Pagpapakamatay
Nais Ko Lang Wakasan ang Sakit na Nararamdaman Ko. Bakit Hindi Ako Gumagaling?


“Nais Ko Lang Wakasan ang Sakit na Nararamdaman Ko. Bakit Hindi Ako Gumagaling?” Pag-iisip na Magpakamatay (2018).

“Nais Ko Lang Wakasan ang Sakit na Nararamdaman Ko,” Pag-iisip na Magpakamatay.

Nais Ko Lang Wakasan ang Sakit na Nararamdaman Ko. Bakit Hindi Ako Gumagaling?

Tandaan ang pangako ng Tagapagligtas na “sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33). Mapanatag sa mga salitang ito ni Pangulong Thomas S. Monson:

“Marahil ang ilan sa inyo kung minsan ay sumasamo sa Diyos dahil sa inyong mga pagdurusa, nagtataka kung bakit hinahayaan ng ating Ama sa Langit na maranasan ninyo ang anumang pagsubok na kinakaharap ninyo ngayon. … “Ang ating buhay sa lupa, gayunman, ay hindi nilayong maging madali o palaging kalugud-lugod. … Ang bawat isa sa atin ay nakararanas ng mapanglaw na panahon kapag pumapanaw ang mga mahal natin sa buhay, ng mga pasakit kapag nanghihina ang ating kalusugan, ng pag-iisa kapag tila pinabayaan na tayo ng mga mahal natin sa buhay. Ang mga ito at ang iba pang mga pagsubok ang tunay na sumusukat sa kakayahan nating magtiis. …

“Tanging ang Panginoon ang nakaaalam sa tindi ng ating mga pagsubok, pasakit, at pagdurusa. Siya lang ang naghahandog sa atin ng walang-hanggang kapayapaan sa oras ng paghihirap. Siya lang ang umaantig sa ating mga nahihirapang kaluluwa gamit ang Kanyang mga umaaliw na salita: ‘Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka’t ako’y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan’ [Mateo 11:28–30]” (“Joy in the Journey,” Brigham Young University Women’s Conference, Mayo 2, 2008).

Bumaling sa Diyos sa oras ng iyong pangangailangan. Hangarin ang mga nagpapagaling na pagpapala ng Tagapagligtas, isaisip na “kung minsan, ang ‘pagpapagaling’ ay nakagagamot sa ating sakit o nakapagpapagaan sa ating pasanin. Ngunit kung minsan, ‘gumagaling’ tayo sa pamamagitan ng lakas o pang-unawa o tiyaga na ibinibigay sa atin para makayanan ang mga pasaning ipinataw sa atin” (Dallin H. Oaks, “Pinapagaling Niya ang Nangabibigatang Lubha,” Liahona, Nob. 2006, 7–8).

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon para magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)