nila na hindi na sila magkikitang muli kailanman.

  2. Naniniwala ang ilang tao na ang kanilang katawan ay pagmamay-ari nila at magagawa nila ang gusto nila sa mga ito. Hindi nila nauunawaan na ang Tagapagligtas ang nagdusa upang tubusin tayo, na literal na nangangahulugang “bilhin tayong muli.” Dahil dito, hindi natin pagmamay-ari ang mga sarili natin, kundi may utang tayo sa Tagapagligtas.

  3. Maraming tao ang naniniwala sa langit at impiyerno ngunit mali ang pagkakaunawa nila sa mga katotohanan tungkol sa kabilang buhay at mga katawang nabuhay na mag-uli.

  4. Tinanong ka ng isang kaibigan kung bakit mo uunahin ang matibay na pagsasama ng mag-asawa at mga ugnayan ng pamilya kaysa sa tagumpay sa trabaho at pera.

Unawain at ipaliwanag

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano tayo maiuugnay ng mga banal na kasulatan kay Jesucristo. Maaaring gusto mong panoorin ang video na “President Nelson—The Scriptures Teach Us about Jesus Christ (for Youth)” (0:59), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, o basahin ang sumusunod na pahayag.

0:59

President Nelson – The Scriptures Teach Us About Jesus Christ (for Youth)

As we feast on the words of Christ daily, the words of Christ will tell us how to respond to difficulties we never thought we would face.

Opisyal na larawan ni Pangulong Russell M. Nelson na kuha noong Enero 2018

Nagtuturo [ang mga banal na kasulatan] sa atin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, ang kalawakan ng Kanyang Pagbabayad-sala, at ang dakilang plano ng kaligayahan at kaligtasan ng ating Ama. Ang araw-araw na masigasig na pag-aaral ng salita ng Diyos ay mahalaga para sa espirituwal na kaligtasan lalo na sa tumitinding ligalig sa panahong ito. Kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Cristo araw-araw, ang mga salita ni Cristo ay magsasabi sa atin kung paano tumugon sa mga paghihirap na hindi natin inakalang dadanasin natin.

(Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 89)

Ipagpalagay na, upang simulan ang isang aktibidad ng mga kabataan, hiniling sa iyo na magbahagi ng banal na kasulatan na nakatulong sa iyo na matuto o makadama ng isang bagay tungkol kay Jesucristo. Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage mula sa lesson na ito o sa iba mula sa Bagong Tipan. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang tumukoy ng mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas na magpapalalim ng iyong nauunawaan tungkol sa Kanya, sa Kanyang ebanghelyo, sa Kanyang Pagbabayad-sala, o sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Aling doctrinal mastery passage ang pinili mo?

  • Anong katotohanan o doktrina ang natukoy mo mula sa doctrinal mastery passage na ito?

  • Paano maaaring maiba ang buhay ng isang tao kung hindi niya alam ang katotohanang natukoy mo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa katotohanang ito na mas mapalapit sa Tagapagligtas?

Mga Sagot sa Pagrerebyu: 1-b, 2-d, 3-a, 4-c