Isa sa mga pinakamahalagang kautusan sa atin ay manalangin sa Ama sa Langit. Ngunit maraming bagay ang maaaring makahadlang sa ating pagdarasal. Ipinaalala ni Nephi sa mga tao ang kahalagahan ng panalangin at ang mga pagpapalang nagmumula sa palagiang pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring makipag-ugnayan sa iyong Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.
Kailan ka nagdarasal?
Mag-isip ng maraming paraan na makukumpleto mo nang tumpak ang sumusunod na pahayag: Nagdarasal ako kapag …
ChurchofJesusChrist.org
2:3
Pag-isipan sandali kung gaano ka kadalas manalangin sa Ama sa Langit at kung bakit ka nagdarasal. Sa iyong patuloy na pag-aaral, isipin kung paano ka napagpala ng Ama sa Langit dahil sa iyong mga panalangin, pati na rin ang anumang mga paraan kung paano Niya nais na pagbutihin mo pa ang pakikipag-ugnayan mo sa Kanya.
Mga turo ni Nephi tungkol sa panalangin
Matapos turuan ni Nephi ang kanyang mga tao na manatili sa makipot at makitid na landas patungo sa buhay na walang hanggan at magpakabusog sa mga salita ni Cristo (tingnan sa 2 Nephi 31:19–20; 32:1–3), itinuro niya kung paano nila malalaman ang katotohanan ng Kanyang mga salita.
Ano ang ilang bagay na hindi handang gawin ng mga tao ni Nephi?
Sa palagay mo, bakit ikalulungkot ito ni Nephi?
Pagkatapos ay patuloy na nagturo si Nephi tungkol sa kahalagahan ng panalangin.
Basahin ang 2 Nephi 32:8–9, at alamin kung ano ang itinuro ni Nephi tungkol sa panalangin.
Anong mga katotohanan ang nahanap mo?
Kabilang sa ilan sa mga katotohanang itinuro ni Nephi:
Kung palagi tayong mananalangin, ilalaan ng Diyos ang ating pagganap para sa kapakanan ng ating mga kaluluwa.
Nais ng Ama sa Langit na manalangin tayo.
Ayaw ni Satanas na manalangin tayo.
Kinakailangan tayong laging manalangin.
Pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit
Ang gusto kong maalala
Pagnilayan ang natutuhan mo ngayon. Maaari mong isulat kung ano ang gusto mong maalala o gawin dahil dito. Halimbawa, maaari mong dalasan ang iyong pagdarasal, sikaping maunawaan kung paano ka pagpapalain ng Panginoon kapag nagdasal at kumilos ka, o sikaping mapaglabanan ang anumang tuksong nadarama mo na huwag manalangin.