Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: “Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: ‘Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25: ‘Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 2:25

“Si Adan ay Nahulog Upang ang Tao ay Maging Gayon; at ang Tao ay Gayon, Upang Sila ay Magkaroon ng Kagalakan”

Ang pamilya nina Adan at Eva

Sa lesson na “2 Nephi 2:17–26,” nalaman mo ang tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva. Ang kaalaman tungkol sa Pagkahulog ay makatutulong sa iyo na magtiwala sa Tagapagligtas kapag naharap ka sa mga hamon ng mortalidad. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 2:25, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ipaliwanag at isaulo

Sa palagay mo ba ay mailalarawan mo kung ano ang elepante o gorilya nang hindi ginagamit ang pangalan nito? Upang makapagsanay sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay sa iba, isipin kung paano mo ilalarawan ang mga hayop na ito.

Elepante sa Africa

Ang ilang bahagi ng plano ng Ama sa Langit ay maaaring mahirap ipaliwanag, kabilang na ang Pagkahulog nina Adan at Eva. Sa nakaraang lesson, pinag-aralan mo ang tungkol sa Pagkahulog. Basahin ang 2 Nephi 2:25, at pag-isipan ang natutuhan mo. Alalahanin na ang Pagkahulog ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit.

Isulat kung paano mo ipaliliwanag ang Pagkahulog nina Adan at Eva sa isang walong taong gulang at kung bakit mahalagang maunawaan ang Pagkahulog.

Sanaying isaulo ang doctrinal mastery passage. Ang isang paraan upang makapagsanay na isaulo ito ay hatiin ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa sumusunod na limang segment:

  • 2 Nephi 2:25

  • “Si Adan ay nahulog

  • upang ang tao ay maging gayon;

  • at ang tao ay gayon,

  • upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Isulat ang mga segment na ito sa isang piraso ng papel, at ulitin ang bawat segment habang itinuturo mo ito. Pagkatapos ay burahin o takpan ang mga salita o parirala habang inuulit ang banal na kasulatan. Magpatuloy hanggang sa mabura ang lahat at nabibigkas mo na ang naisaulong reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

icon, isulat
  1. Sa isang blangkong papel, nang hindi tumitingin sa anumang tala, subukang isulat ang lahat ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

    • Gaano mo kahusay na naaalala ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?

    Kung kailangan mo ng tulong sa pag-alala sa mga alituntuning ito, tingnan ang Doctrinal Mastery Core Document (2022).

    • Paano mo gagamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrina ng Pagkahulog upang makatulong sa pagtugon sa alalahanin ni Gideon?

Kung kailangan mo ng tulong sa pag-alala sa mga alituntuning ito, tingnan ang Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Gamitin ang mga alituntuning ito sa sumusunod na sitwasyon:

Habang nag-aaral tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva sa kanyang klase sa Sunday School, nagulat si Gideon nang marinig niyang sinabi ng kanyang titser na ang Pagkahulog ay mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Sinimulan niyang isipin ang lahat ng negatibong bagay na maaaring mangyari dahil sa Pagkahulog—kasalanan, kamatayan, sakit, kapansanan, karamdaman sa pag-iisip, mga pagsubok, at marami pang iba. Napagtanto niya na ang mga bagay na pinakamadalas niyang inirereklamo ay kadalasang bunga ng Pagkahulog. Iniisip niya kung bakit kaya ninais ng Ama sa Langit na mangyari ang Pagkahulog.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Rebyuhin ang talata 11–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

  • Anong sources na itinalaga ng Diyos ang irerekomenda mong tingnan ni Gideon para sa karagdagang tulong?

  • Bakit mo irerekomenda ang sources na iyon?

icon, isulatIsulat ang mga tala mo sa iyong study journal.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Rebyuhin ang talata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

icon, isulatIsulat ang mga tala mo sa iyong study journal.

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

  • Paano makatutulong sa sitwasyong ito ang pagkaunawa mo sa Pagkahulog at sa ginagampanan nito sa plano ng kaligtasan?

  • Ano ang alam mo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala na maaaring makatulong?

  • Paano pa natin matitingnan ang sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw?

Kumilos nang may pananampalataya

Rebyuhin ang mga talata 5-7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Paano mo magagamit ang alituntuning ito upang matugunan ang alalahanin ni Gideon?

Iba pang mga paraan upang magamit ang alituntuning ito

Isipin ang sarili mong mga karanasan sa pagharap sa mga hamong nauugnay sa Pagkahulog. Pag-isipang mabuti ang ginawa mo upang kumilos nang may pananampalataya at magtiwala sa Tagapagligtas kapag nahaharap ka sa mga hamong kaakibat ng mortalidad.

  • Paano makatutulong ang iyong mga karanasan sa sitwasyon ni Gideon?

  • Paano pa makapagpapakita ng pananampalataya kay Jesucristo si Gideon?

icon, isulatIsulat ang mga tala mo sa iyong study journal.