Pagpapakamatay
Nag-aalala Ako na Baka Masaktan Ko ang Aking Sarili. Paano Ako Mananatiling Ligtas?


“Nag-aalala Ako na Baka Masaktan Ko ang Aking Sarili. Paano Ako Mananatiling Ligtas?” Pag-iisip na Magpakamatay (2018).

“Nag-aalala Ako na Baka Masaktan Ko ang Aking Sarili,” Pag-iisip na Magpakamatay.

Nag-aalala Ako na Baka Masaktan Ko ang Aking Sarili. Paano Ako Mananatiling Ligtas?

Kung ikaw ay nag-iisip na magpakamatay at sa palagay mo ay baka masaktan mo ang iyong sarili, humingi kaagad ng tulong. Tumawag sa isang emergency service provider o libreng crisis help line sa iyong lugar.

Kung hindi ka naman nangangailangan ng agarang tulong ukol sa bagay na pinagdaraanan mo, makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang kapamilya, kaibigan, bishop, o propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Ang pagsasabi ng mga iniisip mo sa isang tao ay makababawas sa pressure na nararamdaman mo. Huwag hayaang mapigilan ka ng kahihiyan o takot. Narito ang mga karagdagang ideya na maaaring makatulong sa iyo:

  • Lumikha ng plano kung paano maging ligtas. Ang plano kung paano mapipigilan ang pagpapakamatay ay makatutulong sa iyo na matukoy ang iyong mga personal na kalakasan, mga positibong relasyon, at magagandang kasanayan sa pagharap sa mga problema na maaari mong magamit sa panahon na mayroon kang pinagdaraanan (tingnan sa “Paano Gumawa ng Plano na Mapigilan ang Pagpapakamatay,” Doug Thomas, Liahona, Set. 2016, 33).

  • Magtakda ng mga mithiin na madaling maisakatuparan. Bawat gabi, magsulat ng kahit isang gawain o mithiin na maaari mong maisakatuparan kinabukasan. Panatilihing simple at posibleng maisakatuparan ang mga gawaing ito. Ang pagtatakda at pagsasakatuparan ng mga simpleng mithiin ay makatutulong sa iyo na maramdamang kontrolado mo ang mga bagay-bagay kahit tila magulo ang lahat.

  • Magtiwala sa Tagapagligtas. Tandaan na si Jesucristo ay narito para sa iyo (tingnan sa Alma 7:11–13). Nauunawaan Niya ang sakit na pinagdaraanan mo nang mas ganap kaysa sa kaya mong arukin. Ipakita ang iyong kahandaan na magtiwala sa Kanya sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng taimtim na pananalangin, paghingi ng basbas ng priesthood, at pakikipag-usap sa iyong bishop.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon para magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)