Juan 1:1–16
“Naging Tao ang Salita”
Isinulat ni Apostol Juan ang kanyang Ebanghelyo upang tulungan tayong maniwala na si Jesus ang Cristo (tingnan sa Juan 20:30–31). Itinuro ni Juan na nilisan ni Jesucristo ang Kanyang tahanan sa langit upang mabuhay sa lupa at maging ating Manunubos. Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan kang maunawaan kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang sa mundong ito at lalo pang pahalagahan ang pagmamahal na ipinakita Niya sa pamamagitan ng pagtupad sa Kanyang misyon sa lupa.
Ano ang kahalagahan nito?
-
Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng bolang ito?
-
Paano kung ito ay ginamit sa isang world championship game o nilagdaan ng isang sikat na manlalaro?
Ang pag-alam sa kasaysayan ng isang bagay ay makadaragdag sa ating pang-unawa sa kahalagahan nito. Maaaring totoo rin ito tungkol sa mga tao.
-
Paano makatutulong na nababatid mo kung sino si Jesucristo bago Siya isinilang upang maunawaan mo ang kahalagahan ng Kanyang buhay at misyon sa lupa?
Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan ay makatutulong sa atin na maunawaan kung sino talaga si Jesus ng Nazaret at kung bakit dapat nating hangaring matuto mula sa Kanyang mga salita at halimbawa. Nagsulat si Juan upang palakasin ang iyong paniniwala na si Jesus ang Cristo, ang ipinangakong Mesiyas (tingnan sa Juan 20:30–31). Ang Ebanghelyo Ayon kay Juan ay nagsimula sa paglalarawan ng kaluwalhatian at kapangyarihan ni Jesucristo bago pa man Siya naparito sa lupa.
Si Jesucristo sa premortal na buhay o sa buhay bago tayo isinilang
Kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal:
Si Jesus sa premortal na buhay |
Ang buhay sa lupa ni Jesus |
Gamit ang iyong kasalukuyang kaalaman tungkol kay Jesucristo, isulat sa kaliwang column ang mga salita at parirala na naglalarawan sa kung sino si Jesucristo, kung ano ang Kanyang pagkatao, at kung ano ang ginawa Niya bago Siya isinilang.
Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at ang pahayag ni Elder Robert E. Wells ng Pitumpu, at itala ang mga karagdagang paglalarawan kay Jesucristo sa parehong column. (Ang pariralang “sa simula” na ginamit sa mga scripture passage na ito ay tumutukoy sa premortal na buhay.)
Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:1–5 (sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia o sa Gospel Library app)
Si Jesus ay pinili at isinugo rin ng Ama upang itatag at likhain ang daigdig na ito, ang ating solar system, ang ating galaxy, at maging ang mga daigdig na hindi mabilang.
Si Jesucristo ay si Jehova noon at ngayon ng Lumang Tipan, ang Diyos ni Adan at ni Noe, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob. Si Jehova ay nagpakita sa mga sinaunang propeta at nakipag-usap sa kanila. Kapag nagsalita Siya, ginagawa Niya ito sa ngalan ng Ama at sinasabi Niya ang sasabihin ng Kanyang Ama. Si Jehova ng Lumang Tipan ay naging si Jesucristo ng Bagong Tipan nang siya’y isilang sa mundo.
(Robert E. Wells, “Our Message to the World,” Ensign, Nob. 1995, 65)
Balikan ang listahang ginawa mo sa kaliwang bahagi ng pahina ng iyong journal, at ibuod sa isang pangungusap kung sino si Jesucristo sa premortal na buhay at isulat ito.
Ang buhay sa lupa ni Jesus
Tingnan ang sumusunod na larawan. Sa kanang column ng iyong chart, magsulat ng ilang paglalarawan sa abang kalagayan ng pagsilang ng Tagapagligtas.
Ang isang kahulugan ng salitang pagpapakababa ay “pagbaba.” Kung gayon, ang pagbaba ng Tagapagligtas upang mabuhay sa lupa kasama natin ay inilalarawan kung minsan bilang “ang pagpapakababa ng Diyos” (1 Nephi 11:26). Kusang-loob na nilisan ni Jesucristo ang Kanyang trono sa langit at nagtungo sa isang nahulog na daigdig kung saan daranas Siya ng matitinding pagsubok at pagdurusa.
Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, at alamin ang mga paghihirap na tiniis ng Tagapagligtas sa lupa at kung bakit. Idagdag ang mga paglalarawang ito sa kanang bahagi ng pahina ng iyong study journal.
Balikan ang listahang ginawa mo sa kanang column, at ibuod sa isang pangungusap ang mga tiniis ni Jesucristo sa lupa at isulat ito.
