Seminary
1 Nephi 8:1–18: Ang Pag-ibig ng Diyos ang Pinakakanais-nais sa Lahat ng Bagay


“1 Nephi 8:1–18: Ang Pag-ibig ng Diyos ang Pinakakanais-nais sa Lahat ng Bagay” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 8:1–18: Ang Pag-ibig ng Diyos ang Pinakakanais-nais sa Lahat ng Bagay” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 8:1–18

Ang Pag-ibig ng Diyos ang Pinakakanais-nais sa Lahat ng Bagay

Punungkahoy ng Buhay

Paano mo ilalarawan ang pag-ibig ng Diyos? Si Lehi ay nagkaroon ng pangitain kung saan nakita niya ang isang magandang punungkahoy. Kinain niya ang bunga ng punungkahoy na iyon, at “napakatamis nito, higit pa sa lahat” ng natikman na niya (1 Nephi 8:11). Ang punungkahoy na ito at ang bunga nito ay kumakatawan sa pag-ibig ng Diyos, na ipinakita sa pagsilang, buhay, ministeryo, at nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo. Ang pag-ibig na ito ay “pinuspos ang kaluluwa [ni Lehi] ng labis na kagalakan” (1 Nephi 8:12). Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madagdagan ang iyong hangaring maranasan ang pag-ibig ng Diyos at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Kadiliman at liwanag

Ilang tagapagsalita sa pangkalahatang kumperensya ang nagbahagi ng mga kuwento tungkol sa pagdanas ng pisikal na kadiliman na sinundan ng dagdag na pang-unawa at pasasalamat para sa liwanag. Subukang isipin ang mga sumusunod na sitwasyon. Basahin o panoorin ang isa sa mga kuwentong ito.

Pagbibisikleta sa 15 milyang lagusan (tingnan sa Vern P. Stanfill, “Piliin ang Liwanag,” Liahona, Nob. 2015, 55–57).

7:2

Choose the Light

A reckless biker finds himself in a battle against time and the elements when he enters a situation he can’t get out of. He discovers his only option is to choose the light.

Ang mga ilaw ng Salt Lake Temple na hindi sumindi sa gabi (tingnan sa Sharon Eubank, “Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman,” Liahona, Mayo 2019, 73–76).

2:3

Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman

Itinuro ni Sister Eubank na kung isesentro natin si Cristo sa ating buhay, tutulungan Niya tayo sa ating mga pagsubok at magiging ilaw natin sa kadiliman.

2:3

Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman

Itinuro ni Sister Eubank na kung isesentro natin si Cristo sa ating buhay, tutulungan Niya tayo sa ating mga pagsubok at magiging ilaw natin sa kadiliman.

Pag-rappel sa malalim na kuweba (tingnan sa Timothy J. Dyches, “Ang Liwanag ay Kumukunyapit,” Liahona, Mayo 2021, 112–15).

11:11

Light Cleaveth unto Light

Elder Dyches teaches that Jesus Christ is the Light of the World and the source of true happiness and peace.

Nanalangin si Lehi na kaawaan siya ng Panginoon

Habang naninirahan sa ilang, ibinahagi ni Lehi sa kanyang pamilya ang mga detalye ng kanyang pangitain. Sa pangitaing ito, siya ay nasa “isang madilim at mapanglaw na ilang” (1 Nephi 8:4).

Basahin ang 1 Nephi 8:5–8, at alamin kung ano ang nangyari kay Lehi at kung ano ang nadama niya. Makatutulong na ilarawan sa isipan ang binabasa mo. Maghanap ng mga naglalarawang detalye na makatutulong sa iyong gumawa ng larawan sa isipan o isipin ang mga pangyayari tulad ng isang pelikula.

  • Sa iyong palagay, anong uri ng mga kaisipan o damdamin ang naging dahilan para manalangin si Lehi na kaawaan siya?

Pag-isipan sandali ang iba’t ibang paraan na maaari nating madama ang kadiliman sa ating buhay at ang mga dahilan kung bakit maaari tayong magsumamo sa Panginoon na kaawaan tayo.

Basahin ang 1 Nephi 8:9–12, at alamin kung paano tinulungan ng Panginoon si Lehi.

Sa iyong study journal, gumawa ng simpleng drawing na kumakatawan sa punungkahoy na nakita ni Lehi. Magdrowing ng bunga sa punungkahoy, at lagyan ng label ang bunga batay sa mga paliwanag ni Lehi sa 1 Nephi 8:10–12. (Para sa mga karagdagang paglalarawan upang malagyan ng label ang bunga ng punungkahoy, basahin ang 1 Nephi 15:36 at Alma 32:42.) Habang nagdodrowing ka, isipin kung ano ang maaaring kinakatawan ng punungkahoy na ito at ng bunga nito.

