Juan 1:35–51
“Halikayo at Tingnan Ninyo”
Inanyayahan ni Jesus ang Kanyang mga naunang disipulo na tingnan mismo kung sino Siya at sumunod sa Kanya. Ang pag-aaral ng mga salaysay na ito sa Juan ay tutulong sa iyo na maunawaan kung paano ka mismo makatutugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.”
“Halikayo at tingnan ninyo”
Kunwari ay naglalakad ka at ang kaibigan mo pauwi mula sa paaralan at binanggit mo na nalaman mo na may paparating na Apostol na magsasalita sa isang pulong sa inyong lugar.
-
Bakit maaari mong sabihin sa kaibigan mo na sumama sa iyo at sa iyong pamilya upang makita at marinig ang Apostol na ito, sa halip na ilarawan lamang ang pulong pagkatapos nito?
Isinulat ni Apostol Juan kung paano ipinakilala ni Juan na Tagapagbautismo ang ilan sa kanyang mga tagasunod kay Jesucristo. Pag-aralan ang Juan 1:35–51, at alamin kung ano ang maaaring mangyari kapag hinangad nating matuto kay Jesucristo at sumunod sa Kanya (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, Juan 1:42).
-
Anong mga paanyaya sa mga banal na kasulatang ito ang tinanggap ng mga disipulo ng Tagapagligtas na tumulong sa kanila na sumunod sa Kanya?
-
Ano ang natutuhan mo mula sa mga karanasan at ginawa nina Andres at Felipe sa mga talatang ito ng banal na kasulatan?
-
Ano ang itinuturo sa iyo ng salaysay na ito tungkol sa Tagapagligtas?
Ano ang magagawa mo upang makatugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo”?
Maglaan ng 30 segundo para itala ang unang naisip mo tungkol sa kung paano makatutugon ang isang tao ngayon sa paanyaya ni Jesucristo na “halikayo at tingnan ninyo.”
Ibinigay ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na ideya tungkol sa kung paano tayo makatutugon sa paanyaya ng Tagapagligtas na “halikayo at tingnan ninyo.” Panoorin ang video na “Paano Ako Makauunawa?” mula sa time code na 6:24 hanggang 7:04, o basahin ang pahayag sa ibaba. Matatagpuan ang video sa ChurchofJesusChrist.org.
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Juan 1:38. Paano naaangkop sa iyo ang tanong ng Tagapagligtas na “Ano ang inyong hinahanap?”
Bago inanyayahan ni Jesus ang dalawang disipulo na “halikayo at tingnan ninyo,” itinanong Niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” (Juan 1:38).Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng pagninilay sa tunay nating hangarin sa buhay habang pinag-iisipan natin ang paanyaya ng Tagapagligtas na sumunod sa Kanya.
null
Paano kung tinanggihan ng mga taong inanyayahan ko ang paanyaya ko na “halikayo at tingnan ninyo”?
Kung minsan nag-aalala tayo na baka hindi tanggapin ng isang tao ang ating paanyaya na matuto pa tungkol sa ebanghelyo o sa Simbahan. Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga sumusunod na kabatiran:
Ang ilan na lumalapit para tumingin, marahil, ay di kailanman sasapi sa Simbahan; ang ilan naman ay sasapi kalaunan. Sila ang pipili. Ngunit hindi niyan binabago ang ating pagmamahal sa kanila. At hindi nito binabago ang ating masigasig na pagsisikap na patuloy na anyayahan ang mga indibiduwal at pamilya at sabihing halika at tingnan, halika at tumulong, at halika at lumagi.
… Dapat ninyong maunawaan na hindi ninyo trabaho ang i-convert ang mga tao. Iyan ang papel ng Espiritu Santo. Ang papel ninyo ay ibahagi ang nasa puso ninyo at mamuhay nang naaayon sa inyong pinaniniwalaan.
Kaya, huwag masiphayo kung hindi kaagad tatanggapin ng isang tao ang mensahe ng ebanghelyo. Hindi ninyo ito personal na kabiguan.
Ito ay sa pagitan ng tao at ng Ama sa Langit.
Ang sa inyo ay mahalin ang Diyos at inyong kapwa.
(Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 17)