“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3—‘Magpakabusog Kayo sa mga Salita ni Cristo; sapagkat Masdan, ang mga Salita ni Cristo ang Magsasabi sa Inyo ng Lahat ng Bagay na Dapat Ninyong Gawin,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3
“Magpakabusog Kayo sa mga Salita ni Cristo; sapagkat Masdan, ang mga Salita ni Cristo ang Magsasabi sa Inyo ng Lahat ng Bagay na Dapat Ninyong Gawin”
Sa nakaraang lesson, “2 Nephi 32:1–7,” natutuhan mo ang kahalagahan ng pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala para sa 2 Nephi 32:3, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Ipaliwanag at isaulo
Ipagpalagay na hiniling sa iyong magbigay ng maikling pahayag sa debosyonal sa seminary tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Basahin ang 2 Nephi 32:3 at alalahanin ang alituntunin na kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Jesucristo, sasabihin sa atin ng mga ito ang lahat ng bagay na dapat nating gawin.
-
Paano mo magagamit ang natutuhan mo sa nakaraang lesson, at ang iyong personal na karanasan, upang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo”? (2 Nephi 32:3).
-
Anong kaibhan ang magagawa ng pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo sa buhay ng mga kabataan?
Upang matulungan kang maisaulo at maipamuhay ang scripture passage na ito, magdrowing ng table setting o pinggan at kutsara at tinidor na nakaayos na sa isang papel. Maaaring katulad ito ng larawan sa ibaba. Maaari ka ring magdrowing ng mga larawan ng pagkain o mga banal na kasulatan sa pinggan. Isulat ang pariralang “2 Nephi 32:3—Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo, sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin” sa isang bahagi ng iyong pahina. Basahin ang pariralang ito nang maraming beses hanggang sa maisaulo mo ito. Maaari mong i-post ang idinrowing mo sa isang lugar sa iyong tahanan o sa refrigerator kung saan mababasa mo ito tuwing kakain ka.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Ang pag-unawa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay tutulong sa iyo sa sumusunod na aktibidad. Maglaan ng ilang minuto upang pag-aralan ang mga alituntuning ito sa mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng isa sa mga alituntunin na pag-aaralan nang mas mabuti.
Ipagpalagay na pagkatapos ng isang lesson sa seminary tungkol sa kahalagahan ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, sinabi sa iyo ng kaibigan mo, “Alam ko na ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay isang mabuting gawain, pero sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon, wala akong oras, lalo na kung araw-araw.”
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Ipagpalagay na matapos talakayin ang isang walang-hanggang pananaw, sinabi ng kaibigan mo, “Salamat. Nakatulong iyon nang kaunti. Pero sa palagay ko ay mahihirapan pa rin akong maglaan ng oras araw-araw upang pag-aralan ang mga banal na kasulatan.”
Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ang Doktrina at mga Tipan 26:1 pati na rin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Huwag magpadala sa kasinungalingan ni Satanas na wala kayong oras na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Magpasiyang gumugol ng oras na pag-aralan ito. Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos bawat araw ay mas mahalaga kaysa pagtulog, pag-aaral, pagtatrabaho, mga palabas sa telebisyon, video games, o social media. Maaari ninyong kailanganin na muling ayusin reorganize ang inyong mga prayoridad para makapaglaan ng oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Kung gayon, gawin ito! (Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 93)
-
Paano makatutulong ang mga turong ito?
Kumilos nang may pananampalataya
Ipagpalagay na maganda ang reaksyon ng kaibigan mo sa ibinahagi mo, ngunit alam mo na hindi niya talaga malulutas ang kanyang alalahanin hangga’t hindi siya kumikilos nang may pananampalataya, at nagtitiwala sa Panginoon.
Maglaan ng oras upang pag-isipan ang mga personal na karanasan mo sa mga salita ni Cristo at ang nalalaman mo tungkol sa Tagapagligtas na maaaring maghikayat sa iyong kaibigan na magpakabusog sa Kanyang mga salita araw-araw.