“2 Nephi 26: Pagtingin, Pagmamahal, at Pakikitungo sa Kapwa tulad ng Ginagawa ng Diyos,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 26,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
2 Nephi 26
Pagtingin, Pagmamahal, at Pakikitungo sa Kapwa tulad ng Ginagawa ng Diyos
Araw-araw ay nahaharap tayo sa mga mensahe at impormasyon na may layuning impluwensyahan ang ating damdamin at pananaw. Sa 2 Nephi 26, itinuro ni Nephi ang pananaw ng Diyos. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang makita, mahalin, at pakitunguhan ang ating kapwa tulad ng ginagawa ng Diyos.
Ang ating pananaw
Suriin ang mga sumusunod na larawan at isipin kung paano nakakaapekto ang iba’t ibang salamin sa ating paningin.
-
Paano maaaring makaapekto ang iba’t ibang salamin na ito sa pananaw ng isang tao?
-
Ano ang ilang bagay na nakakaapekto sa pagtingin at pakikitungo natin sa ating kapwa?
Maglaan ng ilang sandali upang pagnilayan ang pananaw mo tungkol sa iba. Isipin kung ano ang maaaring humuhubog sa iyong pananaw at kung paano ito makaiimpluwensya sa nadarama at pakikitungo mo sa iba. Sa iyong pag-aaral, maghangad ng inspirasyon na malaman kung ano ang magagawa mo upang makita at pakitunguhan ang iyong kapwa tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas.
Layunin ng lesson na ito na tulungan kang makita, mahalin, at pakitunguhan ang ating kapwa tulad ng ginagawa ng Diyos.
Ang katangian ng Diyos
Sa 2 Nephi 26, nakita ni Nephi ang ministeryo ng Tagapagligtas sa mga Nephita, gayundin ang kasamaan at lubusang pagkawasak ng kanyang mga tao. Nakita rin niya ang kasamaan ng mga Gentil sa mga huling araw. Kabaligtaran nito, binigyang-diin niya ang pagmamalasakit ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga anak.
Isipin ang sumusunod na tatlong tanong habang binabasa mo ang 2 Nephi 26:12–13, 23–33:
-
Paano tinitingnan ng Diyos ang Kanyang mga anak at ano ang nadarama Niya para sa kanila?
-
Paano Niya ito ipinapakita?
-
Paano Niya ninanais na tingnan at pakitunguhan natin ang ating kapwa?
Pansinin na sa 2 Nephi 26:33, binigyang-diin ni Nephi ang maraming iba’t ibang uri ng mga indibiduwal sa pamamagitan ng pagpares sa kanila sa ibang grupo. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na kahulugan upang mas maunawaan ang mga ito. Maaari mong isulat ang mga kahulugang ito sa iyong banal na kasulatan sa tabi ng talatang ito.
-
Alipin: Isang alila.
-
Di binyagan: Isang taong hindi naniniwala sa Diyos.
-
Judio at Gentil: Isang pariralang tumutukoy sa lahat ng nabibilang sa sambahayan ni Israel at sa mga taong hindi nabibilang.
-
Ano ang maaaring maging kaibhan kung tatanggapin at ipamumuhay ng mundo ang mga turo sa talata 33?
Pagnilayan sandali ang iyong pananaw, pati na ang nadarama at pakikitungo mo sa iyong kapwa, kumpara sa pananaw ng Diyos at sa nadarama at pakikitungo Niya sa mga tao.
ChurchofJesusChrist.org
Sa susunod na ilang araw, subukang pansinin kung paano mo tinitingnan, pinakikitunguhan ang iyong kapwa, at ano ang nadarama mo sa kanila. Pakinggan ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo at humingi ng tulong sa Panginoon na magawa ang anumang kinakailangang pagbabago upang mas mahalin at pakitunguhan ang ating kapwa tulad ng ginagawa ng Diyos.