Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Exodo 34


PJS, Exodo 34:1–2, 14 (ihambing sa Exodo 34:1–2, 14; D at T 84:21–26)

(Naglalaman ang ikalawang huwego ng mga tapyas na bato na ibinigay kay Moises ng nakabababang batas kaysa sa nauna.)

1 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawa pang tapyas na bato, na gaya ng una, at isusulat ko rin sa mga ito, ang mga salita ng batas, alinsunod sa mga nasusulat sa mga iyon noong una sa mga tapyas na iyong binasag; subalit hindi ito tulad noong una, sapagkat aalisin ko ang pagkasaserdote sa gitna nila; kaya nga ang aking banal na orden, at ang mga ordenansa niyon, ay hindi pasasakanila; sapagkat ako ay hindi pasasagitna nila, at baka ko sila lipulin.

2 Datapwat ibibigay ko sa kanila ang batas tulad noong nauna, subalit ito ay alinsunod sa batas na isang kautusan ukol sa laman; sapagkat ako ay sumumpa sa aking poot na hindi sila makapapasok sa aking kinaroroonan, sa aking kapahingahan, sa mga araw ng kanilang pakikipamayan. Kaya nga gawin ang gaya nang ipinag-utos ko sa iyo, at maging handa kinabukasan, at umakyat kinaumagahan sa bundok ng Sinai, at iharap doon sa akin ang iyong sarili, sa tuktok ng bundok.

(Jehova ang isa sa mga pangalang pinagkakakilanlan ng mga tao sa Lumang Tipan sa Panginoong Jesucristo.)

14 Sapagkat hindi ka sasamba sa ibang diyos; sapagkat ang Panginoon, na ang pangalan ay Jehova, ay isang mapanibughuing Diyos.