Seminary
2 Nephi 31:1–13: “Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay”


“2 Nephi 31:1–13: ‘Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 31:1–13,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 31:1–13

“Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay”

Binibinyagan ni Juan si Jesucristo

Ano ang ilang paraan na matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas? Itinuro ni Nephi na ang pagsunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo ay kinakailangan upang maligtas sa kaharian ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan at maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag at ng mga pagpapalang nagmumula rito.

Pagsunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag

Ipagpalagay na tinuturuan ang kaibigan mong si Ada ng mga missionary ng Simbahan at talagang nasisiyahan siya sa karanasang iyon. Binabasa niya ang Aklat ni Mormon at nasisiyahan sa natututuhan niya. Inanyayahan siya kamakailan ng mga missionary na magpabinyag. Kinabukasan matapos ang paanyaya, ikinuwento sa iyo ni Ada ang tungkol dito at sinabi niyang, “Gusto kong magpabinyag, pero iniisip ko kung bakit napakahalaga nito kung sinisikap ko namang maging mabuting tao. Ano ang napakahalaga tungkol sa binyag?”

  • Sa palagay mo ba ay masasagot mo ang tanong ni Ada sa paraang makatutulong sa kanya na maunawaan ang kahalagahan ng binyag? Bakit oo o bakit hindi?

Sa pag-aaral mo ngayon, hanapin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan pa ang tungkol sa Tagapagligtas at kung bakit napakahalagang sundin ang Kanyang halimbawa ng pagpapabinyag. Pagnilayan kung paano ito nakaapekto sa iyong buhay at sa mga kakilala mo. Sa katapusan ng lesson, magkakaroon ka ng pagkakataong sagutin ang mahalagang tanong ni Ada.

Habang papalapit si Nephi sa pagtatapos ng kanyang mga isinusulat sa maliliit na lamina, ninais niyang magsalita tungkol sa “doktrina ni Cristo.” Maaari mong markahan ang pariralang ito sa 2 Nephi 31:2 at 2 Nephi 31:21.

Ang binyag ay mahalagang bahagi ng doktrina ni Cristo.

  • Ano ang alam mo tungkol sa pagbibinyag sa Tagapagligtas?

Kung makatutulong ang pag-aaral ng tungkol sa binyag ng Tagapagligtas, maaari mong gawin ang sumusunod:

  • Basahin ang Mateo 3:13–17.

  • ChurchofJesusChrist.org

    2:54
  • ChurchofJesusChrist.org

    3:13

Si Jesucristo ay walang kasalanan, subalit Siya ay bininyagan. Basahin ang 2 Nephi 31:5–11 at alamin kung bakit bininyagan ang Tagapagligtas at kung ano ang natututuhan natin tungkol sa Kanya.

  • Ano ang nalaman mo?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sundin ang Tagapagligtas “nang may buong layunin ng puso, [at] nang walang pagkukunwari” (2 Nephi 31:13)?

  • Anong mga pagpapala ang ibinibigay ng Ama sa Langit sa mga taong taos-pusong sumusunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpapabinyag?

  • Paano napagpala ng paggabay ng Espiritu Santo ang buhay mo?

  • Ano pa ang nalaman mo?

  • Ano ang pinakanapansin mo mula sa talata 5?

  • Ano ang pinatotohanan ni Jesus, o ipinangako Niyang gagawin Niya kaya Siya nagpabinyag? (tingnan sa 2 Nephi 31:7).

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas sa mga kautusan ng Ama at sa atin?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na maghihikayat sa iyong tularan ang Kanyang halimbawa?

ChurchofJesusChrist.org

3:13

Ipinagpatuloy ni Nephi sa kanyang talaan ang pagpapatotoo sa mga pagpapala ng pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpapabinyag. Upang matulungan kang matuklasan ang mga pagpapalang ito, basahin ang 2 Nephi 31:12–13, 17. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa binyag, maaari mong pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod: Juan 3:3, 5; Mga Gawa 2:38; Alma 7:14; 3 Nephi 11:33–34, 37.

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

    Batay sa natutuhan mo, sumulat ng isang talata kay Ada. Tulungan siyang maunawaan ang tungkol sa binyag at kung bakit maaari niyang tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at magpabinyag tulad Niya. Isama ang sumusunod:

  • kahit dalawang banal na kasulatan na sa palagay mo ay makatutulong sa kanya

  • kung paano tayo mas inilalapit ng binyag sa Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas

  • ang iyong mga personal na saloobin, karanasan, o patotoo tungkol sa binyag at sa paggabay ng Espiritu Santo

Upang tapusin ang lesson na ito, pag-isipan ang napag-aralan mo ngayon. Ano ang nadarama mo tungkol sa iyong pagpapabinyag? Ano ang maaari mong gawin upang patuloy na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas? Paano mo matutulungan ang iba na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at magpabinyag? Maaari mong isulat ang mga ideya mo sa iyong study journal.