Pagpapakamatay
May Ibang Bagay pa Kaya na Dapat ay Ginawa Ko para Mapigilan ang Pagpapakamatay ng Aking Anak?


“May Ibang Bagay pa Kaya na Dapat ay Ginawa Ko para Mapigilan ang Pagpapakamatay ng Aking Anak?” Mga Naulila ng Nagpakamatay (2018).

“May Ibang Bagay pa Kaya na Dapat ay Ginawa Ko?” Mga Naulila ng Nagpakamatay.

“May Ibang Bagay pa Kaya na Dapat ay Ginawa Ko para Mapigilan ang Pagpapakamatay ng Aking Anak?”

Bilang magulang, maaaring makonsensya ka dahil hindi mo napansin ang mga palatandaan ng pagpapakamatay. O maaaring maisip mo na sana ay naging mas maunawain at mapagpasensya ka. Subalit mula noong isinilang ang iyong anak, naimpluwensyahan na siya ng ibang tao, ng kanyang kapaligiran, at ng kanyang sariling mga kaisipan at damdamin—na hindi na kontrolado ng isang mapagmahal na magulang. At tulad mo na mayroong kalayaang pumili, biniyayaan din ang iyong anak ng kanyang sariling kalayaan. Hindi ka responsable sa pagpili ng iyong anak na tapusin ang kanyang buhay. Sa kabila ng lahat ng iyong mga pagsisikap, hindi lahat ng pagpapakamatay ay maaaring mapigilan.

Naaangkop din ang mga alituntuning ito sa asawa, anak, o kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay. Hindi ka dapat sisihin sa pagpapakamatay ng mahal mo sa buhay.

Kung patuloy kang nakararamdam ng matinding sakit o pighati, sumangguni sa isang taong pinagkakatiwalaan mo at mapanalanging humingi ng tulong. Maaari kang humingi ng basbas ng priesthood o makipag-ugnayan sa resources sa iyong lugar, tulad ng mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan o mga support group para sa mga nagdadalamhati.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbing karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)