Maglaan ng ilang minuto na ihambing ang iniwan ni Jesus sa yaong handa Niyang tiisin sa lupa.
Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:
1.
-
Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang pinag-aaralan mo ang mga sctipture passage na ito?
-
Sa iyong palagay, bakit handang magpakababa si Jesucristo “sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:6)?
-
Paano nakaaapekto sa nadarama mo sa Kanya ang naunawaan mo tungkol sa pagpapakababa ni Jesucristo?
Opsiyonal: Gusto Mo Bang Matuto Pa?
Ano ang kakaiba sa Ebanghelyo Ayon kay Juan?
Mga 92 porsiyento ng naitala sa Ebanghelyo Ayon kay Juan ay hindi matatagpuan sa iba pang mga tala ng Ebanghelyo. Ito marahil ay dahil nagsusulat si Juan para sa mga miyembro ng Simbahan na may kaalaman na tungkol kay Jesucristo—malinaw na ibang grupo ng mambabasa mula sa grupo ng mambabasa nina Mateo, Marcos, at Lucas. Naglalaman ng maraming doktrina ang Ebanghelyo Ayon kay Juan; ang ilan sa mga pangunahing tema nito ay ang kabanalan ni Jesus bilang Anak ng Diyos, ang Pagbabayad-sala ni Cristo, ang buhay na walang hanggan, ang Espiritu Santo, ang pangangailangang isilang na muli, ang kahalagahan ng pagmamahal sa iba, at ang kahalagahan ng paniniwala sa Tagapagligtas. Isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ni Juan ay ang pagsasama niya ng mga turo ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo sa mga oras bago Siya dinakip, kasama na ang dakilang Panalangin ng Pamamagitan.
1 Nephi 11:26.
Kapwa ba tinukoy ang Ama sa Langit at si Jesucristo bilang Diyos sa mga banal na kasulatan?
May tatlong magkakahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan; ang Kanyang Anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo.
Ang Diyos na kilala bilang si Jehova ay ang Anak, si Jesucristo (Isa. 12:2; 43:11; 49:26; 1 Cor. 10:1–4; 1 Tim. 1:1; Apoc. 1:8; 2 Ne. 22:2). [Kumikilos] si Jesus sa ilalim ng pamamatnubay ng Ama at may ganap na pagkakaisa sa Kanya. Kapatid Niya ang buong sangkatauhan, sapagkat Siya ang pinakamatanda sa mga espiritung anak ni Elohim. Tinutukoy Siya sa ilang [reperensyang] banal na kasulatan sa salitang Diyos. Halimbawa, sinasabi sa banal na kasulatan na “nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa” (Gen. 1:1), subalit iyon ay si Jesus na siyang Lumikha sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos Ama (Juan 1:1–3, 10, 14; Heb. 1:1–2).
(Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Diyos, Panguluhang Diyos,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org)
Nakatala sa Mosias 15:1 at Juan 20:26–28 ang dalawa pang halimbawa tungkol kay Jesus na tinukoy bilang Diyos.
Sa anong mga partikular na paraan pinili ni Jesucristo na magpakababa?
Itinuro ni Bishop Richard C. Edgley, dating tagapayo sa Presiding Bishopric:
Siya ay bumaba upang isilang ng mortal na babae. …
Siya ay bumaba upang magpabinyag sa tao, bagama’t Siya ay perpekto at walang kasalanan.
Siya ay bumaba upang magministeryo sa mga pinakamapagpakumbaba sa mga mapagpakumbaba. …
Siya ay bumaba upang ipailalim ang Kanyang sarili sa kalooban ng Ama, tinulutan ang Kanyang sarili na magdanas ng tukso, makutya, mabugbog, maitaboy, at maitakwil, bagama’t Siya ay makapangyarihan.
Siya ay bumaba upang hatulan ng sanlibutan, bagama’t Siya ang Hukom ng buong daigdig.
Siya ay bumaba upang ipako sa krus at paslangin para sa mga kasalanan ng sanlibutan, bagama’t walang taong makapapatay sa Kanya.
(Richard C. Edgley, “The Condescension of God,” Ensign, Dis. 2001, 20)
Bakit handang magpakababa ni Jesucristo tulad ng ginawa Niya?
Ipinaliwanag ni Bishop Richard C. Edgley, dating tagapayo sa Presiding Bishopric:
Siya ay nagpakababa hindi dahil sa obligasyon, ni para sa kaluwalhatian, kundi dahil lamang sa pagmamahal. Ang Kanyang pagpapakababa upang tubusin tayo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ang kapalit upang makapagbigay Siya ng kaligtasan at kadakilaan.
(Richard C. Edgley, “The Condescension of God,” Ensign, Dis. 2001, 19)