“Training para sa Doctrinal Mastery,” Training para sa Kurikulum ng Seminary (2022)
“Training para sa Doctrinal Mastery,” Training para sa Kurikulum ng Seminary
Training para sa Doctrinal Mastery
Pambungad sa Doctrinal Mastery
Noong 2016, itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mahalagang layunin ng doctrinal mastery sa buhay ng mga kabataan ngayon at ang mahalagang tungkulin mo bilang titser ng seminary sa pagpapatupad nito:
Isang henerasyon pa lang ang nakalipas na[ng] ang access ng ating kabataan sa impormasyon ukol sa kasaysayan, doktrina, at mga kaugalian ay limitado sa mga materyal na limbag ng Simbahan. [Iilang] estudyante lang ang naka-access sa mga alternatibong pakahulugan. Kadalasan, masyadong protektado ang ating mga kabataan.
Ang kurikulum natin noon, bagama’t mabuti ang [layunin], ay hindi naihanda ang mga estudyante para sa ngayon—na may dagliang access sa halos lahat ng tungkol sa Simbahan mula sa lahat ng posibleng opinyon. Ngayon, ang nakikita nila sa mga mobile device ay [maaaring] magpalago o humamon sa kanilang pananampalataya. …
Dahil sa mga hamong ito, inaprubahan kamakailan ng Board of Education ang bagong inisyatibo sa seminary na tinatawag na Doctrinal Mastery. … Ang bagong inisyatibong ito ay magtutuon sa pagpapalago at pagpapalakas ng pananampalataya ng ating mga estudyante kay Jesucristo at pagpapaibayo ng kakayahan nilang mamuhay ayon sa ebanghelyo. Sa paghugot ng lakas mula sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta, matututo silang kumilos nang may pananampalataya kay Cristo upang magtamo ng espirituwal na kaalaman at pang-unawa sa Kanyang ebanghelyo. At magkakaroon sila ng mga pagkakataong matuto kung paano [gagamitin] ang doktrina ni Cristo at [ang] mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga tanong at hamong naririnig at nakikita nila araw-araw sa mga kaedad nila at sa social media.
Ang inisyatibong ito ay inspirado at napapanahon. Maganda ang magiging impluwensya nito sa ating mga kabataan. Gayunman, ang tagumpay ng Doctrinal Mastery, at ng lahat ng iba pang mga programa ng pag-aaral sa CES, ay nakasalalay nang husto sa inyo. (M. Russell Ballard, “Ang mga Oportunidad at Responsibilidad ng mga CES Teacher sa Ika-21 Siglo” [isang gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 26, 2016], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)
-
Ano ang pinakanapansin mo sa pahayag ni Pangulong Ballard?
-
Sa iyong palagay, bakit kailangang maging handa ang mga kabataan ngayon sa paraang naiiba sa nakaraang mga henerasyon para mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo?
Doctrinal Mastery sa Kurikulum
Sa manwal ng titser, ang mga karanasan sa pagkatuto sa doctrinal mastery ay isinama linggu-linggo upang matulungan ang mga estudyante na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery. Kabilang sa mga resultang ito ang pagtulong sa mga estudyante na
-
matutuhan at maisabuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at
-
maging mahusay sa mga scripture passage at ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito.
Sa pagiging mahusay sa mga piniling scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito, magagawa ng mga estudyante na
-
malaman at maunawaan ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage;
-
maipaliwanag nang malinaw ang doktrina gamit ang mga nauugnay na doctrinal mastery scripture passage;
-
maipamuhay ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang mga pagpili sa araw-araw at sa mga pagtugon nila sa mga isyu at tanong tungkol sa doktrina, personal na buhay, lipunan, at kasaysayan; at
-
matandaan at mahanap ang mga doctrinal mastery scripture passage at maisaulo ang mahahalagang parirala sa banal na kasulatan.
