“Paano Ko Haharapin ang Sakit na Nararamdaman Ko Matapos ang Pagpapakamatay ng Isang Mahal Ko sa Buhay?” Mga Naulila ng Nagpakamatay (2018).
“Paano Ko Haharapin ang Sakit na Nararamdaman Ko?” Mga Naulila ng Nagpakamatay.
Paano Ko Haharapin ang Sakit na Nararamdaman Ko Matapos ang Pagpapakamatay ng Isang Mahal Ko sa Buhay?
Ang sakit na nararamdaman mo matapos ang pagpapakamatay ng isang mahal sa buhay ay maaaring tumagal nang mahabang panahon. Sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard, “Ang pagkitil ng sariling buhay ay tunay na isang trahedya dahil nag-iiwan ito ng napakaraming biktima: una ay ang taong namatay, pangalawa ang maraming iba pa—pamilya at mga kaibigan—na mga naulila, ang ilan ay dumaranas ng ilang taong puno ng matinding sakit at ligalig” (“Suicide: Some Things We Know, and Some We Do Not,” Ensign, Okt. 1987, 7).
Itinuro ni Elder Dale G. Renlund: “Sa karamihan ng tao, ang sakit na nararamdaman matapos ang pagpapakamatay ng isang mahal sa buhay ay nababawasan—ang matinding sakit ay nababawasan sa paglipas ng panahon. Ngunit ang sabihin na magiging maayos ang lahat kinabukasan ay isang pahayag na walang katotohanan. … Sikapin lang makayanan ang susunod na araw at pagkatapos ay ang susunod at ang susunod pa. Tayo ay mga Banal sa mga Huling Araw, at tutulungan tayo ng Panginoon na makayanan iyon” (“Grieving after a Suicide” [video, ChurchofJesusChrist.org]).
Mapanalanging isaalang-alang at gamitin ang resources sa inyong lugar. Halimbawa, maaari kang humingi ng basbas ng priesthood, dumalo sa templo, sumangguni sa iyong bishop o sa isang propesyonal sa kalusugang pangkaisipan, o dumalo sa isang support group para sa mga nagdadalamhati.
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbing karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)