Seminary
1 Nephi 6–7: Pagtukoy sa “mga Bagay ng Diyos”


“1 Nephi 6–7: Pagtukoy sa ‘mga Bagay ng Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“1 Nephi 6–7: Pagtukoy sa ‘mga Bagay ng Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

1 Nephi 6–7

Pagtukoy sa “mga Bagay ng Diyos”

Kinakausap ni Nephi at ng kanyang mga kapatid si Ismael

Kung magsusulat ka ng talaang pag-iingatan kung saan maaaring matuto ang mga susunod na henerasyon, ano ang maaari mong isama? Ipinahayag ni Nephi ang kagustuhan niya na maging nakasisiya sa Diyos ang kanyang mga isinulat at mahikayat ang iba na sundin si Jesucristo. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na maunawaan kung paano makatutulong sa iyo ang mga layunin ng Aklat ni Mormon sa iyong pag-aaral at sa iyong buhay.

Bakit dapat pag-aralan ang Aklat ni Mormon?

Isipin kung ano kaya ang isasagot mo kung may nagtanong sa iyo ng mga sumusunod:

  • Maraming aklat tungkol sa relihiyon at pagiging mas mabuting tao; bakit ko dapat basahin ang Aklat ni Mormon? Ano ang magagawa nito para sa akin? Paano ito naiiba o mas mahusay kaysa sa iba pang mga aklat?

Ibinahagi ni Nephi ang kanyang layunin, o mga layunin, sa pagsulat ng kanyang mga ginawa sa Aklat ni Mormon. Kapag alam natin ang mga layuning ito, mauunawaan natin kung bakit dapat nating basahin ang aklat at kung ano ang magagawa nito para sa atin.

Basahin ang 1 Nephi 6:3–6 at pag-isipang markahan ang mga salita o parirala na tumutukoy sa mga layunin ni Nephi sa pag-iingat ng kanyang talaan. Maaaring makatulong na malaman na “ang Diyos ni Abraham, … ni Isaac, at … ni Jacob” (talata 4) ay isang titulo para kay Jesucristo.

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Paano mo ipaliliwanag kung bakit itinala ni Nephi ang ginawa niya?

Ayon kay Nephi, layunin ng kanyang mga isinulat na hikayatin tayong lumapit kay Jesucristo at naglalaman lamang ito ng mga bagay na nakasisiya sa Diyos.

Maglaan ng ilang sandali para pag-isipan ang karanasan mo sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon hanggang sa kasalukuyan.

  • Nakatutulong ba ang Aklat ni Mormon para malaman mo ang mga bagay na nakasisiya sa Diyos? Kung oo, paano?

  • Sa palagay mo ba ay nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng Aklat ni Mormon para mas mapalapit kay Jesucristo at mailigtas? Bakit oo o bakit hindi?

  • Paano magiging pagpapala sa iyong buhay ang malaman ang mga bagay ng Diyos at mas mapalapit kay Jesucristo?

Paglapit kay Jesucristo at pag-alam sa mga bagay na nakasisiya sa Diyos

Ang isang kapaki-pakinabang na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay hanapin ang mga layunin ni Nephi habang binabasa mo ang Aklat ni Mormon. Magkakaroon ka ng pagkakataong magsanay na gawin ito habang pinag-aaralan mo ang 1 Nephi 7.

Ang mga pangyayaring isinaad ni Nephi sa 1 Nephi 7 ay maaaring hatiin sa tatlong pangunahing bahagi. Basahin ang mga sumusunod na buod ng bawat bahagi. Pumili ng isa at pag-aralan pa ito, at alamin ang anumang bagay na nakasisiya sa Diyos at tumutulong sa atin sa paglapit kay Cristo.

Bahagi 1. 1 Nephi 7:1–5. Bumalik muli si Nephi at ang kanyang mga kapatid sa Jerusalem upang hikayatin ang pamilya ni Ismael na sumama sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang pangako. Dahil dito, nakapag-asawa si Nephi at ang kanyang mga kapatid at nagkaroon sila ng mga pamilya.

12:24

Sumama ang Pamilya ni Ismael sa Pamilya ni Lehi | 1 Nephi 7

1 Nephi 7 | Ishmael's family joins Lehi's sons. Laman and Lemuel bind Nephi, whose faith saves him. All is forgiven, and the journey continues.

Bahagi 2. 1 Nephi 7:6–18. Iginapos nina Laman at Lemuel si Nephi, at sinadyang iwanan siya sa ilang upang mamatay. Ngunit si Nephi ay nanampalataya nang lubos, at mahimalang iniligtas siya ng Panginoon.

12:24

Sumama ang Pamilya ni Ismael sa Pamilya ni Lehi | 1 Nephi 7

1 Nephi 7 | Ishmael's family joins Lehi's sons. Laman and Lemuel bind Nephi, whose faith saves him. All is forgiven, and the journey continues.

Bahagi 3. 1 Nephi 7:17–22. Taos-pusong pinatawad ni Nephi ang kanyang mga kapatid sa pagtatangka nilang patayin siya, at bumalik ang pangkat kina Lehi at Saria.

12:24

Sumama ang Pamilya ni Ismael sa Pamilya ni Lehi | 1 Nephi 7

1 Nephi 7 | Ishmael's family joins Lehi's sons. Laman and Lemuel bind Nephi, whose faith saves him. All is forgiven, and the journey continues.

icon, isulat
  1. Isulat ang scripture block na pinili mong pag-aralan, at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Ano ang natutuhan mo mula sa iyong pag-aaral na sa palagay mo ay ikasisiya ng Diyos at makatutulong sa iyo na lumapit kay Cristo?

  • Paano makatutulong sa buhay mo ang natutuhan mo?

Pag-isipan ang iyong karanasan sa pag-aaral mo sa araw na ito habang naghahanap ka ng mga bagay na partikular na tutulong sa iyo sa paglapit kay Jesucristo at ng mga bagay na nakasisiya sa Diyos.

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Paano mo mas mapagbubuti ang pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan kung palagi kang mag-aaral sa ganitong paraan?