Pagpapakamatay
Paano Ko Sasabihin sa Iba Kung Ano ang Nangyari?


“Paano Ko Sasabihin sa Iba Kung Ano ang Nangyari?” Mga Naulila ng Nagpakamatay (2018).

“Paano Ko Sasabihin sa Iba?” Mga Naulila ng Nagpakamatay.

Paano Ko Sasabihin sa Iba Kung Ano ang Nangyari?

Isa sa mahihirap na pasiya matapos ang pagpapakamatay ay kung ano ang sasabihin sa iba, pati na sa mga bata. Sinisikap ng maraming tao na protektahan ang kanilang mga sarili o ang iba mula sa sakit o kahihiyan sa pamamagitan ng paglilihim ng tungkol sa pagpapakamatay. Gayunman, ang pagbabahagi ng katotohanan tungkol sa pagpapakamatay ng isang mahal sa buhay sa isang taong pinagkakatiwalaan mo ay maaaring makatulong nang malaki sa pagpapagaling. Mapanalanging pag-isipan kung gaano karaming impormasyon ang ibabahagi mo sa iba at kung kailan. Dapat mong malaman na ang ilang tao ay mas mahusay makinig at makipag-ugnayan kaysa sa iba. Ang mga indibiduwal na may magandang hangarin ay maaaring magbigay ng masasakit o mapanghusgang pahayag sa pagtatangkang magbigay ng suporta. Sikaping kilalanin ang pagmamahal at pag-alo na layon nila sa halip na sumama ang iyong loob.

Mahalaga para sa mga magulang na kausapin ang kanilang anak kapag mayroong kakilala ang bata na nagpakamatay. Dapat mapanalanging isaalang-alang ng mga magulang ang edad at antas ng kahustuhan ng isip ng bata kapag nagpapasiya kung ano ang sasabihin sa kanya. Tiyakin sa bata na ang pagpapakamatay ay hindi niya kasalanan. Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Hikayatin ang bata na magbahagi ng magagandang alaala tungkol sa taong namatay, at bigyan ng oras ang bata para magtanong. Maaaring manalangin nang sama-sama o bigyan ng basbas ng priesthood ang bata. Maaari ring kumonsulta sa isang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng bata para makatulong sa prosesong ito.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbing karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)