Lucas 1:1–38
“Sa Diyos ay Walang Salitang Hindi Mangyayari”
Nagpakita ang anghel na si Gabriel kay Maria upang ibalita ang pagsilang ni Jesucristo. Nagpatotoo siya na “sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari” (Lucas 1:37). Ang matapat na sagot ni Maria ay makatutulong sa iyo na matutuhan kung paano tumugon sa kalooban ng Panginoon nang may mas malaking tiwala sa Kanya.
-
Sino ang maituturing mo na pinakamaimpluwensyang mga kababaihan sa iyong buhay?
Sa lesson na ito, marami ka pang matututuhan tungkol kay Maria, ang ina ni Jesucristo.
-
Sa iyong palagay, bakit dapat ituring si Maria na isa sa pinakamaimpluwensyang kababaihan sa kasaysayan ng mundo?
Ang buhay at misyon ni Maria ay ipinropesiya maraming taon bago siya isinilang. Pag-aralan ang mga sumusunod na propesiya tungkol kay Maria, at alamin kung ano ang itinuturo sa iyo ng mga ito tungkol sa kanya.
1 Nephi 11:14–15, 18Mosias 3:8Alma 7:10
-
Ano ang nalaman mo tungkol kay Maria mula sa mga banal na kasulatang ito?
Pambungad sa Ebanghelyo Ayon kay Lucas
Ang salaysay tungkol sa nabatid ni Maria na siya ang magiging ina ni Jesucristo ay nakatala sa Ebanghelyo Ayon kay Lucas.
Si Lucas ay isang manggagamot (tingnan saColosas 4:14) at “isang sugo ni Jesucristo” (Joseph Smith Translation, Luke 1:1[sa Luke 1:1, footnote a]). Maraming pangyayari mula sa buhay ng Tagapagligtas ang matatagpuan lamang sa Ebanghelyo Ayon kay Lucas, kabilang na ang pagpapahayag ng anghel kay Maria na siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos. Ang pangyayaring ito ay kilala bilang ang Pagpapahayag.
Habang pinag-aaralan mo ang salaysay na ito at ang halimbawa ng katapatan ni Maria, bigyang-pansin ang natututuhan mo at ang mga espirituwal na pahiwatig na natatanggap mo.
Nagpakita ang anghel na si Gabriel kay Maria
Basahin angLucas 1:26–37, at maghanap ng mga detalyeng nauugnay sa pagpapahayag ng anghel kay Maria.
Maaari mo ring panoorin ang video na “An Angel Foretells Christ’s Birth to Mary” (4:07), na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, habang sinusundan mo ito ng pagbabasa sa iyong mga banal na kasulatan.
-
Aling mga detalye mula sa pahayag ang tila pinakamahalaga sa iyo?
-
Ano ang mga katanungan mo tungkol sa nabasa mo?
Ang isang katotohanan na maaaring napansin mo mula sa salaysay na ito ay sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang isa sa mga paraan kung paano naaangkop sa iyo ang katotohanang ito:
Hihilingan kayong tumanggap ng mahihirap na gawain at magiging kasangkapan kayo sa mga kamay ng Panginoon. At bibigyan Niya kayo ng kakayahang gawin ang imposible.
(Russell M. Nelson, “Pagiging mga Tunay na Isinilang sa Milenyong Ito” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Ene. 10, 2016], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org.)
-
Ano kaya ang ipagagawa sa iyo ng Panginoon na tila imposible?
-
Bakit kung minsan ay tila imposibleng magawa ang mga bagay na ito?
Kung minsan, kapag nahaharap tayo sa mga gawain na tila imposibleng magawa, makatutulong na tingnan ang mga halimbawa ng ibang tao na tumugon nang may pananampalataya kahit sila ay nasa mahirap na sitwasyon.
Basahin angLucas 1:38, at alamin kung paano tumugon si Maria pagkatapos niyang malaman na siya ang magiging ina ni Jesus.
-
Ano ang ipinauunawa sa iyo ng tugon ni Maria tungkol sa kanya?
-
Sa iyong palagay, anong mga katotohanan ang makatutulong sa isang tao na magtiwala sa Panginoon tulad ng ginawa ni Maria, kahit na tila imposible ang isang bagay na iniuutos ng Panginoon?
Mag-isip ng isang bagay na ipinagagawa sa iyo ng Panginoon na maaaring imposible. Habang binabasa mo pa ang pahayag ni Pangulong Nelson, maghanap ng mga partikular na bagay na magagawa mo para matulungan kang magawa ang imposible:
Paano ninyo isasagawa ang imposible? Sa paggawa ng lahat ng kailangan para mapalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapaibayo ng inyong pag-unawa sa doktrinang itinuturo sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan at sa walang-sawang paghahangad sa katotohanan. … Kapag hinilingan kayong gawin ang imposible, magagawa ninyo ito nang may pananampalataya at masaya ninyong gagawin ang lahat ng makakaya ninyo para isakatuparan ang mga layunin ng Panginoon.
