PJS, Juan 4:1–4 (ihambing sa Juan 4:1–2)
(Nagsagawa si Jesus ng mga pagbibinyag.)
1 Nang samakatwid nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay nagkaroon at nagbinyag ng maraming disipulo nang higit pa kaysa kay Juan,
2 Sila ay masigasig na naghanap ng ilang paraan upang kanilang mapatay siya; sapagkat marami ang tumanggap kay Juan bilang isang propeta, subalit hindi sila naniniwala kay Jesus.
3 Ngayon nalalaman ito ng Panginoon, bagamat hindi siya mismo ang nagbibinyag ng marami na tulad ng kanyang mga disipulo;
4 Sapagkat kanyang hinahayaan sila para sa isang halimbawa, inihahanda ang bawat isa.
PJS, Juan 4:26 (ihambing sa Juan 4:24)
(Ipinangako ng Diyos ang kanyang Espiritu sa mga tunay na naniniwala.)
26 Sapagkat sa mga yaon ipinangako ng Diyos ang kanyang Espiritu. At sila na sumasamba sa kanya ay kailangang sumamba sa espiritu at sa katotohanan.