“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 11:10–11—‘Aking Binata ang Kalooban ng Ama sa Lahat ng Bagay Magbuhat pa sa Simula,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Doctrinal Mastery: 3 Nephi 11:10–11,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Doctrinal Mastery: 3 Nephi 11:10–11
“Aking Binata ang Kalooban ng Ama sa Lahat ng Bagay Magbuhat pa sa Simula”
Sa iyong pag-aaral ng 3 Nephi 11, nalaman mo ang tungkol sa pagpapakita ni Jesucristo sa mga Nephita. Sinabi Niya sa kanila na naisakatuparan Niya ang kalooban ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pag-ako sa mga kasalanan ng sanlibutan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 11:10–11, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 3 Nephi 11:10–11 ay “Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.” Maaari mong markahan ang bahaging ito ng talata 11 sa natatanging paraan upang mamukod-tangi ito sa natitirang bahagi ng talata.
Basahin nang ilang beses ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para matulungan kang maisaulo ito. Huminto paminsan-minsan para tingnan ang mga sumusunod na larawan ni Jesucristo at pagnilayan ang kahalagahan ng ginawa Niya.
Sa isang nakaraang lesson, tinalakay mo ang katotohanang natagpuan sa 3 Nephi 11:11 na ginawa ni Jesucristo ang kalooban ng Ama sa pag-ako ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Ipagpalagay na hiniling sa iyo ng isang taong kaunti lamang ang alam tungkol kay Jesucristo na ituro mo sa kanya ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Rebyuhin sandali ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon:
Mas madalas kasama ni Jessica ang isang bagong grupo ng mga kaibigan. Hindi sinusunod ng mga kaibigang ito si Jesucristo, ngunit napansin niya na tila masaya sila nang hindi kinikilala ang Diyos sa kanilang buhay. Tinuruan si Jessica na maniwala at sumunod kay Jesucristo. Palagi niyang iniuugnay ang kaligayahan sa pagsunod kay Jesucristo, ngunit nagsisimula na siyang mag-isip kung gaano kahalaga ang sumunod sa Kanya.
Ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay maaaring makatulong sa isang sitwasyong tulad ng kay Jessica.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Para matulungan kang makita kung paano masusuri ni Jessica ang kanyang alalahanin nang may walang-hanggang pananaw, kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal. Pagkatapos ay kumpletuhin ang chart sa pamamagitan ng paglilista ng lahat ng dahilan at resultang maiisip mo para sa dalawang column. Tiyaking magsama ng mga ideya mula sa 3 Nephi 11:10–11 habang kinukumpleto mo ang column sa kanan.
Pagsunod sa Iba |
Pagsunod kay Jesucristo | |
---|---|---|
Mga Dahilan: | Pagsunod sa Iba | Pagsunod kay Jesucristo |
Mga Resulta: | Pagsunod sa Iba | Pagsunod kay Jesucristo |
Isipin kung paano mapagpapala ng natutuhan mo ngayon ang iyong buhay o ang buhay ng isang taong kilala mo. Kumilos ayon sa mga espirituwal na pahiwatig na maaaring natanggap mo sa lesson.