“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14: Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 14
Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pagsasaulo ng mga scripture reference at ng itinuturo ng mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang maraming scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa huling 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon.
Mga pakinabang ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan
-
Ano ang sasabihin mo sa isang taong nagtatanong kung bakit makabubuting isaulo ang mga banal na kasulatan?
Basahin ang Alma 31:5, at alamin ang dahilan kung bakit nais ng isang tao na isaulo ang mga banal na kasulatan.
-
Paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan para matamo ang kapangyarihan ng Diyos?
-
Ano ang isang scripture passage na naisaulo mo? Paano ka nakinabang sa pagsasaulo ng mga scripture passage?
Rebyuhin ang mga sumusunod na doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pumili ng tatlo o apat na gusto mong isaulo.
Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon: Alma–Moroni
Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Lumapit sa akin at magpabinyag … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung ang mga tao ay lalapit sa akin … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” |
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Magsanay na isaulo ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na pinili mo. Maaari mong gamitin ang ilan o lahat ng mga sumusunod na pagsasanay:
-
Kung mayroon nito, gamitin ang flash card feature sa Doctrinal Mastery app.
-
Isulat ang bawat scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, at huwag isama ang ilang salita. Magsanay na ulitin ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nawawalang salita.
-
Isulat ang mga unang titik para sa bawat salita ng scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Gawin ito para sa bawat isa sa mga passage na gusto mong isaulo. Magsanay na isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan gamit ang mga unang titik.
-
Isulat ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Paghalu-haluin ang mga salita at numero sa pamamagitan ng paggupit ng papel sa magkakahiwalay na salita. Paghalu-haluin ang mga salita at numero, at pagkatapos ay ibalik ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod.
-
Pumili ng kahit isang doctrinal mastery passage at tingnan kung kaya mong isaulo ang buong passage. Maaari mong gamitin ang memorize feature sa Doctrinal Mastery app o ang isa sa iba pang mga paraang nakalista sa itaas para tulungan kang magsaulo.