Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw.


“Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina (2023)

“Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Ituro ang Doktrina

Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw.

Kasanayan

Maghanda ng mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan sa sinasabi ng mga buhay na propeta.

Pangulong Russell M. Nelson

Ipaliwanag

Ang mga buhay na propeta ay tumutulong sa atin na maunawaan at linawin ang doktrina upang mas epektibo nating masunod si Jesucristo. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na iugnay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan sa mga salita ng mga buhay na propeta upang mapalalim ang kanilang nauunawaan sa itinuturo. Ang mga paanyayang ito ay karaniwang kinabibilangan ng:

  • Isang pahayag ng katotohanang itinuturo.

  • Isang paanyayang saliksikin ang mga turo ng propeta para sa kaugnay na mga katotohanan.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Isipin ang isang katotohanan sa kurikulum na magiging bahagi ng susunod na klase.

  • Maghanda ng isang paanyaya na tumutulong sa mga estudyante na maiugnay ang katotohanang iyan sa mga salita ng mga buhay na propeta na nahanap nila nang mag-isa.

  • Maghanda ng isang paanyaya na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang katotohanang iyan sa mga salita ng mga buhay na propeta sa isang mensaheng napili mo.

Isama

  • Kahit minsan sa isang linggo, maghanda ng mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan sa mga buhay na propeta.

1:16

Talakayin at Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa bisa ng pag-uugnay ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan sa mga salita ng mga buhay na propeta?

  • Paano makatutulong ang paggawa nito sa iyong pagtuturo para mas magbalik-loob ang iyong mga estudyante kay Jesucristo?

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Kasanayan

Ipahayag ang pagmamahal at patotoo sa mga propeta habang ibinabahagi ang kanilang mga salita sa klase.

lalaking nagtuturo sa silid-aralan

Ipaliwanag

Ang hangarin ng mga estudyante na sundin ang mga propeta ng Diyos ay mapapalalim kapag nakita, narinig, at nadama nila ang pagmamahal at patotoo ng isang guro sa mga propeta. Bago o pagkatapos ibahagi ang mga salita ng propeta sa klase, maipapahayag ng mga guro ang kanilang pagmamahal o patotoo sa propetang iyon. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa Espiritu Santo na pagtibayin ang mga salita at damdamin ng guro sa puso at isipan ng mga estudyante at nagbibigay-daan sa mga estudyante na isaalang-alang ang kanilang sariling patotoo at damdamin tungkol sa mga propeta.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

  • Habang naghahanda si Sister Arquero na ibahagi sa klase ang isang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, sinabi niya sa kanyang mga estudyante, “Gusto ko lang ipaalam sa inyo kung gaano ko kamahal si Pangulong Nelson at sinasang-ayunan ko siya bilang propeta ng Panginoon ngayon.” Pagkatapos ay ipinabasa niya nang malakas sa isang estudyante ang pahayag.

  • Katatapos lang basahin ng klase ang 1 Nephi 3:7, at sinabi ng guro, “Si Nephi ay nagbibigay-inspirasyon sa akin na ‘humayo at gawin’ ang iniutos ng Panginoon, at gustung-gusto ko ang kanyang makapangyarihang halimbawa ng pagsunod.”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:9

Magpraktis

Isulat o ibahagi sa isang tao kung paano mo ipapahayag ang iyong pagmamahal sa mga propeta o ang iyong patotoo tungkol sa kanila para sa mga sumusunod:

  • Tinatalakay ninyo ang Mosias 3:17, at ibabahagi mo ang pahayag na ito mula kay Elder Neil L. Andersen: “Ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, sa pamamagitan ng Kanyang di-masukat na kaloob na Pagbabayad-sala, ay hindi lamang tayo inililigtas mula sa kamatayan at inaalok tayo, sa pamamagitan ng pagsisisi, ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan, kundi handa rin Siyang iligtas tayo mula sa mga kalungkutan at sakit ng ating sugatang kaluluwa” (“Sugatan,” Liahona, Nob. 2018, 85).

  • Ibinahagi ng isang estudyante na isa sa kanyang mga paboritong talata sa banal na kasulatan ay nang sabihin ni Mormon, “Dinggin, ako ay disipulo ni Jesucristo …” (3 Nephi 5:13).

  • Sa susunod na lesson ay magtuturo ka.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo habang pinapraktis mo ang kasanayang ito?

  • Paano ka naimpluwensyahan ng pagmamahal o patotoo ng isang tao tungkol sa mga propeta ng Diyos?

Isama

  • Magplano na ibahagi ang pagmamahal mo para sa mga propeta, ang iyong patotoo tungkol sa kanila, o pareho sa tuwing ibinabahagi ang kanilang mga salita sa susunod na lesson. Ihambing ang karanasang ito sa iba pang mga sandali kung saan ibinahagi ang mga pahayag ng propeta nang walang pagpapahayag ng pagmamahal o patotoo.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?