Seminary
Mateo 19:16–30; Marcos 10:17–31


Mateo 19:16–30; Marcos 10:17–31

“Ano pa ang Kulang sa Akin?” (Mateo 19:20)

Lawyer asks Jesus what he should do to inherit eternal life. Outtakes include the desert landscape, Jesus with the two men/lawyers with his disciples and followers in the background, and some of the images from “Christ and the Rich Young Ruler.”

Tinanong ng isang mayamang binata si Jesus kung ano ang dapat niyang gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Mapagmahal na inanyayahan ni Jesus ang binata na ipagbili ang kanyang kayamanan at sumunod sa Kanya. Hihikayatin ka ng lesson na ito na matutuhan mula sa Tagapagligtas ang nais Niyang gawin mo habang sinisikap mong mas masunod Siya.

Payo sa kung paano huhusay

Pumili ng isang bagay na gusto mong gawin at mahusay mong nagagawa (halimbawa, sport, instrumento sa musika, libangan, isang asignatura sa paaralan, o trabaho). Pagkatapos ay tapat na suriin ang iyong mga kakayahan sa aktibidad na iyon at ang hangarin mong humusay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Ano ang iyong mga kalakasan? Saan ka nahihirapan o saan ka mahina?

  • Kung makapipili ka ng sinumang tao na mag-oobserba sa iyo at magbibigay sa iyo ng partikular na payo sa kung paano ka huhusay, sino ang pipiliin mo? Bakit?

Ngayon, itanong muli ang mga iyon sa iyong sarili, ngunit sa pagkakataong ito, isipin ang iyong espirituwal na progreso (halimbawa, maaari kang magtuon sa iyong kaalaman sa ebanghelyo, sa iyong pagiging karapat-dapat, sa iyong mga hangarin para sa pagpapabuti, o sa iyong mga katangiang tulad ng kay Cristo).

Sa Bagong Tipan, nalaman natin ang tungkol sa isang binata na nagpasyang humingi ng payo mula sa Tagapagligtas. Basahin ang Mateo 19:16–19 para malaman ang tanong ng binatang ito at kung paano unang tumugon ang Tagapagligtas sa kanya.

  • Sa iyong palagay, sa paanong paraan naaangkop din sa ating buhay ang tugon ng Tagapagligtas sa binatang ito?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang sagot?

Basahin at markahan ang itinanong ng binata na nakatala sa Mateo 19:20. Maaari mong isulat muli ang kanyang tanong sa iyong banal na kasulatan gamit ang sarili mong mga salita.

Itinuro ni Pangulong Harold B. Lee (1899–1973) na:

Head and shoulders portrait of LDS Church President Harold B. Lee.

Bawat isa sa atin, kung nais nating marating ang pagiging perpekto, ay kailangang itanong ito minsan sa ating sarili, “Ano pa ang kulang sa akin?”

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano makatutulong sa atin ang tanong na ito para mas masunod natin si Jesucristo?

  • Paano maiimpluwensyahan ang ating mga pagsisikap na sundin ang Tagapagligtas kung hindi natin itatanong ito?

  • Bakit pinakaangkop ang Ama sa Langit at si Jesucristo para matulungan kang malaman kung ano ang kailangan mong baguhin?

Ang Ebanghelyo Ayon kay Marcos ay nagdaragdag ng ilang mahahalagang detalye tungkol kay Jesucristo sa salaysay na ito. Basahin ang Marcos 10:21, at maghanap ng katibayan ng sumusunod na katotohanan: Dahil mahal tayo ni Jesucristo, tutulungan Niya tayong malaman kung ano ang kulang sa mga pagsisikap nating sumunod sa Kanya.

Pansinin na hindi binanggit sa Marcos 10:21 na hayagang sinambit ng Tagapagligtas ang Kanyang pagmamahal. Subalit isinulat ni Marcos na “[siya’y minamahal ni Jesus].” Mag-ukol ng oras para pagnilayan kung ano ang pananaw ni Jesucristo sa iyo at ang pagmamahal na nadarama Niya para sa iyo.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Bakit mahalagang malaman na mahal ni Jesucristo ang mga lumalapit sa Kanya para sa pagwawasto?

  • Paano nagiging tanda ng Kanyang pagmamahal ang mga paanyaya ng Tagapagligtas na mas magpakabuti?

  • Ano ang itinuturo ng Eter 12:27 tungkol sa kung paano ka matutulungan ng Panginoon?

Basahin ang Marcos 10:22 para makita kung ano ang piniling gawin ng binata.

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–1985) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilang posibleng kahihinatnan ng pasiya ng binata.

Head and shoulders portrait of Elder Bruce R. McConkie.

Naiwan tayong nag-iisip ng maaari sanang nangyari kung nakasama ng [mayamang lalaki] ang Anak ng Diyos, kung nakasama niya ang mga apostol, at ano kayang mga paghahayag at pangitain ang maaari niyang natanggap, kung nagawa niyang sundin ang batas ng kahariang selestiyal. Sa kabila nito, siya ay nanatiling walang pangalan; kung sakali, nagkaroon sana ng marangal na pag-alaala ang kanyang pangalan sa mga banal magpakailanman.

