Seminary
Roma 1


Roma 1

“Hindi Ko Ikinahihiya ang Ebanghelyo ni Cristo”

Binatilyong nakasuot ng salamin sa mata, nakaupo sa labas na nagbabasa ng mga banal na kasulatan. (horiz)

Sa anumang pagkakataon, kakailanganin nating lahat na ipagtanggol ang ating pinaniniwalaan. Sa pagsasalita sa mga Banal na naninirahan sa Roma, ipinahayag ni Pablo na “hindi [niya] ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” (Roma 1:16). Ang pagsusumigasig niyang ibahagi ang mensahe ng ebanghelyo ang katibayan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na hindi mahiyang makilala bilang disipulo ni Jesucristo.

Ano ang nalalaman mo na?

Ipagpalagay na ikinukuwento mo sa isa sa iyong mga kaibigan na mula sa ibang Kristiyanong relihiyon na pinag-aaralan mo ang Bagong Tipan sa seminary. Sinabi niya sa iyo na gusto niya ang Bagong Tipan ngunit kung minsan ay nahihirapan siyang maunawaan ang Mga Sulat. Tinanong ka niya kung ano ang nalalaman mo tungkol sa mga ito. Sagutan ang sumusunod na quiz upang malaman kung gaano mo siya kahusay na masasagot.

icon ng pagsusulat sa journalSagutan ang quiz sa iyong study journal. Makikita ang mga tamang sagot sa katapusan ng lesson na ito.

  1. Ano ang Mga Sulat?

    1. Mga opisyal na anunsyo ng Simbahan na ginawa ng propeta

    2. Mga mensaheng ibinigay ng mga lider ng Simbahan na tinipon sa paglipas ng mga taon

    3. Iba’t ibang liham na isinulat ng mga lider ng Simbahan sa mga Banal

  2. Sino ang kinikilala sa pagsulat ng 14 sa 21 sulat na makikita sa Bagong Tipan?

    1. Pedro

    2. Pablo

    3. Lucas

  3. Paano isinaayos ang unang 13 ng Mga Sulat?

    1. Ayon sa pagkakasunod-sunod (ayon sa kung kailan isinulat ang mga ito)

    2. Ayon sa kahalagahan

    3. Ayon sa haba

  4. Sino ang ilan sa iba pang may-akda ng Mga Sulat?

    1. Santiago, Pedro, Juan, at Judas

    2. Santiago, Pedro, Juan, at Esteban

    3. Santiago, Pedro, Juan, at Timoteo

Ang Sulat sa mga Taga Roma

Ang aklat ng Roma ay isang sulat ni Pablo sa mga Banal sa Roma noong malapit nang matapos ang kanyang mga paglalakbay bilang misyonero. Ang Roma—ang kabisera ng Imperyong Romano—ay puno ng mga makamundong pilosopiya at isang lugar na mahirap ipangaral at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sumulat si Pablo sa mga Banal sa Roma upang palakasin ang kanilang pananampalataya, ihanda sila sa kanyang pagdating, linawin at ipagtanggol ang mga turo niya, at hikayatin na magkaisa ang mga Judio at Gentil na mga miyembro ng Simbahan.

Habang pinag-aaralan mo ang Roma 1, alamin ang mga katotohanan na makahihikayat sa iyo habang nagsisikap kang maging disipulo ni Jesucristo.

Hindi ko ikinahihiya

Panoorin ang “Preparation of Joseph F. Smith: True Blue, Through and Through” (1:31) matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Ang kuwentong ito ay matatagpuan din sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1998], 124–25.

2:3

Preparation of Joseph F. Smith: True Blue, Through and Through

Joseph F. Smith faces an unruly mob and declares fearlessly his membership in the Church.

Basahin ang Roma 1:15–17, at alamin ang pagkakatulad nina Pangulong Joseph F. Smith at Pablo. Maaari mong markahan ang mga salita o parirala sa mga talatang ito na makabuluhan sa iyo.

Maaaring namarkahan mo ang mga salitang “Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo [ni Cristo]” sa Roma 1:16.

  • Mula sa natutuhan mo tungkol kay Pablo sa aklat ng Mga Gawa, paano niya ipinakita na hindi niya ikinahihiyang makilala siya bilang Kristiyano?

  • Anong mga sitwasyon ang maaaring maranasan ng mga kabataan ngayon kung saan kailangan nilang ipagtanggol at hindi ikahiya ang ebanghelyo ni Cristo?

Alam ni Pablo na mahirap ipamuhay at ipangaral ang ebanghelyo sa Roma. Sinalungat din siya ng mga taong hindi nauunawaan o hindi tinatanggap ang kanyang mga turo. Gayunpaman, nais ni Pablo na pumunta sa Roma at mangaral doon upang ilapit ang iba kay Cristo (tingnan sa Roma 1:15).