Magkakaroon kayo ng mga araw na labis kayong panghihinaan ng loob. Kaya, manalangin para magkalakas-loob na huwag sumuko!
(Russell M. Nelson, “Pagiging mga Tunay na Isinilang sa Milenyong Ito” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Ene. 10, 2016], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org.)
1.
-
Ano ang isang gawain mula sa pahayag ni Pangulong Nelson ang nais mong mas pagbutihin pa?
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo na mas pagbutihin ang aspetong ito para magawa mo ang tila imposible sa iyong buhay?
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Bakit kailangang pag-aralan ang Ebanghelyo Ayon kay Lucas?
Lucas 24:13–32 Ang iba pang mga natatanging tampok sa salaysay ay ang paglakip ni Lucas ng mga turo ni Juan Bautista na hindi matatagpuan sa iba pang mga Ebanghelyo (tingnan saLucas 3:10–14); ang kanyang pagbibigay-diin sa pagiging mapanalangin ni Jesucristo (tingnan saLucas 3:21;5:16;9:18, 28–29;11:1); at ang paglakip niya ng katungkulan, training, at gawaing misyonero ng Pitumpu (tingnan saLucas 10:1–22). Bukod pa riyan, si Lucas lamang ang tanging manunulat ng Ebanghelyo na nagtala na ang Tagapagligtas ay nagtigis ng Kanyang dugo sa Getsemani, at pinaglingkuran Siya ng isang anghel (tingnan saLucas 22:43–44).
Ang ilan sa mga pinakakilalang kuwento ng Sangkakristiyanuhan ay natatangi sa Ebanghelyo Ayon kay Lucas: ang mga sitwasyong nauugnay sa pagsilang ni Juan Bautista (tingnan sa
); ang tradisyonal na kuwento ng Pasko (tingnan sa
); ang kuwento tungkol kay Jesus noong Siya ay 12 taong gulang na bata sa templo (tingnan sa
); mga talinghaga tulad ng mabuting Samaritano (tingnan sa
), ang alibughang anak (tingnan sa
), at ang mayamang lalaki at si Lazaro (tingnan sa
); ang kuwento tungkol sa sampung ketongin (tingnan sa
); at ang salaysay tungkol sa nabuhay na mag-uling Panginoon na naglakad kasama ang Kanyang mga disipulo sa daan patungong Emaus (tingnan sa
).
Lucas 1:26.
Sino ang anghel na si Gabriel?
Itinuro ni Propetang Joseph Smith (1805–44) ang tungkol sa identidad ng anghel na si Gabriel:
[Si] Noe, … [ay] si Gabriel; kasunod siya ni Adan sa awtoridad sa Priesthood; tinawag siya ng Diyos sa katungkulang ito, at siya ang ama ng lahat ng nabubuhay sa kanyang panahon, at ipinamahala ito sa kanya.
(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 121)
Lucas 1:27.
Ano ang ibig sabihin ng si Maria ay “nakatakdang ikasal [kay] … Jose”?
Sa sinaunang Israel, kapag napagkasunduan ang kasal, ang kasal ay binubuo ng dalawang yugto: kasunduang pakasal (na tinatawag ding pagtatakda ng kasal; tingnan saMateo 1:18) at seremonya ng kasal. Bagama’t legal na itinuturing na mag-asawa ang mga nakatakdang pakasal (tingnan saDeuteronomio 22:23–24), sa pagitan ng panahon ng pagkakasundo sa pagpapakasal at seremonya ng kasal, ipinapatupad ang isang mahigpit na batas ng kalinisang-puri (tingnan saMateo 1:18–25; tingnan din sa New Testament Student Manual[2014], 13).
Lucas 1:30–35.
Ano ang alam natin tungkol sa mahimalang pagdadalang-tao ni Maria?
Noong tinanong ni Maria kung paano siya magiging ina ni Jesus, “samantalang ako’y wala pang nakikilalang lalaki” (Lucas 1:34), ipinaalam lang sa kanya ni Gabriel na siya ay lililiman ng Espiritu Santo at ang kanyang anak ay magiging Anak ng Diyos (tingnan saLucas 1:35). Ang iba pang mga banal na kasulatan na tumutukoy sa paglilihi kay Jesucristo ay nagbibigay-diin din na Siya ang Anak ng Diyos, ngunit hindi inihayag kung paano nangyari ang himalang ito (tingnan saMateo 1:18–20;1 Nephi 11:14–15, 18–21;Alma 7:10).