Seminary
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3: Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga Itinalagang Source na Ibinigay ng Diyos


“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3: Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga Itinalagang Source na Ibinigay ng Diyos” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3: Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga Itinalagang Source na Ibinigay ng Diyos” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3

Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga Itinalagang Source na Ibinigay ng Diyos

Fiji: Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan mula sa mga source na buong pagmamahal na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Mahalaga ang mga source

Proyekto para sa Malinis na Tubig

Pagnilayan sandali ang kahalagahan ng tubig sa iyong buhay.

  • Kailan pinakamahalaga sa iyo ang pagkakaroon ng tubig?

  • Bakit mahalaga ang pinagkukunan ng tubig na iniinom mo?

Ang paghahanap ng katotohanan ay maitutulad sa pag-inom ng tubig: mahalaga ang pinagkukunan. Isipin ang mga source na ginagamit mo kapag may mga tanong o alalahanin ka. Gaano ka kakumpiyansa na ang mga source na ito ay nagbibigay ng mga totoong sagot?

Ang paghahanap ng mga sagot mula sa mga mapagkakatiwalaang source ay makagagawa ng kaibhan sa pagitan ng matutuhan ang katotohanan at malinlang ng mga maling ideya. Maaaring hindi natin palaging napapansin kapag ang mga source ay naglalaman ng maling impormasyon. Maaaring ang ilang source ay ginawa para magdulot ng kawalan ng tiwala, takot, at pag-aalinlangan. Nais ng Ama sa Langit na sagutin ang iyong tapat na mga tanong at nagbigay Siya ng mga mapagkakatiwalaang source na gagabay sa iyo. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang matutuhan at mahanap ang mga sagot sa pamamagitan ng mga itinalagang source na ibinigay ng Diyos.

Paghahanap ng katotohanan

Sa Aklat ni Mormon, isang lalaking nagngangalang Serem ang humarap kay Jacob, na kapatid ni Nephi, sa pagtatangkang “matitinag niya [si Jacob] mula sa pananampalataya” (Jacob 7:5). Sinabi ni Serem na nagtuturo si Jacob ng maling doktrina tungkol kay Jesucristo: “Walang taong nakaaalam ng gayong mga bagay; sapagkat hindi siya maaaring makapagsabi ng mga bagay na darating” (Jacob 7:7). Tumugon si Jacob sa pamamagitan ng pagpapahayag kung paano niya nalaman ang katotohanan tungkol sa Tagapagligtas na darating sa hinaharap.

Basahin ang Jacob 7:8–12, at alamin ang mga source na nakatulong kay Jacob na malaman ang tungkol kay Jesucristo.

  • Sa iyong palagay, bakit nagtiwala si Jacob na nagbibigay ng katotohanan ang mga source na ito?

Basahin ang talata 1, 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022), at maghanap ng impormasyon tungkol sa mga source ng kaalaman. Maaari mong markahan ang mga salita o parirala na mahalaga para sa iyo.

icon, isulat
  1. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa mga talatang ito?

  • Paano makagagawa ng kaibhan ang mga source na ginagamit mo sa impormasyong nahanap mo?

  • Paano ipinapakita ng mga itinalagang source na ibinigay ng Diyos ang pagmamahal sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

Paggamit ng mga itinalagang source na ibinigay ng Diyos.

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser(2024)—“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3”

May sitwasyon sa isang nakaraang lesson tungkol kay Adry, na nagtanong, “Kung talagang may mapagmahal na Diyos, bakit Niya hahayaang magdusa ang mga tao?” Upang masanay sa paghahanap ng katotohanan mula sa mga source na itinalaga ng Diyos, mag-ukol ng ilang minuto upang makumpleto ang kahit dalawa sa mga sumusunod na aktibidad. icon ng pagsusulat sa journalIsulat ang natutuhan mo sa iyong study journal.

