Seminary
Doctrinal Mastery: Alma 34:9–10—“Kinakailangan na May Isang Pagbabayad-salang Gawin, … Isang Walang Katapusan at Walang Hanggang Hain.”


“Doctrinal Mastery: Alma 34:9–10—‘Kinakailangan na May Isang Pagbabayad-salang Gawin, … Isang Walang Katapusan at Walang Hanggang Hain,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Alma 34:9–10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Alma 34:9–10

“Kinakailangan na May Isang Pagbabayad-salang Gawin, … Isang Walang Katapusan at Walang Hanggang Hain.”

si Cristo sa krus

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang tungkol sa walang katapusan at walang hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 34:9–10, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa mga talatang ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon gamit ang scripture passage na ito.

Ipaliwanag at isaulo

Napansin mo na ba na mas madaling maunawaan ang isang bagay sa iyong isipan kaysa ipaliwanag ito gamit ang mga salita? Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay bigyan ka ng mga pagkakataong ipaliwanag ang doktrina mula sa mga doctrinal mastery passage sa sarili mong mga salita.

Sa pag-aaral mo kamakailan ng Alma 34:9–10, nalaman mo na kung wala ang walang katapusan at walang hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang buong sangkatauhan ay mangaliligaw magpakailanman.

Isipin kunwari na nagkaroon ka ng pagkakataong ipaliwanag ang kahulugan ng Alma 34:9–10 sa isang taong kaunti lang ang nalalaman tungkol kay Jesucristo. Pag-aralan sandali ang mga talatang ito at markahan o isulat ang mga salita o parirala na gusto mong maunawaan ng taong ito.

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Paano mo ipapaliwanag ang mga turo sa Alma 34:9–10 sa sarili mong mga salita?

Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 34:9–10 ay: “Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Upang matulungan kang maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, isulat ang “Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … ” nang ilang beses sa papel hanggang sa maisaulo mo ang bahaging ito ng parirala. Pagkatapos ay gawin din iyon para sa ikalawang bahagi ng parirala: “isang walang katapusan at walang hanggang hain.” Kapag naisaulo mo na ang pangalawang bahagi, ulitin ang buong scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan hanggang sa maisaulo mo na ang lahat ng ito.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Naaalala mo ba ang mga pangalan ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman? Tingnan kung kaya mong ulitin ang mga ito nang walang kopya. Kung kailangan mo ng tulong, maaari mong marebyu ang mga alituntuning ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Magkakaroon ka ng mga pagkakataong marebyu ang mga alituntuning ito at magamit ang mga ito sa lesson na ito.

Isipin kunwari na hiniling sa iyong magturo ng isang lesson tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa inyong klase sa Sunday School. Bilang bahagi ng iyong paghahanda, kinausap mo ang isang dalagita sa inyong ward na nagngangalang Olive at hiniling mo sa kanyang ibahagi ang nadarama niya kung paano pinagpala ni Jesucristo ang kanyang buhay dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Nagulat ka sa sagot ni Olive. Sabi niya, “Sa totoo lang, sa palagay ko, ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nakabubuti para sa karamihan ng mga tao, ngunit hindi ako sigurado kung gaano ito naaangkop sa akin dahil sa ilan sa mga pagkakamaling nagawa ko at patuloy kong ginagawa. May mga kasalanan ako na hindi ko alam kung makakaya kong madaig.”

Habang patuloy mong inihahanda ang iyong lesson, lagi mong iniisip ang mga sinabi ni Olive at gusto mo siyang tulungan. Isipin kung paano makatutulong sa alalahanin ni Olive ang mga turo sa Alma 34:9–10 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Kumilos nang may Pananampalataya

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga tanong na nauugnay sa kahit isa lang sa mga sumusunod na bullet point:

    • Anong mga partikular na matwid na gawain ang sa palagay mo ay maaaring gawin ni Olive na makatutulong sa kanya?

    • Ano ang maituturo mo kay Olive tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala na maaaring makatulong sa kanya na kumilos nang may pananampalataya? Paano makatutulong ang mga turo sa Alma 34:9–10?

Para sa iba pang mga ideya kung paano maaaring kumilos nang may pananampalataya si Olive, maaari mong basahin ang mga talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

Suriin ang mga konsepto o tanong nang may walang-hanggang pananaw

icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit isa sa mga sumusunod na tanong:

    • Sa iyong palagay, ano ang magiging pananaw ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa alalahanin na katulad ng kay Olive?

    • Bakit mahalagang alalahanin ni Olive na ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay “walang katapusan at walang hanggan” (Alma 34:10)?

    • Paano makatutulong sa kanya ang pag-alaala na lahat ay nahulog at nangaligaw kung wala ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas para makita niya ang kanyang alalahanin sa ibang paraan?

Para sa iba pang mga ideya kung paano masusuri ni Olive ang mga konsepto o tanong nang may walang-hanggang pananaw, maaari mong basahin ang talata 8 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga tanong na nauugnay sa kahit isa lang sa mga sumusunod na bullet point:

    • Anong mga uri ng sources na itinalaga ng Diyos ang irerekomenda mo kay Olive para matulungan siyang makatanggap ng payo at patnubay? Bakit?

    • Dagdag pa sa Alma 34:9–10, ano ang isang banal na kasulatan o pahayag mula sa isang lider ng Simbahan na maibabahagi mo kay Olive? Paano ito maaaring makatulong sa kanya?

Para sa iba pang mga ideya kung paano makahahanap ng karagdagang pag-unawa si Olive sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos, maaari mong basahin ang mga talata 11–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.