“Doctrinal Mastery: Alma 41:10—‘Ang Kasamaan ay Hindi Kailanman Kaligayahan,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: Alma 41:10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: Alma 41:10
“Ang Kasamaan ay Hindi Kailanman Kaligayahan”
Sa Alma 41:10, nalaman mo na “ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.” Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 41:10, maipaliwanag ang doktrina, at masanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Para matulungan kang magsaulo, ulitin ang mahalagang parirala at reperensya ng doctrinal mastery nang ilang beses, “Alma 41:10 ‘Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.’” Subukang tingnan ito nang mas madalang sa tuwing uulitin mo ito. Kung gusto mo ng karagdagang hamon, sikaping isaulo ang buong passage. Maaaring makatulong na gamitin ang Doctrinal Mastery app.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Ang mga sagot ay nasa katapusan ng lesson na ito.
Basahin ang sumusunod na sitwasyon:
Si Carlos, isang miyembro ng Simbahan, ay nahihirapang makita ang kahalagahan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Sinabi niya sa iyo kamakailan, “Marami akong kilalang tao na lumalabag sa mga kautusan at tila maayos naman ang kanilang buhay. Paano mo masasabi na kailangan mong sundin ang mga kautusan upang maging maligaya?” Nakikita mo ang katapatan ng tanong ni Carlos ngunit nadarama mo na kailangan mo ng kaunting panahon para maiayos ang lahat ng iyong naiisip para masagot ang kanyang tanong. Nagkasundo kayong dalawa na pag-uusapan pa ninyo ang kanyang tanong kinabukasan.
Gamitin ang natutuhan at nadama mo habang pinag-aaralan mo ang Alma 41:10 at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maghandang talakayin ang tanong ni Carlos.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
-
Ang mga banal na kasulatan ay sources na itinalaga ng Diyos na makatutulong sa atin na sagutin ang ating mga tanong. Basahin ang Alma 41:10 at maghanap ng isa pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa pagsagot mo.
-
Isipin ang ilang sources na sasabihin mo kay Carlos na pag-aralan para sa karagdagang impormasyon. Maaari mo ring ipaliwanag kung bakit mapagkakatiwalaan ang isang source tungkol sa mga espirituwal na bagay.
Suriin ang mga konsepto o tanong nang may walang-hanggang pananaw
Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga palagay ni Carlos:
-
Anong mga palagay ang maaaring mayroon siya tungkol sa mga kautusan o kaligayahan?
-
Anong mga turo ng ebanghelyo ang nauugnay o nagbibigay ng mga sagot sa kanyang tanong?
-
Ano sa palagay mo ang kailangang malaman ni Carlos tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at kung paano Siya makitungo sa Kanyang mga anak?
Kumilos nang may pananampalataya
Si Carlos ay maaaring kumilos nang may pananampalataya sa pamamagitan ng paghahangad na mas maunawaan ang mga kautusan ng Ama sa Langit. Ang pagpiling sundin ang mga kautusan kapag hinangad niyang mas maunawaan ang kahalagahan ng mga ito ay pagkilos din nang may pananampalataya. Pumili ng kahit dalawang kautusan at tukuyin kung paano makatutulong kay Carlos ang pagsunod sa mga ito na makadama ng kaligayahan o kung paano hahantong ang paglabag sa mga ito sa kalungkutan. Maaari mo ring ibahagi kung paano nagdulot sa iyo ng kaligayahan ang pagsunod sa mga kautusang ito.
Ang mga sagot sa matching activity ay (1) B, F; (2) C, E; at (3) A, D.