Pagpapakamatay
Kailangan Ko Ba Talagang Sabihin sa Isang Tao na Iniisip Kong Magpakamatay?


“Kailangan Ko Ba Talagang Sabihin sa Isang Tao na Iniisip Kong Magpakamatay?” Pag-iisip na Magpakamatay (2018).

“Kailangan Ko Ba Talagang Sabihin sa Isang Tao?” Pag-iisip na Magpakamatay.

Kailangan Ko Ba Talagang Sabihin sa Isang Tao na Iniisip Kong Magpakamatay?

Ang pag-iisip na magpakamatay ay sumasalamin sa pinsala sa isipan at damdamin, hindi sa kahinaan ng pagkatao. Maging ang mabubuting tao, tulad ni Pablo at ng iba pang mga sinaunang propeta, ay nagkaroon din ng mabigat na pasanin at nakaranas ng matinding pagkabalisa (tingnan sa Mga Bilang 11:14–15; I Mga Hari 19:4; Mga Taga Filipos 1:21–24). Hindi mo ito kailangang tiisin nang mag-isa.

Alam natin na mayroong kapangyarihan sa pakikipagsanggunian sa iba. Noong si Moises ay mayroong napakabigat na pasanin, ang kanyang biyenang si Jethro ay lumapit at nagbigay sa kanya ng matalinong payo, nagsasabing, “Tunay na ikaw ay manghihina, … sapagka’t ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayang mag-isa” (Exodo 18:18). Gayundin, kapag nakikipag-usap ka sa isang taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong pag-iisip na magpakamatay, maaari kang makahanap ng lakas, kaginhawahan, at karagdagang pananaw. Magtiwala na gagabayan ng Ama sa Langit ang taong pipiliin mong kausapin.

Maaari mong simulan ang pakikipag-usap sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa mga sumusunod:

  • Ano ang nararamdaman mo ngayon?

  • Gaano katagal mo nang iniisip na magpakamatay?

  • Paano mo unang napansin ang nararamdaman mong ito?

  • Pasumpong-sumpong lang ba ang damdaming ito, o mas palagian mo itong nadarama?

  • Umiinom ka ba ng anumang gamot o gumagamit ng droga o alak?

Kung hindi ka sigurado kung sino ang kakausapin, tumawag sa isang libreng helpline para sa suporta. Bisitahin ang Befrienders Worldwide (befrienders.org) para makahanap ng helpline sa inyong lugar.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon para magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)