Seminary
Alma 31:1–11: “Ang Bisa ng Salita ng Diyos”


“Alma 31:1–11: ‘Ang Bisa ng Salita ng Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 31:1–11,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 31:1–11

“Ang Bisa ng Salita ng Diyos”

mga missionary na nagtuturo mula sa mga banal na kasulatan

Anong mga uri ng mga bagay ang maaaring maging dahilan para madama mong malayo ka sa Tagapagligtas? Ano ang tumutulong sa iyo para madama mong mas malapit ka sa Kanya? Matapos marinig na ang mga Zoramita ay “nahulog sa malalaking kamalian” (Alma 31:9), gumawa si Alma ng mga plano na gamitin ang kapangyarihan ng salita ng Diyos upang anyayahan silang bumalik kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na umasa sa kapangyarihan ng salita ng Diyos para manatiling tapat kay Jesucristo.

Naliligaw

Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga natuklasan sa pagsasaliksik tungkol sa kung gaano kahirap maglakad nang diretso kapag wala tayong nakikitang mga tanda. Bagama’t inakala ng maraming tao sa research test na matagumpay sila, nakita sa mga resulta na “kung walang maaasahang mga tanda sa daan, naliligaw tayo” (Dieter F. Uchtdorf, “Araw-araw na Pagbabalik-loob,” Liahona, Nob. 2021, 77). Maaari mong panoorin ang video na “Araw-araw na Pagbabalik-loob” mula sa time code na 1:40 hanggang 3:25, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, at isipin kung paano ito maaaring espirituwal na nauugnay sa ating buhay.

13:43
  • Paano ito maaaring espirituwal na nauugnay sa atin?

Sa Alma 31–35, malalaman mo ang tungkol sa mga Zoramita na minsang naniwala kay Jesucristo ngunit lumayo sa kanilang pananampalataya. Bago mo simulan ang iyong pag-aaral sa Alma 31, pagnilayan kung paano lumakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo.

  • Kung mananatili ka sa iyong kasalukuyang landas, ikaw ba ay patungo kay Cristo o palayo sa Kanya?

Ang mithiin ni Alma

Sa Alma 31:1–11, nalaman natin ang tungkol sa mga Zoramita at mga pagsisikap ni Alma na anyayahan silang bumalik sa Panginoon. Ang sumusunod na graphic ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano tinangka ni Alma na mabawi ang mga Zoramita.

icon, isulatKopyahin ang sumusunod sa iyong study journal.

Basahin ang Alma 31:1–4, 8–11, at alamin kung paano at bakit nagsimulang maligaw ang mga Zoramita. Isulat ang nakita mo sa bahaging “Problema.”

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Sa anong mga paraan naligaw ang mga Zoramita? Anong mga problema ang idinulot nito?

    • Anong mga katulad na gawain ang maaaring maging sanhi ng pagkaligaw ng mga tao ngayon?

    Basahin ang Alma 31:34, at alamin ang mithiin at mga inaasam ni Alma para sa mga Zoramita. Maaari mo itong isulat sa bahaging “Mithiin.”

    • Kung iisipin ang mithiin ni Alma at ang kanyang damdamin na nabasa mo sa Alma 31:1–2, ano sa palagay mo ang naghikayat kay Alma? Bakit kaya ito mahalaga?

Basahin ang Alma 31:5–7, 11, at markahan ang mga salita o parirala na naglalarawan sa plano ni Alma para maisakatuparan ang kanyang mithiin. Maaari mong isulat na sa talata 5, ang salitang bisa o “virtue” ay mula sa salitang Latin na virtus, na ang ibig sabihin ay lakas o kapangyarihan (tingnan sa Godpel Topics, “Virtue”).

icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit tatlo sa sumusunod na limang naka-bullet na tanong:

    • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “subukan ang bisa ng salita ng Diyos”? Saan mo makikita ang salita ng Diyos? (Maaari mong basahin at i-cross-reference ang Doktrina at mga Tipan 18:2–4, 34–36; 68:4.)

    • Ano ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mithiin at plano ni Alma na maisakatuparan ito?

    Ang isang katotohanan na maaaring natukoy mo ay ang salita ng Diyos ay may kapangyarihang akayin ang mga tao patungo kay Jesucristo.

    • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Diyos na nagpapalakas o nagpapatibay ng Kanyang salita para sa iyo? Sa iyong palagay, bakit mas makapangyarihan ito “kaysa sa espada, o ano pa mang bagay”? (Alma 31:5).

    • Sa paanong paraan tayo matutulungan ng salita ng Diyos na ibahagi ang ebanghelyo, iwasto ang mga maling ideya, o akayin ang iba patungo kay Jesucristo?

    • Paano nakaapekto sa iyong buhay ang salita ng Diyos?

    Gamit ang natutuhan mo mula kay Alma at ang iyong mga ideya mula sa mga naunang tanong, sagutan ang bahaging “Paano isakatuparan ang mithiin.”

Ang salita ng Diyos sa buhay ko

Isipin kung paano nauugnay sa iyong buhay ang natutuhan mo mula kay Alma at sa mga Zoramita.

  • Ano ang ilang bagay na nagiging dahilan ng paglayo ng mga kabataan kay Jesucristo?

  • Paano makahahadlang ang pag-asa sa salita ng Diyos sa paglayo natin kay Jesucristo o paano ito makatutulong sa atin na makabalik sa Kanya?

Pag-isipan ang iyong kaugnayan kay Jesucristo. Mayroon bang anumang dahilan para lumayo ka sa Kanya? Gusto mo ba ng mas matibay na kaugnayan sa Kanya? Mapanalanging magtakda ng personal na mithiin na tutulong sa iyo na mapatibay ang iyong kaugnayan sa Kanya. Ang mithiing ito ay maaaring maiugnay o maidagdag sa iyong mga mithiin sa Mga Bata at Kabataan.

icon, isulatGumawa ng isa pang kopya ng diagram ng mithiin sa iyong journal.

Isulat ang iyong sariling mithiin sa bahaging “Mithiin.”

Maaari mo ring isulat ang anumang balakid sa iyong mithiin sa bahaging “Problema.”

Sa bahaging “Paano isasakatuparan ang mithiin,” isulat kung paano ka makaaasa sa bisa ng salita ng Diyos. Isama kung paano ito makatutulong sa iyo na maisakatuparan ang iyong mithiin.

Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tanong.

  • Bakit ang mithiing ito ay isang bagay na sa palagay mo ay kailangan mo sa iyong buhay? Paano makaiimpluwensya sa iyong kaugnayan kay Jesucristo ang pagkamit nito?

  • Anong mga bagay ang partikular na gagawin mo para matulungan kang umasa sa kapangyarihan sa salita ng Diyos? Paano ka nito matutulungang isakatuparan ang iyong mithiin?

  • Anong mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan ang makahihikayat sa iyo na pagsikapan ang mithiing ito?

  1. Kapag natapos ka na, isulat ang “Nagtakda ako ng personal na mithiin” sa iyong study journal. Pag-isipang isulat ang anumang ideya o detalye tungkol sa iyong karanasan mula sa pag-aaral mo ng Alma 31:1–11 na hindi masyadong personal.