Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13: Hanapin at Markahan ang Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13: Hanapin at Markahan ang Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13

Hanapin at Markahan ang Alma 7:11–13 hanggang Moroni 10:4–5

dalagitang nagmamarka ng mga banal na kasulatan

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iyong pag-unawa sa mga katotohanan ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang mahanap ang 12 doctrinal mastery scripture passage sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon.

Mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipagpalagay na napansin ka ng iyong nakababatang kapatid na minamarkahan mo ang iyong mga banal na kasulatan habang nag-aaral ka. Matapos makita sa pahina ang lahat ng minarkahan mo, tinanong ka ng nakababata mong kapatid kung bakit mo minarkahan ang iyong mga banal na kasulatan.

  • Ano ang isasagot mo?

Gamitin ang sumusunod na chart para matulungan kang mahanap ang 12 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa pangalawang bahagi ng Aklat ni Mormon. Maaari mong markahan ang mga ito sa natatanging paraan para mas madali mong mahahanap ang mga ito sa hinaharap. Maaari mo ring markahan ang mga salita sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para mapansin ang mga ito.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay [ang] dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

icon, isulat
  1. Pumili ng tatlong doctrinal mastery passage na gusto mong matutuhan pa sa semester na ito. Basahin ang mga passage at isulat ang mga sumusunod:

    • Sa iyong palagay, bakit nais ng Tagapagligtas na maunawaan ng mga tao ngayon ang mga katotohanan sa mga passage na ito

    • Anumang tanong mo tungkol sa mga salita at parirala sa mga passage

Sa susunod na ilang araw, simulang isaulo ang ilang scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, at hanapin ang mga sagot sa anumang tanong mo tungkol sa itinuturo ng mga banal na kasulatang iyon. Maaari mong gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app para matulungan ka (kung kinakailangan).