Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Apocalipsis 1


PJS, Apocalipsis 1:1–4 (ihambing sa Apocalipsis 1:1–4)

(Nakatanggap si Juan ng isang paghahayag mula kay Jesucristo at inihayag ito sa mga pinuno ng pitong simbahan sa Asia.)

1 Ang Paghahayag ni Juan, na isang tagapaglingkod ng Diyos, na ibinigay sa kanya ni Jesucristo, upang ipakita sa kanyang mga tagapaglingkod ang mga bagay na mangyayaring madali, na kanyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kanyang anghel sa kanyang tagapaglingkod na si Juan,

2 Na nagpatotoo sa salita ng Diyos, at sa patotoo ni Jesucristo, at sa lahat ng bagay na kanyang nakita.

3 Mapalad sila na bumabasa, at sila na nakikinig at nakauunawa sa mga salita ng propesiyang ito, at tumutupad sa yaong mga bagay na nasusulat doon, sapagkat ang panahon ng pagparito ng Panginoon ay nalalapit na.

4 Ngayon ito ang patotoo ni Juan sa pitong tagapaglingkod na nasa pitong simbahan sa Asia. Biyaya ang sumainyo, at kapayapaan mula sa kanya na ngayon, at ng nakaraan, at ng darating; na isinugo ang kanyang anghel mula sa harapan ng kanyang trono, upang magpatotoo sa yaong pitong tagapaglingkod sa pitong simbahan.