Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 5: Mosias 18–Alma 16


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 5: Mosias 18–Alma 16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

I-assess ang Iyong Pagkatuto 5

Mosias 18Alma 16

kabataang nagha-hiking

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

Isipin ang progresong nagawa habang nakatuon sa kinakailangang gawin

kabataang nagha-hiking

Isipin ang isang pagkakataon na ikaw ay nag-hiking, nagbisikleta, o naglakbay sa malayo. Habang nakatingin ka sa unahan at nagsisimula nang maglakbay, maaaring madama mo na hindi ka gaanong nakakalayo. Ano ang mangyayari kapag naglaan ka ng sandali na lumingon sa pinanggalingan mo? Malamang na mapapansin mo na mas malayo na pala ang nilakbay mo kaysa sa inakala mo.

  • Ano ang kapakinabangan na alam mo kung saan ka nanggaling at kung saan ka pupunta?

Ang ating buhay ay maihahambing sa isang paglalakbay. Ang pagninilay kung saan ka nanggaling at saan ka patungo sa isang paglalakbay ay maaaring maging katulad ng paminsan-minsang pagninilay tungkol sa mga mithiin mo para sa iyong personal na pag-unlad.

  • Paano ka nakinabang sa paglalaan ng panahon na suriin ang iyong mga mithiin at progreso?

Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na suriin ang naging progreso mo sa iyong paglalakbay bilang disipulo ni Jesucristo. Hingin ang inspirasyon ng Espiritu Santo habang pinagninilayan mo ang iyong progreso.

Pagiging disipulo ni Jesucristo

stick figure sa landas
icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal:

    Magdrowing ng landas na kumakatawan sa landas ng tipan at sa iyong paglalakbay bilang disipulo ni Jesucristo. Isama ang kahariang selestiyal sa dulo ng landas. Idrowing ang sarili mo sa gitna ng landas.

    Rebyuhin ang napag-aralan mo sa Aklat ni Mormon at ang mga isinulat mo sa iyong study journal para matulungan kang maalala ang natutuhan mo. Sa likod ng drowing ng sarili mo, isulat ang natutuhan mo sa iyong pag-aaral ng unang kalahati ng Aklat ni Mormon na nakatulong sa iyo na maging disipulo ni Jesucristo. Maaari kang magsama ng kaalamang natamo mo, mga pag-uugali o hangarin na nataglay mo, o mga gawaing naisagawa mo.

    Tingnan muli ang larawan sa iyong study journal. Sa landas sa harap ng drowing na kumakatawan sa iyo, isulat ang mga bagay na gusto mong gawin o patuloy na gawin habang nagsisikap kang maging katulad ni Jesucristo.

    • Ano pa ang inaasam mong matutuhan habang pinag-aaralan mo ang susunod na kalahati ng Aklat ni Mormon?

    • Ano ang inaasam mong malaman, madama, o magawa sa katapusan ng taong ito bilang resulta ng pag-aaral mo ng pangalawang kalahati ng Aklat ni Mormon?

Maaari mong idispley ang iyong drowing sa lugar kung saan maipapaalala nito sa iyo na patuloy na magsikap na sundin si Jesucristo.

Nararanasan ang pagbabago ng puso

Kamakailan ay nabasa mo ang tungkol sa maraming tao na nakaranas ng pagbabago ng puso. Para sa ilan, tulad ng Nakababatang Alma at ng mga anak ni Mosias, ang pagbabago ay agaran at nakaaantig. Para sa iba, tulad ni Amulek at ng mga tao ni Limhi, ang pagbabago ng kanilang puso ay nangyari nang dahan-dahan.

Tinanong ni Alma ang mga tao ng Zarahemla, “Inyo bang naranasan ang malaking pagbabagong ito sa inyong mga puso?” (Alma 5:14). At kung gayon, “nadarama ba ninyo ang gayon ngayon?” (Alma 5:26). Pag-isipan ang progreso ng pagbabago ng sarili mong puso. Mahirap ba kung minsan na matukoy kung paano ka matutulungan ng Panginoon na magbago? Sa anong mga paraan mo nakita ang iyong sarili sa ilan sa mga salaysay na pinag-aralan mo?

Basahin ang Alma 5:14–19, 26–29, at mapanalanging pagnilayan ang mga tanong ni Alma.

Maaaring naitala mo na ang iyong mga sagot sa mga tanong ni Alma sa iyong study journal noong una mong pag-aralan ang mga talatang iyon. Ikumpara ang isinulat mo noon sa kung paano mo sasagutin ang mga tanong ngayon. Ano ang napansin mo? Ano sa palagay mo ang nais ng iyong Ama sa Langit na matukoy, madama, o gawin mo matapos ikumpara ang iyong mga sagot?

Maaari mong isulat ang iyong mga bagong sagot o ang nadarama mo tungkol sa iyong progreso.

Pagpapaliwanag ng doktrina ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

    Sumulat ng isang eksena o sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao ang pag-alam tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Halimbawa, isang dalagita ang nag-iisip kung mapapatawad siya, o nadarama ng isang binatilyo na nag-iisa siya sa kanyang mga pagsubok. O, sa halip na isang sitwasyon, maaari mong isulat ang tanong mo o ng ibang tao tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.

    Isipin ang natutuhan mo tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Aklat ni Mormon. Tingnan ang mga banal na kasulatan na minarkahan mo o ang mga isinulat mo sa iyong study journal. Maaaring nagmarka ka ng ilang banal na kasulatan o nagsulat ng mga tala mula sa iyong pag-aaral ng Mosias 26 o Alma 7 (tingnan din sa 2 Nephi 9; Mosias 14–16).

    Isulat ang sasabihin mo bilang sagot sa sitwasyon o tanong. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang pag-unawa sa doktrina ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa sitwasyon o pagsagot sa tanong. Subukang gumamit ng isa o mahigit pang scripture passage mula sa Aklat ni Mormon.