Mga Lesson sa “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman”
Maaari mong ipaalam sa mga estudyante ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo ng “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” bahagi 1, 2, at 3. Tiyaking ituro ang bawat isa sa mga lesson na ito kapag nagkaklase sa seminary sa mga unang araw ng pagsisimula ng school year. Ang mga lesson na ito ay nagbibigay ng mahahalagang alituntunin na pagbabatayan ng iba pang mga doctrinal mastery lesson. Ang mga lesson sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay dapat ituro kada taon ng seminary. Bawat bahagi ay nagtuturo sa mga estudyante ng isa sa mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Bahagi 1: Kumilos nang may pananampalataya
-
Bahagi 2: Suriin ang mga tanong at problema nang may walang-hanggang pananaw
-
Bahagi 3: Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga sources na itinalaga ng Diyos
Mga Doctrinal Mastery Passage Lesson
May dalawang lesson na nauugnay sa bawat doctrinal mastery passage, isang kontekstuwal na lesson at ang doctrinal mastery lesson. Ang mga resulta ng doctrinal mastery ay sama-samang tinatalakay sa dalawang lesson na ito.
Sa kontekstuwal na lesson, ang doctrinal mastery passage ay itinuturo sa konteksto ng scripture block. Dapat gumugol ng sapat na oras ang mga estudyante sa pag-aaral ng doktrinang itinuturo ng scripture passage para malaman at maunawaan nila ito. Tumutulong ito na maihanda ang mga estudyante na ipaliwanag at gamitin ang doktrina sa sumusunod na doctrinal mastery passage lesson.
Sa doctrinal mastery passage lesson, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag ang doktrina gamit ang doctrinal mastery passage at simulang isaulo ang scripture reference at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan. Maaari mo ring hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang buong scripture passage. Ang pagtulong sa mga estudyante na maipaliwanag ang doktrina at maisaulo ang reperensya at ang mahahalagang parirala sa banal na kasulatan ay mahahalagang resulta ng doctrinal mastery. Ang mga gawain sa pagkatuto na ito ay hindi kailangang gumugol ng maraming oras, ngunit mahalagang unahin ang mga ito.
Ang bahaging “Pagsasabuhay” ay dapat pag-ukulan ng mas maraming oras sa doctrinal mastery passage lesson. Bawat ensayo sa pagsasabuhay ay nagsisimula sa pagkakataon ng mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Dapat na rebyuhin ng mga estudyante nang regular ang mga alituntuning ito upang magkaroon sila ng kumpiyansa sa paggamit ng mga ito. Ingatan na hindi maipalagay na dahil alam na alam ng isa o dalawang estudyante ang mga alituntunin ay alam na rin ito ng lahat ng estudyante mo.
Matapos rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, ilalahad sa mga estudyante ang isang sitwasyon na naglalarawan ng isang tanong o sitwasyon kung saan makatutulong ang tamang pag-unawa sa totoong doktrina. Maaaring sanaying gamitin ng mga estudyante ang doktrinang itinuro sa doctrinal mastery passage at ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang masagot ang tanong o sitwasyon.
Maaari mong iakma ang mga sitwasyon at ang mga iminungkahing tanong o iba pang mga gawain sa pagkatuto kung kinakailangan upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Tiyakin na ang anumang pag-aakma ay nagbibigay pa rin sa mga estudyante ng mga pagkakataon na magamit ang doktrina at mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa tunay na sitwasyon.
Mapapansin mo rin na sa katapusan ng bawat doctrinal mastery lesson ay may isang iminungkahing pagrerebyu na gagawin sa klase makalipas ang ilang araw. Layunin ng mga aktibidad na ito sa pagrerebyu na tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang scripture reference at ang mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa bawat doctrinal mastery passage.
Mga Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery
Hindi kasama sa ilang lingguhang scripture block sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ang isang doctrinal mastery passage. Upang mabigyan ang mga estudyante ng lingguhang karanasan sa doctrinal mastery, kasama sa manwal ng titser, manwal ng estudyante, at kurikulum ng online seminary ang pagrerebyu ng doctrinal mastery bilang isa sa limang lesson sa mga linggong ito. Layunin ng mga lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang scripture reference at ang mahahalagang parirala sa banal na kasulatan, maunawaan ang doktrina, at maipamuhay ang doktrina.
Kung may doctrinal mastery passage lesson na hindi napag-aralan o mapag-aaralan dahil sa iskedyul na walang pasok sa paaralan nila, dapat mong ituro ang mga doctrinal mastery passage lesson na ito bilang kapalit ng pagrerebyu ng doctrinal mastery. Ang kontekstuwal na lesson na nauugnay sa doctrinal mastery lesson ay kailangan ding ilipat para maging kapalit ito ng isa pang lesson sa linggong iyon. Sumangguni sa lokal na pacing guide na ibinigay ng iyong coordinator o program administrator para malaman kung kailan mo dapat ituro ang mga doctrinal mastery lesson na hindi napag-aralan ng mga estudyante dahil sa iskedyul nila sa paaralan.