(Bruce R. McConkie, “Obedience, Consecration, and Sacrifice,” Ensign, Mayo 1975, 51)

  • Kung maaari mong balikan ang panahong iyon at kausapin ang binatang ito bago siya nagpasiyang tumanggi sa paanyaya ng Tagapagligtas, ano ang sasabihin mo sa kanya?

Handa ka bang magtanong at sumunod?

Pumikit ka at isipin na kunwari ay tinitingnan ka ng Tagapagligtas nang may gayon ding pagmamahal para sa binata sa salaysay na ito.

Ipinaabot ni Elder Larry R. Lawrence ng Pitumpu ang sumusunod na paanyaya at pangako.

Official Portrait of Elder Larry R. Lawrence. Photographed March 2017.

Gusto kong imungkahi na bawat isa sa inyo ay makibahagi kaagad sa isang espirituwal na ehersisyo, siguro mamayang gabi habang nagdarasal kayo. Mapagpakumbabang itanong ito sa Panginoon: “Ano po ang humahadlang sa pag-unlad ko?” Sa madaling salita: “Ano pa po ang kulang sa akin?” Pagkatapos ay tahimik na maghintay sa sagot. Kung ikaw ay matapat, ang sagot ay magiging malinaw. Ito ay magiging paghahayag para sa iyo.

(Larry R. Lawrence, “Ano Pa ang Kulang sa Akin?Ensign o Liahona, Nob. 2015, 35)

  • Ano sa palagay mo ang magiging epekto sa buhay mo ng pagtanggap sa payo na ito ni Elder Lawrence? Ano ang maaaring maging epekto ng hindi pagtanggap nito?

  • Ano ang epekto ng alam mong mahal ka ni Cristo sa kahandaan mong itanong ito?

Mag-ukol ng panahon ngayon na itanong sa Diyos kung ano ang nais Niyang baguhin mo sa iyong buhay. Maaaring ito ay isang bagay na dapat mo nang ihinto, simulang gawin, o gawin sa ibang paraan. Pagkatapos ay pagnilayan ang iyong buhay at isulat ang mga ideya at impresyong dumarating sa iyo. (Kung hindi kaagad darating ang sagot sa iyo, patuloy na magtanong nang may determinasyong sundin ang sagot kapag natanggap mo ito. Sasagot ang Diyos sa tamang panahon at sa pinakamainam na paraan para sa iyo.)

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano nagiging tanda ng Kanyang pagmamahal ang mga paanyaya ng Tagapagligtas na magsisi?

Itinuro ni Elder S. Mark Palmer ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder S. Mark Palmer. Photographed in March 2017.

Kung tayo ay mapagkumbaba, tatanggapin natin ang paanyaya ng Panginoon na magsisi, magsakripisyo, at maglingkod bilang patunay ng Kanyang sakdal na pagmamahal para sa atin. Sa huli, ang paanyayang magsisi ay paanyaya rin na tanggapin ang napakagandang kaloob na kapatawaran at kapayapaan.

(S. Mark Palmer, “At Pagtitig sa Kaniya ni Jesus, ay Giniliw Siya,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 116)

Mabuti bang patuloy na mag-alala tungkol sa ating mga pagkukulang?

Sinabi ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Sapat na ba ang ginagawa ko? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Ang gagawin natin bilang tugon sa mga tanong na ito ay mahalaga sa ating kaligayahan sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan. …

Ngunit gayon din, hindi nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na magulumihanan tayo ng patuloy na kawalang-katiyakan sa ating mortal na paglalakbay, napapaisip kung sapat na ang kabutihang nagawa natin upang maligtas at madakila.

(Dale G. Renlund, “Gumawa nang may Katarungan, Umibig sa Kaawaan, at Lumakad na may Kapakumbabaan na Kasama ng Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 111)

Marcos 10:25. Ano ang ibig sabihin ng “isang kamelyong [dumaraan] sa butas ng isang karayom”?

May mga nagsasabi na ang butas ng karayom ay isang maliit na pintuan sa pader ng lungsod ng Jerusalem, na kailangang alisin ang pasan ng kamelyo para makapasok dito. Walang katibayan na may ganoong pintuan. Iminungkahi naman ng iba na kapag binago ang isang letra sa teksto ng Griyego ay mababago rin ang nasa banal na kasulatan, na ibig sabihin ay isang lubid, hindi kamelyo, ang kailangang makapasok sa butas ng karayom. Gayunman, nang banggitin ni Jesucristo ang isang kamelyo na pumapasok sa butas ng isang karayom, ito marahil ay halimbawa lamang ng isang hyperbole, isang sadyang pagmamalabis o eksaherasyon sa pagpapahayag upang ituro na “mahirap [hindi madali] na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit” (Mateo 19:23).

(New Testament Student Manual [Church Educational System manual, 2014], 63)

Marcos 10:23–27. Mahirap ba o imposible ba para sa isang mayamang tao na pumasok sa langit?

Mababasa sa Joseph Smith Translation ng Marcos 10:27 na, “Sa mga taong nagtitiwala sa mga kayamanan, ito’y hindi maaaring mangyari; ngunit maaari ito sa mga taong nagtitiwala sa Diyos at pinipiling iwan ang lahat para sa akin, dahil sa pamamagitan nito lahat ng bagay na ito ay maaaring mangyari” (Joseph Smith Translation, Mark 10:26).