Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:8–9—“Kinakailangan Kayong Laging Manalangin”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:8–9—‘Kinakailangan Kayong Laging Manalangin,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:8–9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:8–9

“Kinakailangan Kayong Laging Manalangin”

mga kabataang nagdarasal

Sa isang nakaraang lesson, ang “2 Nephi 32:8–9,” natutuhan mo na kung lagi tayong mananalangin, ilalaan ng Ama sa Langit ang ating pagganap para sa kapakanan ng ating mga kaluluwa. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa 2 Nephi 32:8–9, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.

Ipaliwanag at isaulo

Pagbalik-aralan ang doctrinal mastery scripture reference na “2 Nephi 32:8–9” at ang mahalagang parirala sa banal na kasulatan na “Kinakailangan kayong laging manalangin.” Gumawa ng maikling kuwento upang maiugnay ang bawat isa sa mga numero sa scripture reference sa mahalagang parirala—halimbawa, “Nanalangin si Addi nang 32 oras sa isang araw.” Ayos lang kung hindi makatuwiran ang mabubuo mo. Ang punto ay tulungan kang iugnay ang reference sa mahalagang parirala sa banal na kasulatan.

icon, tala
  1. Gawin ang sumusunod:

    Isipin kunwari na kausap mo ang isang kaibigan na hindi nadarama na karapat-dapat siyang manalangin. Gumamit ng mga parirala mula sa 2 Nephi 32:8–9 upang matulungan siyang maunawaan kung bakit kailangan nating laging manalangin. Isama sa iyong paliwanag kung ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng laging manalangin.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

icon, tala
  1. Pumili ng isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Isulat ang lahat ng natatandaan mo tungkol sa alituntunin. Kapag tapos ka na, ikumpara ang isinulat mo sa kaukulang bahagi mula sa talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Tingnan kung may anumang bagay na gusto mong idagdag sa isinulat mo.

icon, tala
  1. Isipin ang mga posibleng tanong o alalahanin mo o ng ibang tao tungkol sa pagdarasal. (Upang makaisip ng mga posibleng tanong o alalahanin, maaari mong itanong sa iyong sarili, “Ano ang ilang dahilan kung bakit hindi nagdarasal ang mga tao?” o “Paano magagawang mas makabuluhan ng isang tao ang kanilang mga panalangin?”) Pumili ng isang tanong o alalahanin na gusto mong pagtuunan, at isulat ito. Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang tulungan ang isang tao sa tanong o alalahaning iyon, at isulat kung paano makatutulong sa kanila ang bawat alituntunin. Maaari mong gamitin ang sumusunod bilang gabay.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Anong mga source na itinalaga ng Diyos ang gagamitin mo upang tumugon?

Gumamit ng source na itinalaga ng Diyos upang matulungan kang maghanda ng sagot. Maaari kang magpadala ng mensahe sa isang magulang o lider ng Simbahan na humihingi ng tulong sa mga posibleng sagot. Maaari mo ring saliksikin ang mga banal na kasulatan o mga materyal sa ChurchofJesusChrist.org. Para sa ilang alalahanin, ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Brigham Young (1801–1877) ay maaaring makatulong:

Hindi mahalaga kung nais ninyo o nais kong manalangin, kapag dumating ang oras ng pananalangin, manalangin kayo. Kung hindi natin nais na manalangin, dapat tayong manalangin hanggang sa naisin natin ito. (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Brigham Young [1997], 45)

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na nauugnay sa tanong o alalahaning ito?

  • Anong mga walang-hanggang katotohanan mula sa 2 Nephi 32:8–9 ang makatutulong sa isang tao sa tanong o alalahaning ito?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang imumungkahi mong dapat gawin ng taong ito upang makakilos siya nang may pananampalataya kay Jesucristo? Bakit?

  • Ano ang aanyayahan mong alalahanin ng taong ito na makatutulong sa kanya na kumilos nang may pananampalataya?