Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: Alma 17–Alma 52


“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6: Alma 17–Alma 52,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“I-assess ang Iyong Pagkatuto 6,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

Alma 17Alma 52

dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral kamakailan ng Aklat ni Mormon.

Pagsukat sa pag-unlad

  • Para saan ginagamit ang mga sumusunod na kasangkapan?

oral thermometer
kagamitang pangkuha ng presyon ng dugo
timbangan
  • Paano naging mahalaga at importante ang bawat isa sa mga kasangkapang ito?

Kung mahalagang sukatin ang pisikal na kalusugan at paglaki, mahalaga ring suriin ang iyong espirituwal na kalusugan at pag-unlad. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong gawin ito.

  • Ano ang natutuhan mo kamakailan na ipinagpapasalamat mo?

  • Anong mga pagbabago ang napansin mo sa iyong damdamin at pag-uugali nitong mga nakaraang araw?

  • Ano ang ilang paraan na nagamit mo ang natutuhan mo?

Gawin ang mga sumusunod na aktibidad para masuri ang iyong espirituwal na pag-aaral at pag-unlad. Pag-isipang hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang matukoy ang progresong nagawa mo at ang mga bagay na maaaring kailangan mong pagbutihin pa.

Ipaliwanag ang mahahalagang katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan at sa tungkilin ni Jesucristo

Mula sa pag-aaral mo ng Alma, maaaring may natutuhan kang ilang bagay na makatutulong sa iyo na mas maipaliwanag ang mga katotohanan tungkol sa plano ng kaligtasan at sa tungkulin ni Jesucristo.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na aktibidad na gagawin.

icon, isulat
  1. Gawin ang isa sa mga sumusunod na aktibidad:

Aktibidad 1: Ang plano ng kaligtasan

Isipin kunwari na isa sa mga kaibigan mo ang may mahal sa buhay na pumanaw kamakailan.

  • Kung iisipin ang ilan sa mga katotohanan mula sa iyong pag-aaral kamakailan, ano ang maibabahagi mo sa iyong kaibigan tungkol sa plano ng kaligtasan? Paano ito makatutulong sa kanya? (Tingnan sa Alma 11; 12; 40.)

Aktibidad 2: Ang tungkulin ni Jesucristo

Kunwari ay kausap mo ang isang taong nag-aalinlangan tungkol sa iyong paniniwala kay Jesucristo.

  • Kung iisipin ang ilan sa mga katotohanan mula sa iyong pag-aaral kamakailan, ano ang maibabahagi mo sa taong ito tungkol sa mahalagang tungkulin ni Jesucristo? (Tingnan sa Alma 26; 34; 36.)

Makadama ng mas matinding hangaring magbago dahil kay Jesucristo

Sa iyong pag-aaral kamakailan, nalaman mo ang tungkol sa maraming taong nagbago dahil nalaman nila ang tungkol kay Jesucristo.

Pag-aralan ang mga sumusunod na banal na kasulatan para matulungan kang maalala ang pagbabagong naranasan ng mga taong ito. Isipin ang nadama mo habang pinag-aaralan mo ang tungkol sa mga taong ito.

  • Ano ang napansin mo tungkol sa kahandaan nilang magbago?

Pagnilayan ang iyong hangaring magbago dahil kay Jesucristo. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tanong para magawa ito. Maaari mong sagutin ang mga ito sa iyong study journal.

  • Nadama mo na ba ang ilan sa mga hangarin ng mga taong ito sa Aklat ni Mormon? Bakit ganito ang nadama mo?

  • Ano sa palagay mo ang maaaring dahilan o naging dahilan kaya nadama mo rin ang mga hangaring ito?

Pagtanggap ng paghahayag mula sa Espiritu Santo

Ang isang mahalagang layunin sa seminary ay tulungan kang madagdagan ang iyong kakayahang makatanggap ng personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo.

Pagnilayan ang mga naranasan mo kamakailan kung saan nakatanggap ka ng personal na paghahayag mula sa Espiritu Santo. Maaari mong basahing muli ang ilan sa mga isinulat mo sa iyong banal na kasulatan o study journal habang nag-aaral ka sa klase o sa bahay.

3:4
  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong.

    • Anong mga kaalaman ang natanggap mo mula sa Espiritu Santo sa iyong pag-aaral kamakailan ng Aklat ni Mormon?

    • Ano ang naipaunawa o naipadama sa iyo ng Espiritu tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

    • Anong mabubuting gawa ang ipinahiwatig sa iyo kamakailan ng Espiritu Santo na gawin mo?