“Bakit Dapat Akong Patuloy na Lumaban Kahit Napakahirap ng Buhay?” Pag-iisip na Magpakamatay (2018).
“Bakit Dapat Akong Patuloy na Lumaban?” Pag-iisip na Magpakamatay.
Bakit Dapat Akong Patuloy na Lumaban Kahit Napakahirap ng Buhay?
Ang buhay sa lupa ay isang mahalagang kaloob mula sa Diyos—isang kaloob na dapat pahalagahan at protektahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:10). Binibigyan ka ng mga karanasan dito sa lupa para matulungan kang matuto at umasa sa iyong Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.
Ipinaalala sa atin ni Elder Jeffrey R. Holland: “Anuman ang inyong paghihirap, mga kapatid—sa isipan man o sa damdamin o sa katawan o anuman—huwag piliing wakasan ang napakahalagang buhay! Magtiwala sa Diyos. Mananganan nang mahigpit sa Kanyang pagmamahal. Dapat ninyong malaman na balang-araw ay magbubukang-liwayway at maglalaho ang lahat ng pasakit sa mortalidad” (“Parang Basag na Sisidlan,” Liahona, Nob. 2013, 42).
Itinuro ni Elder Orson F. Whitney: “Walang nasasayang sa dinaranas nating kapaitan o pagsubok. Nakatutulong ito sa ating edukasyon, sa pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng pagtitiyaga, pananampalataya, katatagan at pagpapakumbaba. Lahat ng ating dinaranas at lahat ng ating tinitiis, lalo na kapag buong pagtitiyaga natin itong tiniis, ay nagpapatatag sa ating pagkatao, nagpapadalisay sa ating mga puso, nagpapalawak sa ating kaluluwa, at ginagawa tayo nitong mas sensitibo at mapagkawanggawa, mas karapat-dapat tawaging mga anak ng Diyos … at sa pamamagitan ng kalungkutan at pighati, pagpapakahirap at pagdurusa natin nakakamit ang edukasyon na siyang pakay ng ating pagparito at gagawin tayo nitong higit na katulad ng ating Ama at Ina sa langit” (sinipi sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 19).
Kung hindi mo na makayanan ang mga hamon sa iyong buhay, humingi ng tulong. Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng tulong mula sa iba, anuman ang antas ng katapatan nila. Kahit si Jesus ay nangailangan ng kapanatagan at lakas mula sa Kanyang Ama. Maaaring palakasin ka ng Panginoon o magpadala Siya ng iba para tulungan at panatagin ka (tingnan sa Mosias 18:8; 24:15). Maghangad ng propesyonal na tulong o makipag-usap sa iyong bishop o sinumang pinagkakatiwalaan mo. Humingi ng basbas ng priesthood. Manalangin para sa tulong, at maniwalang matatanggap mo iyon. Hindi ka kinakalimutan ng Diyos.
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
-
“The Infinite Power of Hope,” Dieter F. Uchtdorf, Liahona, Nob. 2008, 21–24.
-
“The Savior Understands Me,” Jeffrey R. Holland (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).
-
“Ngunit Kung Hindi,” Lance B. Wickman, Liahona, Nob. 2002, 30–32.
-
“Ang Dalubhasang Manggagamot,” Carole M. Stephens, Liahona, Nob. 2016, 9–12.
-
“The Value of Experiencing and Expressing Gratitude,” Vaughn E. Worthen, Ensign, Mar. 2010, 44–49.