Isipin ang mga karanasan kung saan, tulad ni Pablo, ay nagkaroon ka ng pagkakataong ipagtanggol o ibahagi ang iyong pananampalataya kay Jesucristo. Gumawa ng maikling listahan sa iyong journal. Isama ang iyong mga saloobin at nadarama tungkol sa kung gaano mo ninanais na ibahagi ang iyong pananampalataya sa mga sitwasyong iyon.

  • Bakit maaaring ikahiya ng isang kabataan na makilala bilang Kristiyano? Ano ang maaari niyang gawin kung naiisip o nadarama niya iyon?

Mga halimbawa sa banal na kasulatan at sa makabagong panahon

Rebyuhin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga taong hindi ikinahiyang ipaalam ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Isipin ang mga sitwasyong kinaharap nila, at maghanap ng mga pagkakatulad ng mga buhay nila at ng buhay mo.

  • Kapag hinuhusgahan ka ng ibang tao: Ang babaeng naghugas ng mga paa ni Jesus gamit ang kanyang mga luha (Lucas 7:36–50)

  • Kapag kailangan mong manindigan sa iyong mga kaibigan: Abinadi at Alma (Mosias 13:1–9; 17:1–4; 18:1–3)

    25:30

    Nagpatotoo si Abinadi tungkol kay Jesucristo | Mosias 11–18

    Itinuro ng propetang si Abinadi ang Sampung Utos kay Haring Noe at sa mga saserdote nito. Ipinropesiya niya na paparito ang Panginoon sa mundo upang tubusin ang Kanyang mga tao. Si Alma, isa sa mga saserdote ng hari, ay naniwala kay Abinadi.

  • Kapag ibinahagi mo ang ebanghelyo: Teren Bingham and Brandon McEuen (“Same Jersey” [5:01], ChurchofJesusChrist.org)

    5:1

    Same Jersey

    It’s Friday night—the big rivalry game between two Arizona high school football teams. The quarterbacks are opponents tonight, and tomorrow one of them will baptize the other into the Church of Jesus Christ.

  • Ano ang hinangaan mo sa mga halimbawang ito?

  • Paano ipinakita ng mga indibiduwal na ito na hindi nila ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo?

  • Sino sa buhay mo ang naging halimbawa ng pagiging hindi ikinahihiya ang ebanghelyo ni Jesucristo? Paano niya ipinakita ang kanyang pananampalataya?

Sinasabi sa atin sa Roma 1:15–17 na ang isang dahilan kaya masigasig si Pablo na ipangaral ang ebanghelyo ni Cristo ay dahil nauunawaan niya na “[ang ebanghelyo] ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan” ng lahat ng anak ng Diyos. Sa madaling salita, dahil alam ni Pablo na walang sinuman ang maliligtas nang wala ang ebanghelyo ni Jesucristo, nais niyang ibahagi ito sa lahat.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo upang hindi mo Siya ikahiya at ang Kanyang ebanghelyo?

  • Bagama’t maaaring may mga pagkakataon na tinatawag tayo upang ipagtanggol ang ating pananampalataya sa malalaki at kapansin-pansing pamamaraan, kadalasan, ang ating pananampalataya ay pinakamainam na naipapakita sa maliliit at mga karaniwang paraan (tingnan sa Alma 37:6–7). Paano mo malalaman na “hindi ikinahihiya [ng isang tao] ang ebanghelyo [ni Cristo]”?

  • Tapusin ang sumusunod na pangungusap: Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo ni Jesucristo, dahil …

Ang mga sagot sa quiz ay (1) c; (2) b; (3) c; (4) a

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko maibabahagi ang aking patotoo sa mga likas at karaniwang paraan?

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Alam ko na ang ilan sa atin ay mas palakaibigan kaysa sa iba. Okay lang iyan. Ginagawang posible ng Panginoon para sa bawat isa sa atin, sa sarili nating paraan, na anyayahan ang iba na pumarito at tingnan at pumarito at tumulong. Pagkatapos ay gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas, at sila ay paparito at mamamalagi.

Magmumungkahi ako ng limang bagay na magagawa ng sinuman upang makibahagi sa dakilang utos ng Tagapagligtas na tumulong sa pagtitipon sa Israel.

  1. Lumapit sa Diyos. …

  2. Punuin ang inyong puso ng pagmamahal para sa ibang tao. …

  3. Sikaping lumakad sa landas ng pagkadisipulo. …

  4. Ibahagi ang nasa puso ninyo. …

  5. Magtiwala na gagawa ng mga himala ang Panginoon.

(Dieter F. Uchtdorf, “Sharing the Gospel in Normal and Natural Ways,” ChurchofJesusChrist.org)

Para malaman pa ang tungkol sa mga mungkahing ito, basahin ang maikling artikulo ni Elder Uchtdorf na “Sharing the Gospel in Normal and Natural Ways” sa ChurchofJesusChrist.org.