“Paano Ako Mas Magiging Self-Reliant?,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Paano Ako Mas Magiging Self-Reliant?,” Ministeryo sa Bilangguan
Paano Ako Mas Magiging Self-Reliant?
Ang ibig sabihin ng pagiging self-reliant ay matutustusan mo ang iyong mga pangunahing pangangailangan nang hindi humihingi ng tulong mula sa iba. Nangangahulugan din ito na sinisikap mong matuto ng mga bagong kasanayan upang mapabuti ang iyong buhay. Kapag nakikipagtulungan ka sa mga lider at miyembro ng Simbahan, ipaaalam nila sa iyo ang ilan sa mga paraan na makakatulong ang Simbahan. Gayunman, hindi lamang ang Simbahan ang nagbibigay ng mga resources at programa para tulungan ang mga tao na mas maging self-reliant. Maraming grupo sa komunidad ang nagbibigay ng tulong sa mga dating nabilanggo.
Maaaring mahirap maghanap ng trabaho. Matutong sabihin nang tuwiran at tapat ang tungkol sa iyong background. Humingi ng payo sa mga lider ng Simbahan at mga treatment provider kung paano makahanap ng trabaho. Magbigay ng access sa mga potensyal na employer sa mga treatment assessment sa iyo kamakailan at buod ng iyong progreso at kahandaan na magtrabaho.