Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33: “Pantay-pantay ang Lahat sa Diyos”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33: ‘Pantay-pantay ang Lahat sa Diyos,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33

“Pantay-pantay ang Lahat sa Diyos”

grupo ng mga tao

Sa iyong pag-aaral ng 2 Nephi 26, nalaman mo na “pantay-pantay ang lahat sa Diyos” (talata 33) at inaanyayahan ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak na lumapit sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 26:33, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

Ipaliwanag at isaulo

Basahin ang 2 Nephi 26:33 at rebyuhin ang doktrinang natutuhan mo sa nakaraang lesson na pantay-pantay ang lahat sa Diyos.

  • Ano ang mga sitwasyon kung saan makatutulong ang doktrina sa talatang ito? Ipaliwanag kung paano.

Isulat ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito para sa 2 Nephi 26:33, “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos,” sa iyong study journal. Ulitin ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala nito nang ilang beses (nang malakas o sa pamamagitan ng pagsusulat) hanggang sa maisaulo mo ito.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Pag-aralan ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na itinuro sa mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

Ang sumusunod na salaysay, na hango sa artikulong “I Will Take It in Faith [Tatanggapin Ko Po Ito Nang May Pananampalataya]” ni Elizabeth Maki (history.ChurchofJesusChrist.org), ay tungkol sa isang lalaking naapektuhan ng restriksyon sa priesthood. Upang malaman ang tungkol sa restriksyon sa priesthood, tingnan ang heading ng Opisyal na Pahayag 2 sa katapusan ng Doktrina at mga Tipan.

Habang binabasa mo ang kuwento ni Brother Rickford, maghanap ng partikular na katibayan ng bawat isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanyang buhay.

Kuwento ni George Rickford

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser—Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33: “Pantay-pantay ang Lahat sa Diyos”

Noong 1969, si George Rickford, isang young adult na nakatira sa Leicester, England, ay may nakilalang mga missionary mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong una ay tinanggihan ni George ang kanilang mensahe, ngunit kalaunan ay nagsimula siyang makipagkita sa mga missionary. Pagkaraan ng tatlong buwan ng matinding pagsisiyasat, nagising si George isang umaga na may matibay na paniniwala na totoo ang Simbahan.

Sabik si George na ibahagi ang kanyang bagong patotoo sa mga elder. Bago niya ito nagawa, ipinabatid nila sa kanya na hindi siya kwalipikadong tumanggap ng priesthood bilang miyembro ng Simbahan dahil sa kanyang magkahalong lahi, na kinabibilangan ng mga ninunong itim na African.

Isang araw, ikinuwento ni George sa isang malapit na kaibigan ang tungkol sa kanyang mga karanasan sa mga missionary at sinimulan niyang ituro sa kanyang kaibigan ang tungkol kay Propetang Joseph Smith. Paggunita niya, “Habang ikinukuwento ko iyon, naging mas masaya ako at may kung anong [pumuspos] sa akin at talagang napasigla ako.”

Pinagtibay ng karanasang iyon ang patotoo ni George, ngunit naroon pa rin ang alalahanin niya tungkol sa restriksyon sa priesthood. Nang manalangin siya para sa mas malalim na pag-unawa, natanggap niya ang mensaheng ito: “Hindi mo kailangang maunawaan ang lahat ng bagay tungkol sa aking ebanghelyo bago mo tanggapin ito. Bakit hindi mo ipakita ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pagtanggap sa iyong narinig at ipaubaya ang iba sa aking mga kamay?”

Napanatag dahil sa mensaheng ito, mapanalanging tumugon si George, “Opo, Panginoon, gagawin ko po. Tatanggapin ko po ito nang may pananampalataya. At siya nga po pala, maraming salamat po.” Pagkaraan ng dalawang buwan, si George ay nabinyagan at naging tapat na miyembro ng Simbahan.

Noong 1975, tatlong taon bago ang paghahayag tungkol sa priesthood, ipinahayag ni George ang kanyang paniniwala sa isang makatarungang Diyos, at isinulat niya na tinanggap niya ang restriksyon “nang may pananampalataya, nang walang anumang pasubali.” Sinabi pa niya, “Nagpapasalamat talaga ako na narito na muli sa mundo ang priesthood ng Panginoon, kasama ang lahat ng mga pagpapala, awtoridad, at responsibilidad na kalakip nito. Hindi gaanong mahalaga sa akin kung sino ang maytaglay nito o wala nito dahil ang mas mahalaga ay kung paano ito ginagamit.”

Noong 1978, nalaman ni George ang tungkol sa paghahayag na nagbibigay ng priesthood sa lahat ng karapat-dapat na kalalakihan (tingnan sa Opisyal na Pahayag 2).

“Nang makauwi na si George, buong magdamag silang nag-usap ni June [kanyang asawa] tungkol sa kung ano ang magiging kahulugan ng balitang iyon para sa kanilang pamilya. Napakalaki ng pagbabagong iyon. Kinaumagahan, inorden si George Rickford bilang priest sa Aaronic Priesthood. Pagkaraan ng dalawang buwan, naorden siya sa Pitumpu at naging senior na miyembro ng korum ng Pitumpu ng stake. At pagkaraan ng dalawang buwan, sina George at June Rickford ay ibinuklod sa London England Temple, pati na rin sa kanilang apat na anak” (“Tatanggapin Ko Po Ito Nang May Pananampalataya”).

  • Sa iyong palagay, ano kaya ang nadama ni George nang marinig niyang hindi siya kwalipikadong tumanggap ng priesthood?

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Kumilos nang may pananampalataya

  • Sa anong mga paraan kumilos si Brother Rickford nang may pananampalataya? Paano ito nakatulong sa kanya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Paano nakatulong ang sagot ng Ama sa Langit sa panalangin ni Brother Rickford upang makita niya ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw? Paano ito nakatulong kay Brother Rickford na sundin ang Panginoon?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Sa anong mga paraan naging source ang Espiritu Santo na tumutulong kay Brother Rickford?

  • Anong iba pang sources na itinalaga ng Diyos sa ating panahon ang maaaring makatulong sa isang taong may mga tanong tungkol sa restriksyon sa priesthood? Paano makatutulong sa kanya ang Opisyal na Pahayag 2 at 2 Nephi 26:33?

Para sa karagdagang impormasyon upang makatulong sa mga tanong tungkol sa restriksyon sa priesthood, sumangguni sa bahaging “Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” sa katapusan ng lesson na ito.