  1. Mga magulang at mga lider ng Simbahan: I-text ang tanong ni Adry sa isang magulang o lider ng Simbahan, at ipaliwanag na tinatalakay mo ang tanong sa seminary at gusto mong malaman kung ano ang palagay nila tungkol dito.

  2. Panalangin: Sa tahimik na personal na panalangin, hingin ang patnubay ng Panginoon at ang inspirasyon mula sa Espiritu Santo tungkol sa tanong na ito. Isulat ang mga ideya at damdaming dumarating sa iyo.

  3. Mga banal na kasulatan: Maghanap ng mga talata sa banal na kasulatan na maaaring makatulong kay Adry. Halimbawa, maaari mong basahin ang tungkol sa mga tao ni Alma sa Aklat ni Mormon na nakaranas ng pagdurusa sa pisikal na pagkabihag (tingnan sa Mosias 23:21–23; 24:8–15).

  4. Ang mga propeta ng Panginoon: Maghanap ng pahayag ng propeta na maaaring makatulong kay Adry. Halimbawa, basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Joseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

    Ang pagkatutong magtiis sa mga panahon ng kabiguan, pagdurusa, at kalungkutan ay bahagi ng pagkatuto natin sa buhay. Ang mga karanasang ito, kahit madalas ay mahirap tiisin sa sandaling iyon, ang talagang mga uri ng karanasan na nagpapalawak ng ating pang-unawa, humuhubog sa ating pagkatao, at nagpapaibayo ng pagkahabag natin sa iba.

    Dahil labis na nagdusa si Jesucristo, nauunawaan Niya ang ating pagdurusa. Nauunawaan Niya ang ating pighati. Nararanasan natin ang mahihirap na bagay [upang] mapag-ibayo rin natin ang pagkahabag at pag-unawa sa iba. (Joseph B. Wirthlin, “Anuman ang Mangyari, Gustuhin Ito,” Liahona, Nob. 2008, 27)

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang itinuro ng mga source na ito na gusto mong ibahagi kay Adry?

  • Ano ang natutuhan mo na makagagawa ng kaibhan sa paghahanap mo ng mga sagot sa mahihirap na tanong?

Mga katanungan ng kaluluwa

Tinukoy ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mahihirap na tanong at alalahanin sa buhay bilang “mga katanungan ng kaluluwa” (tingnan sa “Kung Ako’y Nangakilala Ninyo,” Liahona, Nob. 2016, 103). Sa iyong study journal, maglista ng ilang “mga katanungan ng kaluluwa.” Maaaring ito ay mga tanong mo o ng mga kaibigan o kapamilya mo.

Pumili ng tanong na kailangan mong maunawaan sa tulong ng Ama sa Langit. Mag-ukol ng panahon na maghanap ng karagdagang pang-unawa mula sa mga itinalagang source na ibinigay ng Diyos. Anyayahan ang Espiritu Santo na gabayan ka, at isulat sa iyong study journal ang pagkaunawang matatanggap mo.

Upang makapagsimula, maaari mong saliksikin ang SimbahanniJesucristo.org, ang Gospel Library app, o mga isyu ng kumperensya ng mga magasin ng Simbahan upang makahanap ng mga pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na sumasagot sa iyong tanong. Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at indeks sa triple combination ay makatutukoy rin ng makatutulong na mga banal na kasulatan.

Isang batang lalaki na nakaupo sa sahig na may laptop computer, iba’t ibang aklat, notebook, journal, at magasin sa paligid niya.

Tandaan, ang paghahanap ng mga sagot sa mga espirituwal na tanong ay nangangailangan ng panahon. Kapag sinunod mo ang huwaran ng Panginoon sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, matuturuan ka ng Espiritu Santo nang “taludtod sa taludtod, … kaunti rito at kaunti roon” (2 Nephi 28:30). Humanap ng mga pagkakataong ibahagi sa iyong mga kapamilya o mga lider ng Simbahan ang mga natutuhan mo.