Mga Kasanayan sa Epektibong Pagtuturo ng Doctrinal Mastery
Ang mga sumusunod na training ay nagtuturo ng mga kasanayan na makatutulong sa mga estudyante na maging mahusay sa doktrina. Ang bawat training ay (1) tumutukoy at nagpapaliwanag ng kasanayan, (2) nagpapakita ng halimbawa at nagbibigay ng pagsasanay kung paano gamitin ang kasanayan, (3) kinabibilangan ng isang pagkakataon na magnilay sa pamamagitan ng pagsusuri ng kasanayan, at (4) nag-aanyaya na ilakip ang kasanayan sa iyong pagtuturo.
Ipaliwanag ang dahilan kung bakit ginagawa ang doctrinal mastery activity.
Ipaliwanag:
Ang pagbabahagi ng dahilan kung bakit ginagawa ang doctrinal mastery activity ay makahihikayat sa mga estudyante na makibahagi sa aktibidad. Mabibigyan din ng pagkakataon ang Espiritu Santo na ituro sa kanila ang kahalagahan ng aktibidad. Matapos mong sabihin ang gagawin ng klase, magbahagi ng isa o dalawang dahilan kung bakit mo ginagawa ang aktibidad para maunawaan ng mga estudyante ang kahalagahan ng paggawa nito.
Ipakita:
“O class, sa susunod na ilang minuto ipaliliwanag natin ang doktrinang natutuhan natin mula sa Lucas 2:10–12 na si Jesucristo ang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang isang dahilan kung bakit ginagawa natin ito ay para matulungan tayong kumpiyansang makasagot kapag may isang taong kilala natin na nagtatanong sa atin kung bakit mahalaga si Jesucristo sa atin.”
Praktisin:
Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad.
-
“Okay, class. Gawin natin ang isang aktibidad na tutulong sa atin na maisaulo ang doctrinal mastery reference kasama ang mahalagang parirala nito. Ang isang dahilan kung bakit isinasaulo natin ito ay …”
-
“Sa susunod na ilang minuto, rerebyuhin natin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang kaalaman sa mga alituntuning ito ay makatutulong sa atin …”
-
“Magsasanay tayo gamit ang tatlong alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang paggamit ng mga alituntuning ito ay …”
Suriin:
Ano ang natututuhan mo habang nagsasanay kang ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang doctrinal mastery activity?
Ilakip:
Habang inihahanda mo ang bawat doctrinal mastery activity, isulat ang kahit isang dahilan kung bakit mahalaga ito sa mga estudyante.
Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Ipaliwanag:
Kapag regular mong nirerebyu ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa iyong klase, matutulungan ng Espiritu Santo ang mga estudyante na maalala at magamit ang mga ito sa oras ng pangangailangan. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntuning ito bago mo ibahagi ang sitwasyon o habang ginagawa nila ang mga sitwasyon. Kabilang sa mga paanyayang ito ang pagkakataon para marebyu ng mga estudyante ang kahit isang alituntunin, mga tagubilin kung gaano katagal nila dapat rebyuhin ang alituntunin, at pagkakataon para maibahagi nila ang natutuhan nila. Sa paggawa nito, mas magagamit ng mga estudyante ang mga alituntunin bilang bahagi ng ensayo sa pagsasabuhay nito.
Ipakita:
Ngayon habang nirerebyu natin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman mula sa Doctrinal Mastery Core Document (2018), hahatiin tayo sa mga grupo na may tigtatatlong miyembro. Bawat grupo ay magrerebyu ng ibang alituntunin.
-
Rerebyuhin ng isang grupo ang “Alituntunin 1: Kumilos nang may Pananampalataya.”
-
Rerebyuhin ng isa pang grupo ang “Alituntunin 2: Suriin ang mga Konsepto at Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw.”
-
At rerebyuhin ng isa pang grupo ang “Alituntunin 3: Hangarin na Mas Makaunawa sa pamamagitan ng mga Sources na Itinalaga ng Diyos.”
Mag-ukol ng tatlo hanggang apat na minuto para magbasa at maghandang ibahagi kasama ng iyong grupo ang isang paraan na matutulungan ng inyong alituntunin ang isang taong nahaharap sa isang mahirap na tanong o sitwasyon.
