Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

A Bolivian boy reading scriptures.

Ang pagsasaulo ng mga scripture passage at katotohanang itinuturo sa mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Sa buong taon, hihikayatin kang isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa bawat isa sa 24 na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang ilan sa mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan.

Paggamit ng mga visual upang makatulong sa pagsasaulo

Ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery scripture passage ay makatutulong sa iyo na maalala ang mga salita ng Tagapagligtas at maalala ang mga ito sa mga oras ng pangangailangan. Maraming iba’t ibang estratehiya na magagamit mo upang matulungan kang maisaulo ang mga banal na kasulatan. Ang lesson na ito ay magtutuon sa paggamit ng mga visual upang matulungan kang maisaulo nang lubos ang ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan.

Ang sumusunod ay isang listahan ng unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan. Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito kasama ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Paggawa ng visual

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

Maghanap o gumuhit ng mga larawang makatutulong sa iyo na maalala ang reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa isa sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan. Ang iyong gawa ay maaaring may isa o dalawang larawang makatutulong sa iyo na maalala ang buong mahalagang parirala ng banal na kasulatan, o maaari itong may iba’t ibang larawan para sa bawat salita sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Habang tinatapos mo ang iyong gawa, isipin kung paano nauugnay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang scripture passage na pinagtutuunan mo ng pansin.