Kalaunan, gustong malaman at maunawaan mismo ni Nephi ang pangitain, kabilang ang kahulugan ng punungkahoy na nakita ni Lehi. Habang pinagninilayan ang itinuro sa kanya, ipinakita kay Nephi, sa pamamagitan ng Espiritu, ang isang pangitain tungkol kay Birheng Maria na dala ang sanggol na si Jesus sa kanyang mga bisig (tingnan sa 1 Nephi 11:13, 20).

Tingnan ang sumusunod na larawan at isipin kung bakit kaya ito ipinakita kay Nephi nang naisin niya na malaman ang kahulugan ng punungkahoy.

Si Maria at ang sanggol na si Jesus

Basahin ang 1 Nephi 11:21–23, at alamin kung ano pa ang ipinakita kay Nephi at kung paano ito nakatulong sa kanya na malaman ang kahulugan ng punungkahoy. Maaari mong lagyan ng label ang punungkahoy batay sa natutuhan mo.

  • Sa iyong palagay, paano tayo tinutulungan ng Tagapagligtas na madama ang pag-ibig ng Diyos?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Ang pinakadakilang pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos para sa Kanyang mga anak ay ang mortal na ministeryo, nagbabayad-salang sakripisyo, at Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoong Jesucristo. Ang bunga ng punungkahoy ay maituturing na simbolo ng mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. (David A. Bednar, “Magsiparito Kayo, at Inyong Makikita,” Liahona, Nob. 2014, 109)

  • Mula sa pangitain ni Lehi at sa pahayag ni Elder Bednar, anong mga katotohanan ang matutukoy mo tungkol sa pag-ibig o pagmamahal ng Diyos?

Madama ang pag-ibig ng Diyos at labis na kagalakan sa pamamagitan ni Jesucristo

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ang pag-ibig o pagmamahal ng Diyos, na ipinapakita sa pamamagitan ni Jesucristo, ay mas kanais-nais kaysa anupamang bagay at nagdudulot ng lubos na kagalakan.

Ang mga sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyo na matukoy kung paano mo maaaring madama ang pagmamahal ng Diyos sa iyo dahil kay Jesucristo. Sa paggawa mo ng mga aktibidad na ito, subukang tukuyin ang maraming pagpapalang dumarating sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala at isulat ang mga ito sa bunga o sa paligid ng idinrowing mong bunga.

Aktibidad 1

Basahin ang pinatotohanan ni Lehi matapos makita ang pangitaing ito sa 1 Nephi 10:5–6. Basahin din ang ilan sa mga sumusunod na banal na kasulatan o hanapin ang iba na naglalarawan ng mga pagpapalang matatanggap natin sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo: Isaias 53:4–5; Juan 1:17; Mosias 4:2–3; Alma 7:11–12; Helaman 5:12.

Aktibidad 2

Panoorin ang sumusunod na video, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, at alamin ang mga pagpapalang dumarating sa pamamagitan ni Jesucristo:

3:0

Atonement - Not a One-Time Thing

A young man shares how with the help of his bishop, he is experiencing the blessings of the Atonement of Jesus Christ.

Dahil sa Kanya” (2:36)

2:36

Because of Him—Easter Video

Jesus Christ is our Savior. Because of Him, we can change for the better and live again with God. This Easter season we celebrate His life and Resurrection and invite all to share His miraculous story.

4:9

Peace in Christ

When there’s no peace on earth, there is peace in Christ.

Aktibidad 3

Pag-isipan ang mga paraan kung paano mo naranasan ang mga pagpapalang ibinibigay ni Jesucristo o kung paano mo ito nakita sa buhay ng ibang tao. Maaaring kabilang dito ang mga paraan kung paano ka pinagpala ng Panginoon sa panahon ng kadiliman.

Ano ang natutuhan mo?

Balikan sandali ang mga pagpapalang matatanggap natin sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na isinulat mo sa idinrowing mong bunga. Isiping mabuti kung bakit ang mga pagpapalang ito ay maaaring “makapagpaligaya sa tao” (1 Nephi 8:10), maging “napakatamis, higit pa sa lahat” (1 Nephi 8:11), at pupuspusin ka “ng labis na kagalakan” (1 Nephi 8:12).

icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-ibig o pagmamahal ng Diyos sa iyo?

  • Aling mga pagpapala na makakamtan sa pamamagitan ni Jesucristo ang pinakagusto mo sa iyong buhay? Bakit?

  • Paano ka napagpala dahil sa pagmamahal na ipinakita ng Diyos sa pagsusugo ng Kanyang Anak na si Jesucristo upang magbayad-sala para sa iyo?