Seminary
Alma 40: Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli


“Alma 40: Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 40,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 40

Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli

Si Cristo sa daigdig ng mga espiritu

Matapos siyang anyayahan ng kanyang ama na magsisi, may ilang tanong si Corianton tungkol sa plano ng Diyos, kabilang na ang mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay. Sinagot ng kanyang amang si Alma ang kanyang mga tanong at nagpatotoo ito tungkol sa mahalagang tungkulin ni Jesucristo sa plano ng Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalalim ang iyong pagpapahalaga sa ginawa ng Tagapagligtas para sa iyo at magbibigay sa iyo ng pagkakataong ipaliwanag kung ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay.

Mga Tanong

Si Sister Reyna I. Aburto, tagapayo sa Relief Society General Presidency, ay nagbahagi ng isang personal na karanasan na naglalarawan ng mga tanong natin tungkol sa mangyayari pagkatapos nating mamatay. Panoorin ang video na “Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 4:21 hanggang 5:13, o basahin ang sumusunod na pahayag:

9:18

Noong ako ay siyam na taong gulang, namatay ang aking kuya dahil sa mapaminsalang lindol. Dahil nangyari ito nang hindi inaasahan, matagal bago ko napagtanto ang realidad ng pangyayari. Nanlumo ako sa lungkot, at tinanong ang aking sarili, “Anong nangyari sa kapatid ko? Nasaan siya? Saan siya pumunta? Makikita ko ba siyang muli?”

Hindi ko pa alam noon ang plano ng kaligtasan ng Diyos, at gusto kong malaman kung saan ako nanggaling, ano ang layunin ng buhay, at ano ang mangyayari sa atin matapos tayong mamatay. Hindi ba’t inaasam nating lahat iyan kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay o kapag dumaranas tayo ng mga paghihirap sa ating buhay? (Reyna I. Aburto, “Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” Liahona, Mayo 2021, 86)

May alalahanin din ang anak ni Alma na si Corianton tungkol sa kabilang buhay.

Basahin ang Alma 40:1, at alamin kung ano ang ipinag-alala ni Corianton.

  • Sa iyong palagay, bakit kaya siya nag-alala tungkol dito?

Alalahanin na nilabag ni Corianton ang mga kautusan ng Diyos, kabilang na ang batas ng kalinisang-puri. Dahil sa kanyang mga pinili, maaaring nag-alala siya tungkol sa kanyang kalagayan pagkatapos ng buhay na ito. Para matugunan ang mga alalahanin ni Corianton at matulungan siyang magsisi, itinuro sa kanya ni Alma ang doktrina. Ang tugon ni Alma sa mga alalahanin ni Corianton ay makatutulong din sa isang taong may mga tanong na tulad ng kay Sister Aburto.

Kalaunan ay tinuruan si Sister Aburto ng mga missionary na tumulong sa kanya na mahanap ang mga sagot sa kanyang mga tanong. Kunwari ay isa ka sa mga missionary na iyon at naghahanda kang turuan siya. Gamitin ang sumusunod na resources sa paghahanda ng maikling paliwanag para makatulong sa pagsagot sa mga tanong ni Sister Aburto.

Ang Daigdig ng mga Espiritu

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“Alma 40: Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli”

Basahin ang Alma 40:6–7, 11–14 para malaman ang itinuro ni Alma kay Corianton. Pagkatapos ay gamitin ang sumusunod na resources para matulungan kang ihanda pa ang ituturo mo.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

2:3

Alam natin mula sa mga banal na kasulatan na pagkatapos mamatay ang ating mga katawan ay patuloy tayong mabubuhay bilang mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu. Itinuturo din ng mga banal na kasulatan na ang daigdig ng mga espiritu ay nahahati sa pagitan ng mga yaong naging “mabuti” o “matwid” noong nabubuhay sila at ng mga naging masama. Inilalarawan din ng mga ito ang ilang matatapat na espiritu na itinuturo ang ebanghelyo sa masasama o rebelde (tingnan sa I Ni Pedro 3:19; Doktrina at mga Tipan 138:19–20, 29, 32, 37). (Dallin H. Oaks, “Magtiwala sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2019, 26)

Ihanda kung paano mo ipapaliwanag ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong:

  • Ano ang nangyayari sa ating mga espiritu kapag namatay tayo?

  • Ano ang kalagayan sa paraiso? Ano ang kalagayan sa lugar na tinatawag ni Alma na “labas na kadiliman,” ngunit tinatawag ding bilangguan ng mga espiritu (1 Pedro 3:19) o impiyerno (2 Nephi 9:12)?

  • Paano madaragdagan ng pag-aaral tungkol sa paraiso at bilangguan ang ating pasasalamat sa Tagapagligtas?

  • Paano tayo mapagpapala ng ating kaalaman tungkol sa daigdig ng mga espiritu sa ating mortal na buhay?

Kapag nagtuturo, tiyaking linawin na sa pagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, ang mga espiritu ng mabubuti ay mananahan sa paraiso at ang mga espiritu ng masasama ay mananahan sa bilangguan ng mga espiritu. Ibahagi kung paano nakakaimpluwensiya sa mga pagpiling ginagawa mo sa buhay na ito ang pagkaunawa mo sa katotohanang ito.

Pagkabuhay na Mag-uli

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“Alma 40: Ang Daigdig ng mga Espiritu at Pagkabuhay na Mag-uli”

Basahin ang Alma 40:2–5, 23–24 para malaman ang itinuro ni Alma kay Corianton. Pagkatapos ay gamitin ang sumusunod na resources para matulungan kang ihanda pa ang ituturo mo.

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

2:3

Ipinagdiriwang natin ang katotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli sa Paskong ito ng Pagkabuhay. Nagdudulot ito sa atin ng pananaw at lakas na pagtiisan ang mga pagsubok sa buhay na kinakaharap ng bawat isa sa atin at ng mga mahal natin, tulad ng mga kakulangan sa pisikal, mental, o emosyonal na taglay na natin mula sa pagsilang o nararanasan habang nabubuhay tayo sa mundo. Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli, batid natin na pansamantala lamang ang mga kakulangang ito! (Dallin H. Oaks, “Ang Dakilang Plano,” Liahona, Mayo 2020, 94–95)

Ihanda kung paano mo ipapaliwanag ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong:

  • Ano ang pagkabuhay na mag-uli? Sino ang mabubuhay na mag-uli?

  • Ayon sa Alma 40:2–3, paano naging posible ang Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Paano tayo mapagpapala ng ating kaalaman tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli sa ating mortal na buhay?

Kapag nagtuturo, tiyaking linawin na dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli. Magbahagi ng isang dahilan kung bakit nagpapasalamat ka sa pangako ng pagkabuhay na mag-uli.

© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.

 ChurchofJesusChrist.org

4:19

Mga Sagot

icon, isulat
  1. Sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa ituturo mo kay Sister Aburto. Isama ang mga katotohanang nahanap mo, at pag-isipang ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa tungkulin ni Jesucristo sa daigdig ng mga espiritu at pagkabuhay na mag-uli. Maaari mo ring ibahagi sa iba ang isinulat mo.

  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Bakit mahalaga sa iyo ang natutuhan mo tungkol sa daigdig ng mga espiritu at pagkabuhay na mag-uli?

    • Paano nakakaapekto ang kaalamang ito sa nadarama mo para sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

    • Ano ang ilang tanong mo na nasagot ngayon?

    • Anong mga tanong ang gusto mong patuloy na hanapan ng mga sagot?