Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 28:30—“Taludtod sa Taludtod, ng Tuntunin sa Tuntunin”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 28:30—‘Taludtod sa Taludtod, ng Tuntunin sa Tuntunin,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 28:30,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 28:30

“Taludtod sa Taludtod, ng Tuntunin sa Tuntunin”

kabataang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Sa nakaraang lesson, “2 Nephi 28:27–32,” napag-aralan mo ang 2 Nephi 28:30 at natutuhan mo na inihahayag ng Diyos ang katotohanan nang taludtod sa taludtod sa mga taong handang tanggapin ito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 28:30, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.

Isaulo at ipaliwanag

Upang matulungan kang maisaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 28:30, gumuhit ng apat na hanay ng pahalang na linya sa iyong study journal na mukhang hagdanan.

mga hiwa-hiwalay na linya

Ngayon, isulat ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at reperensya nito sa mga linyang iyon sa sumusunod na paraan:

mga hiwa-hiwalay na linya na may teksto

Isipin kung paano maipapaalala sa iyo ng mga hagdanan kung paano tayo tinuturuan ng Diyos nang “taludtod sa taludtod.”

Ulitin ang reperensyang ito at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan na ito hanggang sa mabigkas mo ang mga ito nang walang kopya.

Sa nakaraang lesson na “2 Nephi 28:27–32,” natutuhan mo na inihahayag ng Diyos ang katotohanan nang taludtod sa taludtod sa mga taong tatanggap nito. Upang matulungan kang maghandang ipaliwanag ang katotohanang ito, pagnilayan ang mga sumusunod na tanong at pagkatapos ay kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad sa pagsusulat:

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “taludtod sa taludtod”?

  • Sa iyong palagay, paano tayo inihahanda ng pagtanggap ng katotohanang ibinigay na sa atin ng Diyos upang makatanggap pa tayo ng katotohanan?

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

    Pumili ng isa sa mga sitwasyong ito kung saan maaaring kailanganin ng isang tao ng tulong mula sa Diyos:

    1. Nangangailangan ng payo tungkol sa isang hamon na kinakaharap nila.

    2. Nagnanais magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa Tagapagligtas.

    3. Nagnanais na maunawaan ang kanilang patriarchal blessing.

    Magsulat ng maikling paliwanag tungkol sa natutuhan mo mula sa 2 Nephi 28:30 na makatutulong sa sitwasyong pinili mo.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Mag-isip ng dalawa hanggang tatlong salita o parirala na sa palagay mo ay pinakamahusay na naglalarawan ng natutuhan natin mula sa bawat isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Bakit mo pinili ang mga salitang iyon?

Rebyuhin ang mga talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) kung kinakailangan.

Basahin ang sumusunod na dalawang sitwasyon tungkol sa mga kabataan mula sa iisang ward na dumalo sa isang pulong sa pag-aayuno at pagpapatotoo. Ang bawat isa ay may iba’t ibang saloobin sa pagpupulong.

  1. Nagsimulang mag-isip si Thomas kung ano ang mali sa kanya. Naniniwala siya sa Diyos at naniniwala siya na totoo Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ngunit pakiramdam niya ay mahina ang kanyang patotoo kumpara sa iba pang mga miyembro ng ward. Iniisip niya kung posible pang malaman niya ang lahat ng bagay na pinapatotohanan ng iba.

  2. Sa kalagitnaan ng pulong, huminto si Liz sa pagtutuon ng pansin sa mga patotoo. Iniisip niya, “Narinig ko na ang lahat ng sinasabi nila, at alam ko nang totoo ang lahat ng ito.” Hindi rin niya gaanong hinangad na basahin ang mga banal na kasulatan at dumalo sa seminary dahil pakiramdam niya ay sapat na ang kanyang patotoo.

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad, at pumili ng isa sa mga binanggit na sitwasyon na pagtutuunan ng pansin:

    Ilarawan kung paano mo gagamitin ang bawat isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang tulungan si Thomas o Liz sa kanilang sitwasyon. Kung kinakailangan, ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang maibabahagi mo mula sa talatang ito upang matulungan si Thomas o Liz na kumilos nang may pananampalataya?

  • Paano makatutulong kay Thomas o Liz ang mga katotohanan mula sa 2 Nephi 28:30 sa pagkilos nila nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Gamit ang natutuhan mo mula sa 2 Nephi 28:30, ano ang maibabahagi mo upang matulungan si Thomas o Liz na makita ang kanilang sitwasyon nang higit na katulad ng nakikita ng Panginoon?

  • Ano pang mga katotohanan ang maibabahagi mo upang matulungan silang makita ang kanilang mga alalahanin nang may walang-hanggang pananaw?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Diyos na makatutulong sa kanila na makita ang kanilang sarili tulad ng kung paano Niya sila nakikita?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Bakit makatutulong kay Thomas o Liz na kausapin ang kanilang mga magulang o lider ng simbahan tungkol sa kanilang mga saloobin?

  • Anong mga talata o kuwento sa banal na kasulatan ang maiisip mo na makatutulong sa kanila?