Pagpapakamatay
Mayroon Bang mga Restriksyon sa Burol o Libing ng Isang Taong Nagpakamatay?


“Mayroon Bang mga Restriksyon sa Burol o Libing ng Isang Taong Nagpakamatay?” Mga Naulila ng Nagpakamatay (2018).

“Mayroon Bang mga Restriksyon sa Burol o Libing?” Mga Naulila ng Nagpakamatay.

Mayroon Bang mga Restriksyon sa Burol o Libing ng Isang Taong Nagpakamatay?

Kapag nagpakamatay ang isang tao, dapat magbigay-galang din tayo sa kanyang katawan o bangkay, at sa mga naulilang kapamilya, tulad ng paggalang natin sa iba. Itinuturo sa General Handbook: Serving in The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints: “Dapat payuhan at aluin ng mga lider ang mga kapamilya ng isang taong nagpakamatay. Ang pamilya, sa pagsangguni sa bishop, ang tutukoy kung saan at kung paano ibuburol ang taong iyon. Maaaring gamitin ang mga pasilidad ng Simbahan. Kung ang taong iyon ay nakatanggap na ng endowment sa templo, maaari siyang ilibing suot ang kasuotan sa templo” (General Handbook, 38.6.18).

Hinilingan si Pangulong M. Russell Ballard na magsalita sa burol ng isang kaibigang nagpakamatay. Sabi niya: “Sa aking kaalaman tungkol sa taong ito at sa mga pangyayari, at sa pagsasaliksik sa doktrina tungkol sa paksang ito, mayroong mga sandaling nahirapan ako sa paghahanda para sa aking mensahe. … Napasaakin lamang ang kapayapaan noong napagtanto ko na ang Panginoon lamang ang maaaring magsagawa ng makatarungang paghatol. Siya lamang ang nagtataglay ng lahat ng katotohanan, at Siya lamang ang nakaaalam sa layunin ng puso ng aking kaibigan. Naniniwala ako sa ideya na ang panghabambuhay na kabutihan at paglilingkod sa iba ay tiyak na isasaalang-alang ng Panginoon sa paghatol sa buhay ng isang tao” (“Suicide: Some Things We Know, and Some We Do Not,” Ensign, Okt. 1987, 7).

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbing karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)

  • “Funerals and Other Services at a Time of Death,” General Handbook, 29.6.