Seminary
Mga Gawa 16


Mga Gawa 16

“Kami’y Tinawag ng Diyos upang Ipangaral ang Magandang Balita”

Sa isang pangitain, si Pedro ay nagbibinyag ng isang Gentil.

Sa Kanyang huling habilin sa Kanyang mga Apostol, iniutos ng Panginoon sa kanila na “gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19). Maraming pambihirang nagawa si Pablo at ang kanyang mga kasama sa pagtupad sa utos na ito. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang makilala ang tulong na nais na ibigay sa iyo ng Tagapagligtas habang pinagsisikapan mong ibahagi ang Kanyang ebanghelyo sa iba.

Pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba

Maaaring natatandaan mo na pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, tinipon Niya ang Kanyang mga Apostol at ibinigay Niya sa kanila ang sumusunod na kautusan: “Kaya’t sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19).

Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na saloobin tungkol sa utos ng Tagapagligtas na ipangaral ang ebanghelyo. Maaari mong panoorin ang video na “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo” mula sa time code na 2:46 hanggang 3:30 o basahin ang pahayag sa ibaba.

2:3
Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Pinagnilayan ko nang madalas at ipinagdasal ang tungkol sa utos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na “dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” [Mateo 28:19].

Nahirapan akong sagutin ang tanong na “Paano natin, na mga miyembro at disipulo ni Cristo, pinakamainam na matutupad ang dakilang utos na ito sa ating buhay?”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na pag-isipan ang tanong na ito sa inyong puso at isipan.

(Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Liahona, Mayo 2019, 15–16)

Bukod pa sa tanong na hiniling ni Elder Uchtdorf na pagnilayan mo, pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong. Maaari mong isulat sa iyong study journal ang mga sagot mo.

  • Sa scale na 1–5, gaano kalaki ang hangarin mong ibahagi ang ebanghelyo sa iba? Bakit ganito ang sagot mo?

  • Anong mga balakid ang kinakaharap mo sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba?

Si Apostol Pablo ay isang mahusay na misyonero na nagdala ng maraming kaluluwa kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanyang pangangaral. Sa linggong ito, malalaman mo ang tungkol sa ilan sa mga pangyayaring naganap sa pangalawa at pangatlong paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (tingnan sa Mga Gawa 15:36–41; 16; 17; 18:1–22 at Mga Gawa 18:23–28; 19; 20; 21:1–15). Inilalarawan sa sumusunod na mapa ang mga paglilibot ni Pablo sa mga paglalakbay na ito:

Mapa ng Biblia. Ang mga Paglalakbay ni Apostol Pablo Bilang Misyonero.

Habang pinag-aaralan mo ang ilan sa mga karanasan ni Pablo mula sa kanyang ikalawang misyon sa lesson na ito, makakakita ka ng mga halimbawa ng sumusunod na katotohanan: aakayin tayo ng Panginoon sa mga taong inihanda Niya na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo. Bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa mga pagsisikap mo na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Nangaral si Pablo at ang kanyang mga kasama sa Macedonia

Paglalarawan kay Lydia, “isang mangangalakal ng telang kulay-ube” sa Bagong Tipan.

Basahin ang Mga Gawa 16:6–15, at alamin ang naranasan ni Pablo at ng kanyang mga kasama sa unang bahagi ng ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero.

  • Ano ang matututuhan mo tungkol sa Ama sa Langit mula sa salaysay na ito na makatutulong sa iyo sa mga pagsisikap mo na mahanap ang mga taong inihanda ng Panginoon na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo?

  • Paano mo nakitang inihanda ng Panginoon ang iba na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo? Paano Siya naghanda o paano ka Niya maihahandang maghanap ng mga indibiduwal na naghahanap sa Kanya?

Para makakita ng paglalarawan ng kung paano inihahanda ng Panginoon ang mga tao na tumanggap at magbahagi ng Kanyang ebanghelyo, panoorin ang video na “Prayer” (4:12), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

4:12

Sina Pablo at Silas ay ibinilanggo at patuloy na nangaral

Sina Pablo at Silas ay hinagupit at ibinilanggo. - Mga Gawa 16:22–24

Pagkatapos turuan at binyagan ni Pablo at ng kanyang mga kasama si Lydia, itinaboy ni Pablo ang masamang espiritu mula sa isang batang babaeng alipin (tingnan sa Mga Gawa 16:16–18). Siya at ang kanyang kasamang si Silas ay hinagupit at ibinilanggo (tingnan sa Mga Gawa 16:19–24). Ang pagkakabilanggo dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ay tila katanggap-tanggap na dahilan upang sumuko. Ngunit para kina Pablo at Silas, naging pagkakataon ito upang tulungan ang iba na lumapit kay Cristo.

Basahin ang Mga Gawa 16:25–36 upang malaman kung paano ginamit ng Panginoon ang pagkakabilanggo nina Pablo at Silas upang maging isang oportunidad na maipangaral nila ang ebanghelyo.

  • Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang ipinakita nina Pablo at Silas sa salaysay na ito?

  • Paano sila natulungan ng mga katangiang ito na maibahagi ang ebanghelyo nang mas epektibo?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa salaysay na ito na makatutulong sa iyong mga pagsisikap na mahanap ang mga taong inihanda ng Panginoon na tanggapin ang Kanyang ebanghelyo?

