Seminary
2 Nephi 29: Tatanggap pa ng Karagdagang Salita ng Diyos


“2 Nephi 29: Tatanggap pa ng Karagdagang Salita ng Diyos,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 29,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 29

Tatanggap pa ng Karagdagang Salita ng Diyos

kabataang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Maraming tao ang naniniwala na ang Biblia ay salita ng Diyos. Gayunpaman, hindi lahat sa kanila ay handang tumanggap ng salita ng Diyos nang higit pa sa natanggap na nila. Ipinropesiya ni Nephi na sa mga huling araw, tatanggihan ng maraming tao ang Aklat ni Mormon dahil mayroon na silang Biblia. Nais ng Panginoon na malaman natin na ang Kanyang ebanghelyo ay para sa lahat ng tao at ang Kanyang salita ay hindi limitado sa Biblia. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maging mas handang tanggapin ang salita ng Panginoon sa iyong buhay.

Maging handang tumanggap ng higit na pag-unawa

Ipagpalagay na si Oliver, sa edad na 15, ay nagpasiya na ang kakailanganin lamang niya ay ang lahat ng impormasyon at teknolohiya na makukuha niya sa panahong iyon.

  • Ano ang hindi malalaman ni Oliver kung ipinasiya niya ito noong taong 1950? Anong impormasyon o teknolohiya ang naging available mula noon?

  • Paano nauugnay ang sitwasyong ito sa pag-aaral ng mga espirituwal na katotohanan?

Habang binabasa mo ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, isipin kung ano ang maaaring maging kahulugan nito para sa iyo.

Napakarami pang bagay na nais ng Ama sa Langit na malaman ninyo. Tulad ng itinuro ni Elder Neal A. Maxwell, “Sa mga may matang nakakakita at mga taingang nakaririnig, malinaw na ibinibigay ng Ama ang mga lihim ng sansinukob!” [“Meek and Lowly” (Brigham Young University devotional, Okt. 21, 1986), 9, speeches.byu.edu]. (Russell M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 95)

Ang Hangarin Kong Matuto ng mga Espirituwal na Katotohanan mula sa Diyos

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser—2 Nephi 29: Tatanggap pa ng Karagdagang Salita ng Diyos

Pagnilayan sandali ang iyong saloobin tungkol sa pagtanggap ng mga espirituwal na katotohanan mula sa Diyos. Sikaping makita kung ano ang nagagawa mo nang mabuti at kung saan ka pa maaaring umunlad.

  • Bihira: 1

  • Minsan: 2

  • Madalas: 3

  • Palagi: 4

Pinahahalagahan at pinag-aaralan ko ang Biblia at ang Aklat ni Mormon.

Naghahanap ako ng mga sagot sa aking mga tanong sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Hinahangad kong matuto mula sa Diyos at matutuhan ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan.

Hinahangad at sinusunod ko ang personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo.

Pinag-aaralan ko ang mga salitang binigkas sa pangkalahatang kumperensya upang malaman kung ano ang nais ng Diyos na malaman ko.

Sa pag-aaral mo ngayon, alamin kung ano ang magagawa mo upang patuloy na matutuhan ang lahat ng nais ng Diyos na ituro sa iyo.

Iba’t ibang saloobin sa pagtanggap ng salita ng Diyos

Sa 2 Nephi 28–29, nagpropesiya si Nephi tungkol sa saloobin ng ilang tao sa mga huling araw tungkol sa pagtanggap pa ng karagdagang salita ng Diyos. Basahin ang 2 Nephi 28:29 at 2 Nephi 29:3, at alamin ang itinuro ni Nephi at ng Panginoon tungkol sa magiging reaksyon ng ilang tao sa pagtanggap ng karagdagang banal na kasulatan sa mga huling araw.

  • Ano ang nalaman mo?

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit maaaring ganito ang magiging pananaw ng mga tao?

Kumuha ng basong walang laman at pag-isipan kung saan ito magagamit. Ngayo’y itaob ito. Magagamit pa rin ba ito sa paraang dapat itong gamitin? Ihambing ito sa Aklat ni Mormon at sa potensyal na impluwensya nito sa buhay ng isang tao.

  • Sa iyong palagay, anong kaalaman at mga pagpapala ang nais ng Diyos na matanggap natin sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon?

Basahin ang 2 Nephi 29:7–11, at alamin ang nais ni Jesucristo na malaman ng mga taong tumatanggi sa Aklat ni Mormon.

  • Ano ang isang katotohanang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga talatang ito?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay naaalala ng Diyos ang lahat ng tao at kinakausap Niya sila sa lahat ng bansa.

  • Ano ang ilan sa iba’t ibang paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa Kanyang mga anak sa lahat ng bansa?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo na maunawaan na naaalala at kinakausap ka ng Diyos?

ChurchofJesusChrist.org

5:15
icon, isulat
  1. Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Ilista ang lahat ng paraan na ibinigay ng Diyos sa iyo ang Kanyang salita.

  2. Pagnilayan kung gaano ka kahandang tanggapin ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng bawat isa sa mga paraang ito. (Maaari kang gumuhit ng isang simpleng baso sa tabi ng bawat paraan na sa iyong palagay ay pinakahanda kang pakinggan ang Panginoon.)

  3. Magsulat ng isa o mahigit pang pagbabago na magagawa mo upang maging mas handang tanggapin ang salita ng Diyos sa higit pa sa mga paraang ito.