Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 17
Unawain at Ipaliwanag
Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.
Pag-unawa sa mga banal na kasulatan
-
May nabasa ka na bang banal na kasulatan—siguro ay mahigit isang beses na—at hindi mo maunawaan ang ibig sabihin nito?
-
Gaano kadalas mangyari ito kapag pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan?
-
Ano ang ginagawa mo kapag nangyayari ito sa iyo?
Nais ng Tagapagligtas na maunawaan natin ang Kanyang mga salita at tutulungan Niya tayong gawin ito sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kailangan nating pagsikapan ito. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong matutuhan ang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyong maunawaan ang iba’t ibang doctrinal mastery passage.
Mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan
Rebyuhin sandali ang bawat isa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Doctrinal Mastery Passage |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang kaarawan ng Panginoon … [ay] hindi darating, malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan … [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” |
Pumili ng isa sa mga scripture passage na gusto mong mas maunawaan pa. Pagkatapos ay pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan upang matulungan kang mas maunawaan ang scripture passage na iyon. Maghandang ipaliwanag ang iyong banal na kasulatan sa iba.
Kung may oras pa, subukang gumamit ng ibang kasanayan sa isa sa iba pang mga scripture passage.
Gawin ang aktibidad A, B, o C.
Aktibidad A: Mag-cross reference
Gumamit ng mga makukuhang resource upang makahanap ng iba pang scripture passage na maaaring makatulong na mas maunawaan mo ang doctrinal mastery passage. Maaaring kabilang sa mga ganitong resource ang mga talababa ng banal na kasulatan o ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Markahan ang mga scripture passage mula sa mga resource na ito, at itala sa study journal o sa Gospel Library app kung paano nakatutulong ang mga ito sa iyo na mas maunawaan ang napili mong doctrinal mastery passage.
Aktibidad B: Bigyang-kahulugan ang mga salita at parirala
Maghanap ng mga salita sa doctrinal mastery passage na hindi mo nauunawaan. Hanapin ang mga kahulugan ng mga salita o pariralang iyon sa mga makukuhang resource, tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan o diksyunaryo. Itala sa study journal, mga gilid ng pahina ng banal na kasulatan, o sa Gospel Library app ang mga kahulugang matutuklasan mo, pati na ang anumang bagong kaalaman.
Aktibidad C: Pag-unawa sa konteksto at nilalaman
Gawin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na makatutulong sa iyong doctrinal mastery passage:
-
Magbasa tungkol sa sulat kung saan hinango ang scripture passage na ito sa entry na “ Sulat ni Pablo, Mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.
-
Paano nadaragdagan ng heading ng kabanata o mga katabing talata ang iyong pag-unawa sa doctrinal mastery passage?
-
Sino ang kinakausap ng inspiradong may-akda, at bakit?
-
Ano ang pangunahing mensahe ng scripture passage na ito?
Itala ang naunawaan mo sa scripture passage dahil pinag-isipan mo ito.
1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:
Ipaliwanag kung paano nakatulong ang ginamit mong kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan para mapalalim ang iyong naunawaan tungkol sa Tagapagligtas at sa doktrinang itinuro sa doctrinal mastery passage. Maaari mong ibahagi ang iyong scripture passage sa isang kapamilya o kaibigan.