Pagpapamuhay ng natutuhan mo

Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, humingi ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit upang malaman ang isang bagay na magagawa mo upang maibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Pumili ng isa sa mga sumusunod na paanyaya na sa palagay mo ay magiging lubos na kapaki-pakinabang sa iyo:

  • Ipanalangin araw-araw na akayin ka ng Panginoon sa isang taong inihanda Niya na tanggapin ang ebanghelyo.

  • Maaari kang maglista ng dalawang pangalan ng mga kaibigan o kaklase sa paaralan na maaaring handang makinig sa ebanghelyo ni Jesucristo. Pagkatapos ay hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang malaman kung paano ka maaaring maging kasangkapan sa Kanyang mga kamay upang dalhin sila sa Tagapagligtas.

  • Nang may wastong pahintulot mula sa iyong mga magulang at lider, magbahagi ng ebanghelyo nang ilang oras kasama ang mga missionary. Ibahagi sa klase ang iyong karanasan kalaunan.

  • Mag-isip ng sarili mong ideya tungkol sa isang bagay na magagawa mo upang maibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Aling paanyaya ang pinili mo? Kung nag-isip ka ng sarili mong ideya, ano ang pinagpasiyahan mong gawin?

  • Ano sa palagay mo ang maaaring magpahirap sa iyong gawin ang iyong pangako?

  • Ano ang natutuhan mo ngayon na makatutulong sa iyong magkaroon ng kumpiyansang madaraig mo ang anumang balakid na kinakaharap mo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano makatutulong sa akin ang social media na ibahagi ang ebanghelyo?

Sa video na “To Sweep the Earth as with a Flood” (2:56), nagsalita si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa paggamit ng social media para ipalaganap ang ebanghelyo. Mapapanood ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:57

Paano kung tatanggihan ng mga tao ang paanyaya kong matuto pa sa panahong ito?

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Hindi “ipinabebenta” ng Diyos sa inyo ang ipinanumbalik na ebanghelyo o ang Simbahan ni Jesucristo. Inaasahan lamang Niya na hindi ninyo ito itatago sa ilalim ng takalan. At kung magpasiya ang mga tao na ang Simbahan ay hindi para sa kanila, desisyon nila iyon. Hindi ito nangangahulugan na kayo ay nabigo. Patuloy kayong maging mabait sa kanila. Hindi rin ito nangangahulugan na hindi na ninyo sila aanyayahang muli. Ang pagkakaiba ng kaswal na pakikipagkapwa sa mahabagin at matapang na pagkadisipulo ay—ang pag-anyaya!

(Dieter F. Uchtdorf, “Ang Malaking Pakikipagsapalaran Ninyo,” Liahona, Nob. 2019, 88)

Sinabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na larawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2010, Agosto.

Bagama’t matindi ang pagnanais ninyo na ibahagi ang ebanghelyo, maaaring hindi kayo gaanong masaya sa resulta ng pagsisikap ninyo noon. Maaaring katulad ka ng isang kaibigan na nagsabing, “Nakausap ko na ang pamilya ko at mga kaibigan tungkol sa Simbahan, pero kaunti lang ang nagpakita ng interes, at sa tuwing tatanggi sila, lalo akong nag-aalangan. Alam ko na kailangang may gawin pa ako, pero hindi ko ginawa, kaya nakokonsensiya talaga ako.” …

Ang payo ko ay huwag na kayong gaanong makonsensiya kung sa palagay ninyo ay hindi ninyo nagawang lubos ang pagbabahagi ng ebanghelyo. Sa halip, ipagdasal na mabigyan kayo ng mga oportunidad, tulad ng itinuro ni Alma, na “tumayo bilang [isang] saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar … nang [ang iba] ay matubos ng Diyos, at mapabilang sa kanila sa unang pagkabuhay na mag-uli, [at] magkaroon ng buhay na walang hanggan” [Mosias 18:9]. Mas matinding motibasyon ito kaysa sa makonsensiya.

(Neil L. Andersen, “Isang Saksi ng Diyos,” Liahona, Nob. 2016, 36–37)

Paano ako makahahanap ng mga taong tuturuan?

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Opisyal na Larawan ni Pangulong Dallin H. Oaks na kuha noong Marso 2018.

Kailangan nating humingi ng tulong at patnubay sa Panginoon upang maging kasangkapan tayo sa Kanyang mga kamay para sa taong handa na—isang tao na gusto Niyang tulungan natin ngayon. Pagkatapos, kailangan nating maging alisto para marinig at masunod natin ang mga pahiwatig ng Kanyang Espiritu tungkol sa kung paano tayo magpapatuloy.

Ang mga pahiwatig na iyon ay darating. Batid natin mula sa di-mabilang na mga personal na patotoo na naghahanda ang Panginoon ng mga taong tatanggap sa Kanyang ebanghelyo sa sarili Niyang paraan at panahon. Ang mga taong ito ay naghahanap, at kapag hinahangad nating matukoy sila, sasagutin ng Panginoon ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng pagsagot sa ating mga panalangin. Hihikayatin at gagabayan Niya ang mga nagnanais at taimtim na naghahangad ng patnubay kung paano, saan, kailan, at kanino ibabahagi ang Kanyang ebanghelyo.

(Dallin H. Oaks, “Sharing the Gospel,” Ensign, Nob. 2001, 8)