Praktisin:
-
Sumulat ng paanyaya sa bawat estudyante na rebyuhin ang isang alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Praktisin ang pagpapaabot ng iyong paanyaya sa isang kasamahan, kapamilya, o kaibigan.
Suriin:
Habang nagpapraktis ka, ano ang natututuhan mo tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng malinaw at masigasig na paanyaya na rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?
Ilakip:
Magsulat ng isang plano na palaging anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Magbigay ng mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na maipahayag kung paano makatutulong ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang taong nahaharap sa isang mahirap na tanong o sitwasyon.
Ipaliwanag:
Matapos rebyuhin ng mga estudyante ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at basahin ang sitwasyon sa pagsasabuhay, itanong sa kanila ang mga bagay na nag-aanyaya sa kanila na ipahayag kung anong mga alituntunin ang makatutulong sa sitwasyon. Ang iyong mga tanong ay dapat:
-
Hindi nasasagot ng oo o hindi.
-
Nakatutulong sa mga estudyante na gamitin ang lahat ng tatlong alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Nagbibigay ng pagkakataon na maipahayag ng mga estudyante ang naiisip at nadarama nila.
Kapag hinangad ng mga estudyante na sagutin ang mga tanong na ito, magiging mas handa silang harapin ang mga tanong at sitwasyon sa kanilang buhay nang may pananampalataya.
Ipakita:
Alalahanin na narebyu na ng mga estudyante ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at napag-aralan na nila ang sitwasyon.
-
Aling alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ang makatutulong sa inyo sa sitwasyong ito, at bakit?
-
Paano makatutulong sa inyo ang alituntuning iyon kapag naharap kayo sa isang tanong na tulad ng nasa sitwasyong ito?
-
Sa inyong palagay, paano makatutulong ang alituntuning ito?
-
Paano maaaring makatulong ang ibang alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyong ito?
Praktisin:
Alalahanin na narebyu na ng mga estudyante ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at napag-aralan na nila ang sitwasyon.
-
Kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad kasama ang isa pang tao. Ikaw ang titser, at ang isa naman ay estudyante mo. Katatapos lang basahin at pag-isipan ng iyong estudyante ang sumusunod na sitwasyon. Itanong sa estudyante ang mga tanong sa bahaging ipakita at hayaan siyang sumagot.
Isa sa mga kaibigan mo na hindi relihiyoso ay nakakita kamakailan ng isang magkompanyon na missionary na nakikipag-usap sa ilang tao sa parke. Tinanong ka ng kaibigan mo, “Bakit lumalabas at nangangaral tungkol kay Jesus ang mga missionary mula sa simbahan ninyo? Mukhang gusto ninyong ipilit ang inyong mga paniniwala sa ibang tao. Bakit hindi na lang ninyo sila hayaan kung saan sila masaya?”
-
Mag-ukol ng limang minuto at isulat ang iba pang mga tanong na maaari mong itanong upang matulungan ang mga estudyante na maipahayag kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para matulungan sila at ang iba sa mahihirap na tanong o sitwasyon.
Suriin:
Ano ang maaaring mangyari sa buhay ng mga estudyante kapag ipinahayag nila kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag naharap sila sa isang mahirap na tanong o sitwasyon?
Ilakip:
Ano ang magagawa mo upang matulungan ang mga estudyante na maipahayag kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag naharap sila sa isang mahirap na tanong o sitwasyon?
Katapusan
Isipin kung paano masasagot ng iyong mga estudyante ang mga tanong o alalahanin pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay sa paggamit ng doctrinal mastery. Sa simula, kakailanganin ng mga estudyante ang karagdagang tulong at suporta mula sa iyo bilang titser upang magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Gayunman, habang patuloy mong ginagamit ang doctrinal mastery sa iyong klase at binibigyan ang mga estudyante ng regular na mga pagkakataong magsanay, ang pagsasabuhay ng mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ng doktrina ay magiging isang bagay na natural na gagawin ng mga estudyante. Ito ang isang paraan na matutulungan mo ang iyong mga estudyante na maitayo nang matatag ang kanilang pundasyon kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina. Mangyaring gawin ang lahat ng makakaya mo upang matulungan ang iyong mga estudyante na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery.