Seminary
2 Nephi 2:26–30: Malayang Makapipili


“2 Nephi 2:26–30: Malayang Makapipili,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 2:26–30,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 2:26–30

Malayang Makapipili

mga kabataang lalaki sa isang party

Sa buong buhay mo, mahaharap ka sa mga pagpili. Ang ilan sa mga pagpiling gagawin mo ay magkakaroon ng mga bungang pangmatagalan, kung minsan pa nga ay walang hanggan. Itinuro ni Lehi na dahil kay Jesucristo, lahat ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan” o “pagkabihag at kamatayan” (2 Nephi 2:27). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na gamitin ang iyong kalayaang pumili upang sundin si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagpili

Isipin kung bakit maaaring magpasiya ang ibang tao na gawin o hindi gawin ang mga sumusunod:

  • regular na manalangin

  • magsimba

  • magsisi

  • sundin ang Word of Wisdom

  • magpatawad sa iba

Pag-isipan ang sarili mong mga dahilan sa pagpiling gawin o hindi gawin ang mga ito. Isaalang-alang din ang iba pang mga kautusan na kasama sa ebanghelyo ni Jesucristo. Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, humingi ng tulong mula sa Espiritu Santo upang maunawaan kung paano mo ginagamit ang iyong kalayaang pumili sa mga paraang sinasang-ayunan ng Panginoon at kung paano mo nanaising magpakabuti pa.

Malayang makapipili

Sa pagtatapos ng kanyang buhay, itinuro ng propetang si Lehi sa kanyang pamilya ang mahahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit. Kabilang sa kanyang mga turo ang Pagkahulog, Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, at kalayaang pumili.

Basahin ang 2 Nephi 2:26, at alamin ang itinuro ni Lehi tungkol sa tatlong bahaging ito.

  • Ano ang natutuhan mo?

  • Paano ginagawang posible ng Pagkahulog at ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas na magkaroon tayo ng kalayaang pumili?

Basahin ang 2 Nephi 2:27. Magdrowing ng simpleng diagram upang ipakita kung ano ang itinuturo ng talata, o ibuod ito gamit ang sarili mong mga salita.

icon, doctrinal masteryAng 2 Nephi 2:27 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mong mahanap ang mga ito. Magkakaroon ka ng pagkakataon sa susunod na lesson na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuro sa doctrinal mastery passage na ito sa isang tanong o sitwasyon.

Ang sumusunod ay isang paraan upang ilahad ang talatang ito:

Diagram ng Malayang Makapipili

Ang isang paraan na maaari mong ibuod ang turo ng Tagapagligtas sa talata 27 ay malaya tayong piliin ang kalayaan at buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo o piliin ang pagkabihag at kamatayan.

Pansinin na sa itaas lang ng kahong may pamagat na “Malayang Makapipilii,” ang mga arrow ay nagsisimula na halos magkadikit. Maaaring madama ng ilang tao na ang pagpili natin na sundin si Jesucristo ay naglilimita sa ating mga pagpili at talagang nag-aalis ng ating kalayaan.

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na apat na tanong:

    • Bakit maaaring madama ng ilang tao na nililimitahan ang ating kalayaan sa pagsunod kay Jesucristo?

    Pansinin kung paano ipinapakita ng diagram na ito na kapag sinusunod natin si Jesucristo, mas lalong nagiging bukas ang mga arrow. Sa katunayan, ang pagsunod kay Jesucristo ay nagbibigay sa atin ng mas maraming pagkakataong pumili at ng higit na kalayaan.

    • Sa paanong mga paraan humahantong sa kalayaan ang pagsunod kay Jesucristo?

    Pansinin na sa kabilang panig ng diagram, ang mga arrow ay magkalayo sa simula at pagkatapos ay mas naglalapit.

    • Bakit kaya maaaring madama ng ilang tao na ang pagsuway kay Jesucristo ay humahantong sa kalayaan?

    • Paano humahantong sa pagkabihag ang pagpiling suwayin si Jesucristo?

Inilarawan ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit nababawasan ang kalayaan kapag sumusuway sa Panginoon:

Elder D. Todd Christofferson

Si Satanas … ay nag-uudyok ng pag-uugali at pagpili na naglilimita sa ating kalayaang pumili at ginagawa ito kapag pinapalitan niya ang impluwensya ng Banal na Espiritu ng kanyang sariling pamamahala (tingnan sa D&T 29:40; 93:38–39). Ang pagpapatangay sa mga tukso [ni Satanas] ay humahantong sa pakaunti nang pakaunting pagpipilian hanggang wala nang matira at humahantong din sa mga adiksyon na iniiwan tayong walang lakas para mapaglabanan ito. (D. Todd Christofferson, “Moral Agency,” Ensign, Hunyo 2009, 49)

6:26

Basahin ang 2 Nephi 2:28–30, at pag-isipan nang ilang minuto kung paano mo pinipiling gamitin ang iyong kalayaang pumili.

Pag-isipan ang mga isasagot mo sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano ka inaakay ng mga pagpili mong sundin si Jesucristo tungo sa kalayaan at buhay na walang hanggan? Paano ka pinagpapala ng Panginoon sa mga pagsisikap mo?

  • Paano ka maaaring madala ng ilan sa iyong mga pagpili tungo sa pagkabihag? Ano ang maaaring maging unang hakbang mo upang magbago? Paano ka maaaring tulungan ng Panginoon?