Prison Ministry
Paano Ako Makakabahagi sa Simbahan habang nasa Probation o Parole?


“Paano Ako Makakabahagi sa Simbahan habang nasa Probation o Parole?,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Paano Ako Makakabahagi sa Simbahan habang nasa Probation o Parole?,” Ministeryo sa Bilangguan

Paano Ako Makakabahagi sa Simbahan habang nasa Probation o Parole?

Maraming paraan para matamasa ng mga taong nasa probation o parole ang mga pagpapala ng ebanghelyo at umunlad patungo sa Tagapagligtas. Ang mga lider ng Simbahan ay binigyan ng mga tagubilin kung paano tutulong. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 32.) Makipag-ugnayan sa iyong bishop o branch president para matulungan kang magplano at maging komportable. Malugod ka niyang kakausapin at gagabayan. Upang matulungan ang lider mo na maunawaan kung paano ka tutulungan, ipaliwanag nang lubos ang iyong sitwasyon, kabilang ang anumang mga restriksiyon sa batas na dapat mong sundin. Ang iyong bishop o branch president ang magpapasiya ng mga hakbang na dapat mong sundin bago dumalo sa mga miting ng Simbahan at magtatakda ng mga tuntunin para sa iyong pakikibahagi. Kung may dating ibinigay na restriksiyon sa mga pribilehiyo mo bilang miyembro, ang iyong bishop o branch president ang magpapasiya kung kailan ka makakabalik sa ganap na pakikibahagi. Gayundin, dapat mo ring malaman na ang ilang legal officer, tulad ng mga parole o probation officer, ay maaaring magbigay ng mga restriksiyon kung kailan ka maaaring magsimba.