Seminary
Alma 32: “Makapagpapalakas sa Inyong Pananampalataya”


“Alma 32: ‘Makapagpapalakas sa Inyong Pananampalataya,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 32,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 32

“Makapagpapalakas sa Inyong Pananampalataya”

kamay na may hawak na binhi

Maraming iba’t ibang bagay ang magagamit upang tulungan tayong maunawaan ang ebanghelyo ni Jesucristo. Tulad ng itinuro ni Alma sa mga Zoramita, inihambing niya ang salita ng Diyos sa isang binhing maitatanim natin sa ating puso na kalaunan ay magiging “isang punungkahoy na sumisibol tungo sa buhay na walang hanggan” (Alma 32:41). Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang maitanim ang salita ng Diyos sa iyong puso at pangalagaan ang iyong patotoo tungkol dito.

Mga Paghahambing

Ang paghahambing ay maaaring maging epektibong paraan para maituro at matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo. Punan ang mga sumusunod na patlang. Maging malikhain at tingnan kung may higit sa isang paraan para makumpleto mo ang mga pangungusap.

  • Ang buhay ay katulad ng dahil .

  • Ang mga smartphone ay katulad ng dahil .

  • Ang pagkakaroon ng patotoo ay katulad ng dahil .

Habang naglilingkod sina Alma at Amulek sa mga Zoramita, isang grupo ng mga tao ang nagpahayag ng pag-aalala na hindi sila makasamba sa Diyos dahil sila ay itinaboy palabas sa kanilang mga lugar ng pagsamba dahil sa kanilang kahirapan (tingnan sa Alma 32:5). Bagama’t alam natin na malinaw na itinuro ng Panginoon ang kahalagahan ng pagdalo sa Kanyang Simbahan sa araw ng Sabbath, tumugon si Alma sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga yaong hindi pinahintulutang dumalo sa Simbahan ng tungkol sa mahahalagang katotohanan hinggil sa pagsamba na maaaring mangyari sa ating puso, saanmang lugar tayo naroon.

Basahin ang unang pangungusap ng Alma 32:28, pagkatapos ay basahin ang talata 41 at maghanap ng paghahambing na ginamit ni Alma na angkop din sa iyo.

  • Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa paglaki ng isang punungkahoy mula sa binhi at paglaki ng iyong patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo?

Ang paghahambing ni Alma sa salita ng Diyos sa isang binhi ay maiaangkop sa pagkakaroon ng patotoo sa anumang aspeto ng ebanghelyo. Subalit kalaunan ay ipinaliwanag ni Alma na ito ay patotoo tungkol kay Jesucristo na inasam niya na itatanim ng mga Zoramita sa kanilang mga puso (tingnan sa Alma 33:22–23).

  • Bakit ang paniniwala sa Tagapagligtas ay isang mahalagang “binhi” na dapat itanim sa iyong puso?

Pag-isipan sandali ang kasalukuyang lakas ng iyong buong patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo. Gayundin, isipin kung may mga partikular na aspeto ng iyong patotoo na gusto mong palakasin tulad ng pagmamahal ng Ama sa Langit para sa iyo o ng katotohanan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith. Sa iyong patuloy na pag-aaral ngayon, maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung paano ka magkakaroon ng patotoo o paano mo mapapalakas ang iyong patotoo.

Pagtatanim at Pangangalaga sa Salita ng Diyos sa Ating Puso

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“Alma 32: ‘Palakasin ang Iyong Pananampalataya’”

Pagtatanim ng binhi

Basahin ang Alma 32:21–23, 26–30, at markahan ang mga salita at parirala na tutulong sa iyo na maunawaan kung paano sisimulang palakihin ang patotoo.

  • Ano ang maaaring maging dahilan para mahirapan ang mga tao na gawin ito?

  • Ayon sa mga talata 28–30, ano ang maaaring mangyari kapag magbibigay-puwang tayo sa ating puso para kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo?

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Magsulat ng buod na may isang pangungusap hinggil sa natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa pag-aalaga sa iyong patotoo sa pagsisimula pa lang nito.

Pangangalaga sa binhi

Itinuro ni Alma na ang pagtatanim ng binhi at pagtuklas na ito ay mabuti ay unang bahagi pa lang ng pagpapalaki ng patotoo. Basahin ang Alma 32:37–43, at maghanap ng mga turo na tutulong sa iyo na maunawaan kung paano ka makatutulong sa patuloy na paglaki ng patotoo.

  • Ano ang ilang halimbawa kung paano mapapabayaan ng isang tao ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo?

  • Ano ang ilang paraan na mapangangalagaan ninyo ang inyong patotoo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo upang tulungan itong mas lumakas?

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Magsulat ng buod na may isang pangungusap hinggil sa natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa pagpapalakas ng patotoo na lumalaki na sa iyong puso.

Ang iyong patotoo

Para matulungan kang makita kung paano nauugnay ang paghahambing ni Alma sa iyong patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, magdrowing sa iyong study journal ng isang diagram tulad ng sumusunod. Magdrowing sa iba’t ibang bahagi ng pahina para may puwang na masusulatan sa ilalim ng bawat yugto ng paglaki.

mga yugto ng paglaki ng punong namumunga

Maglaan ng ilang sandali para ihambing ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo sa paglaki ng isang punong namumunga. Pumili ng ilang aspeto ng ebanghelyo ni Jesucristo, at isulat ang bawat isa sa ilalim ng mga yugto ng paglaki na sa palagay mo ay pinakamainam na naglalarawan sa iyong kasalukuyang patotoo sa mga aspetong iyon.

Halimbawa, maaaring isulat ng isang tao ang “Si Jesucristo ay buhay” sa ilalim ng punong namumunga at “kapangyarihan ng priesthood” sa ilalim ng binhi. Pagkatapos ay maaaring isulat ng taong iyon ang iba pang mga aspeto ng ebanghelyo ng Tagapagligtas, tulad ng “isang buhay na propeta,” “gawain sa templo,” “ang Aklat ni Mormon,” at “panalangin,” sa ilalim ng yugto ng paglago na naglalarawan sa kanyang patotoo sa bawat isa sa mga aspetong iyon.

Gumawa ng plano kung paano mo sisikaping ipamuhay ang mga turo ni Alma. Maaari mong isipin kung ano ang maaari mong gawin na “magbibigay-puwang” sa iyong puso at buhay para sumibol ang isang aspeto ng iyong patotoo. Maaari mo ring pag-isipan kung paano mo “aalagaan” ang mga bahagi ng iyong patotoo na nagsisimula nang lumaki. Isulat ang mga ideya, impresyon, at mithiin mo sa iyong study journal.