“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12: Unawain at Ipamuhay,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12
Unawain at Ipamuhay
Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na marebyu at magsanay na makaunawa at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo.
Pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage
Ipagpalagay na may pagkakataon kang kausapin ang isang taong nag-aakala na hindi niya nauunawaan ang mga banal na kasulatan at hindi sigurado kung gusto niya itong subukan.
-
Bakit mahalagang sikaping maunawaan ang mga banal na kasulatan?
-
Kung magpapayo ka kung ano ang magagawa ng isang tao para madagdagan ang kanyang pag-unawa, ano ang sasabihin mo?
Kabilang sa ilang paraan para palalimin ang iyong pag-unawa ay
-
paghahanap sa mga salitang hindi mo nauunawaan;
-
pagbabasa ng mga heading o talata ng kabanata bago o pagkatapos ng passage na pinag-aaralan mo para sa konteksto;
-
pagbabasa ng mga cross-reference sa mga footnote;
-
paghahanap sa mahahalagang salita sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan;
-
paghingi ng tulong sa magulang, titser, o lider ng Simbahan;
-
pagtukoy sa mga katotohanan tungkol kay Jesucristo; at
-
pag-iisip kung paano makatutulong sa iyo ang pamumuhay ayon sa mga katotohanang iyon upang mas mapalapit ka sa Tagapagligtas.
Pumili ng dalawang doctrinal mastery passage mula sa 1 Nephi hanggang Mosias na naghihikayat sa iyong matuto pa tungkol dito. Pagkatapos ay maglaan ng ilang minuto para basahin nang mabuti ang mga ito at gamitin ang isa sa mga kasanayang nakalista sa itaas para mapalalim ang iyong pag-unawa. Maaari mong subukan ang isa o dalawang kasanayan na hindi mo pa nasubukan noon.
Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Pagsasabuhay ng mga doctrinal mastery passage
Aktibidad A. Gumawa ng isang sitwasyon
-
Sa isang bahagi ng papel, sumulat ng isang tanong tungkol sa ebanghelyo na masasagot o isang sitwasyon na matutugunan gamit ang doctrinal mastery passage na ito.
-
Sa kabilang bahagi ng papel, isulat ang doctrinal mastery reference, mahalagang parirala, at maikling paliwanag kung paano ito makatutulong.
Aktibidad B. Gumawa ng outline ng video
Ipagpalagay na pinili ng inyong stake ang isa sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery bilang tema para sa youth conference. Hiniling nila sa iyo na magplano ng isang video upang ipakilala ang tema. Gumawa ng outline para sa isang video na kinabibilangan ng
-
mahalagang parirala at reperensya ng banal na kasulatan,
-
isang malikhaing paraan para ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng doctrinal mastery passage at ung bakit ito mahalaga sa kabataan, at
-
kung paano natin ito maipapamuhay at kung paano tayo nito matutulungang mas mapalapit sa Tagapagligtas. (Maaari kang magsama ng isang halimbawa o kuwento mula sa mga banal na kasulatan, pangkalahatang kumperensya, o sarili mong buhay.)